Dear Diary,
Hello diary di ko matanggap yung nangyari sakin kaninang umaga, akala ko pa naman medyo mababawasan yung nambubully sa akin sa school kasi diba ganon yung sa mga wattpad na nababasa ko, kapag gumanda sila medyo nababawasan yung nambubully sa kanila ang natitira lang na hindi tumitigil ei yung mga kontrabida kasi insecure sila pero ito hindi, grabe parang mas lalo pang dumami parang halos lahat dito ei kontrabida ei.
Excited akong pumasok, sa school kasi nawala yung mga pores and pimples ko sa mukha, alam mo naman kung bakit ko ginawa yun diba, tsaka yung kilos at pananamit ko binago na ng kaunti, pero di parin ako nagmake-up, polbo lang, hehe, pagpasok na pagpasok ko palang sa gate, tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa, natulala, parang bumagal ang oras at paggalaw ng mundo, PERO 5 SECONDS LANG YUN OO 5 SECONDS BILANG NABILANG KO KASI PAGKATAPOS NUN PARA KONG SINALVAGE KASI NAGKAGULO ANG LAHAT NG KANINANG NAKATINGIN AT PINAGBABATO AKO NANG KUNG ANO ANO, grabe naman sila ganun ba ko kapanget, bakit ba nila ako ginaganito wala naman akong ginagawa sa kanila ha, mabuti na lang at dumating nanaman si ulap, at sinabay niya ko sa pagpasok, medyo tumigil na din sila, kasi karamihan sa mga nambabato ei mga babae siguro ayaw nila na matamaan ang kasama ko haha.
"Ano ayos ka lang??" tanong niya nang makapasok na kami sa room "haha siraulo ka ba, mukha ba kong okay, ikaw ba naman pagbabatuhin ng kung ano ano" "hahaha sorry na, ok pano ba yan ilang beses na rin kitang naililigtas sa iilang kapahamakan, you owe me a lot na, baka naman pwede mo nang bayaran" hala ako pa may utang "ano ka, hindi ko naman sinabi sayo na tulungan mo ko ha, kaya wag mo kong masumbat sumbatan jan ha, tsaka wala kong perang pambayad sayo" kapal muks neto -_- "hindi naman pera ang ipambabayad mo ei, tanggapin mo lang akong kaibigan pwede na, ayaw mo nun kapag nasa tabi mo ko hindi ka na mababato" sa bagay, pwede ko siyang magamit na shield kapag nangyari yun tsaka kapag nasa bahay ako naiisip ko din ito ei, pero bigla kong naisip hindi pwede kasi hindi ako manggagamit na tao, gusto ko pag naging kaibigan ko siya, kaibigan talaga ang turing ko sa kanya, pero sige na nga tutal wala naman akong kaibigan dito, payag na ko, naisip ko din kasi yung pag tulong niya sa akin. "Sige pag-iisipan ko, kapag mamayang break time pinayagan kitang sumabay sakin, ibig sabihin non payag na ko, kapag naman hindi alam mo na"
"Ang galing mo talaga, ngayon naman paghihintayin mo ko?" reklamo niya "eh bakit ako ba yung nagpupumilit na makipagkaibigan??" "oo na oo na, ang dami mo pa kasing arte bat di mo na lang sabihin na gusto mo din akong maging kaibigan, and by the way nagbago ang itsura mo ngayon ah, siguro nagpaganda ka kasi naging classmate mo na ko" "kapal ng mukha mo hindi yun dahil sayo no" "eh kanino?" hindi ko na siya pinansin dahil nandyan na ang love of my life ko hihihi napaka-gwapo niya talaga palagi, tsaka napaka-fresh niya din lagi. "Siya ba? May gusto ka sa kanya? Sus mas gwapo pa ko jan ei" napatingin naman ako sa kanya "Luh kapal muks ka talaga ei no" "anong kapal muks, Im just saying the truth no" english pa "Saying the truth saying the truth ka jan, balakajan uyyy".
Hindi ko na pinansin ang chokulitos napaka-kulit talaga ei gg,
*Cringgggg Cringggggg*
Pagkaring na pagkaring ng bell nagulat ako sa katabi ko kasi bigla na lang niyang kinalabog ang lamesa ko at nakatitig saakin, edi syempre ako naman tong nagulat "Ano baaaaa! Bat mo ba hinampas yung lamesa ko!!!" napalakas ata ang sabi ko kaya napatingin sakin mga classmate ko, O to the M to the G patay nanaman ako niyannnnn.
"Aba nag-iingay kana ngayon ah, di porke gumanda ka ei batas ka na dito, napatungan ka lang ng make-up feeling reyna ka na" luhhhh oa naman netong babaeng to feeling reyna ba ko, tsaka di ko naman siya kinakausap ahh.
Hayst wag na nga lang pansinin, "Hoyy anoo kinakausap kitang balake ka! Sumagot ka" papasabunot na sana siya sakin diary pero hindi niya nagawa dahil bigla na lang akong hinila ni Ulap palabas.
"Teka Cloud bitawan mo ko, sandali madadapa na ko" binitawan niya naman ako, kamuntik muntikanan pa kong madapa buti na lang at naka-sneakers ako.
"Bakit ba hila ka ng hila?"
"Ano ka kung hindi kita hinila edi nasabunutan ka na ng kakaklase natin, diba hay nakoo" oo nga ano.
"Edi thank you, at wait nga bakit ba ko nagte-thank you eh ikaw nga pala ang may kasalanan kung bakit ako nakagalitan na naman"
"Anong ako nanaman, ikaw ahh ako na lang palagi ang sinisisi mo sa mga kasalanan mo, samantalang ako na nga tong nagliligtas sayo" sumbat nanaman.
"Anong hindi mo kasalanan, kasalanan mo kung hindi mo kinalabog ang lamesa ko hindi ako maisisigaw ang mga salitang iyon, aba alam mo namang magugulatin ako diba!" tae tong lalaking to ei.
"Ayy oo nga no, pero hindi naman ako ang may kontrol sa bunganga at boses mo ei" aba aba nangangaktwiran pa nakita mo na diary siya na nga tong nangungulit na maging magkaibigan kami ei.
"Wokeeyyyy!!! alam mo ang dami dami mong sinasabi, kung sabihin mo na lang kay kung bakit mo nga ba kinalabog ang lamesa ko!"
"Di ba nga ngayon ko na malalaman kung magiging magkaibigan na tayo oh hindi, naexcite lang ako hehe"
"Ahhh yun ba, oh dahil sa nangyari ayoko na tae yun lang pala"
"Anong yun lang pala ang tagal ko kayang nag-intay tapos sasabihin mo yun lang pala"
"ha kinukonsensya mo ba ko, o de sige na nga pumapayag na k----"
"Yesssss thank you so friends naaaaa" tapos omygod diary niyakap niya ko diary o to the m to the g, grabe sobra ba siya natuwa para yakapin niya ko.
Yung lang diary grabe may sasabi pa pala ko, yon na lang ulit ako nakaramdam ng may halaga ko feeling ko totoo siya sa sinasabi niya, iba to diary ahh nanganganib talaga ako.
BINABASA MO ANG
Diary ng Slight na Titibo-tibo
Teen FictionAlam niyo ba hindi naman talaga ako tibong tibo ei kumbaga slight lang, kasi minsan nagiging kilos babae din naman ako pero hindi yung super duper babae yung mga tipong nagsusuot ng mga kung ano anong maiiksing damit tulad ng maiksing short, maiksin...