~ Lahat ng lalaki ay may kanya-kanyang prinsesa. Kaso may iba tatanga-tanga.. Nasa harap na nila ang prinsesa, naghahanap pa ng bruha.
Hindi naman yun fairytale, tawag dun nightmare . XDD
___________________________________________________________________________
“Brian?”
“O_______O”
“Dito ka rin pala nagsisimba?”
[ Si Keena. Nakumpirma ko lalo nung humarap na ko sa kanya. >___< ]
“*Nod nod nod*”
“Oh really? Pero parang ngayon lang kita nakita.”
[ Di ko alam panu ako sasagot sa mga tanong nya. Gusto ko mang aminin na hindi talaga ako madalas magsimba, nag-aalangan na akong magsalita. ]
“…”
“Anyway, tama pala talaga si Kyle no?”
“Hm?”
“You have a very good voice. ^___^”
[ Kelan ba yun? Sinabe ni Kyle na kumakanta daw ako at maganda pa ang boses. Di man totoo yun, pero naalala nya pa pala. ]
“Hi-hin-de nam-man.”
“Anong hindi? Ang galing mo kaya! Totoo!”
“Sas-sala-mat.”
[ Sabe na nga ba, bulol pa din ako pag kaharap na sya. Naku naman, sana di nya mahalata. Psh ]
Di ko alam na may igaganda pa pala ang mood ko sa araw na to. Dahil sa kanya, yung pambati na ‘good morning’ dati eh naramdaman ko ng literal. Bonus na lang yung pagpuri nya sa pagkanta ko kanina.
Hindi ko din sukat akalain na dito pa sa simbahan kame magkikita. Siya pa nga ang unang bumati at lumapit saken eh, nakakailang tuloy. Nahiya ako na di ako naging alerto sa paligid ko. Siya tong mahalaga, di ko nalaman agad na nandito rin sya. Tss
“Sinong kasama mo?”
“Si-la mom-my at ti-ta. I-i-kaw?”
“Ahh. Parents ko lang din. Ahehe”
Sakto namag may tumawag saken..
“Brian, anak, let’s have breakfast first then we’ll..”
[ Papalapit si mommy at mapapatingin kay Keena. Tapos tumingin saken na parang may pinapahiwatig na iba. ]
“Mom-my, school-mate kop-po pa-la si Kee-na. Kee-na mom-my kkko.”
“Good morning po. (:”
“Good morning din. Napakagandang bata mo naman iha.”
“Thank you po. Pero mas pretty po kayo eh. Ahehe”
“Naku salamat. Bihira na ko masabihan ng ganyan lalo na ni Brian. Haha”
[ Talaga? Hindi ko na ba sya nabobola este nasasabihan ng maganda? Pero totoo, maganda rin ang nanay ko. Yun nga lang di ako sa kanya nagmana. :-/ ]
“Ay, busy lang po siguro sya masyado sa pag-aaral. Sipag po nya eh, sobraaa!”
“Totoo yan. Tutok masyado.”
“@_______@”
[ Mas okay nga sigurong tumahimik na lang lalo na kung ako mismo ang pinag-uusapan. Baka mamaya pati si mommy maguluhan kung bat hindi tuwid pagsasalita ko samantalang kumanta pa ako kanina. ]
YOU ARE READING
Bitterness is Next to Ugliness 2 (ON-HOLD)
Teen FictionDati nagkalat ang mga BASURA. Ngayon nagkalat pati mga PAASA. !@#$%