🌺
Ngumisi siya habang ako naman ay sobrang nanginginit na ang mga pisngi sa kahihiyan. Paano kung narinig pala ako ni Tita Ofelia? Goodness! Nakakahiya!
Lumayo siya sa akin. "Do your homework. I'll wait outside." He licked his lips while smiling mischievously at me. I looked away in humiliation.
"O-Okay," I nodded.
Paglabas niya ng silid ay doon ko lang nahawakan ang aking dibdib. I'm so tense I couldn't explain my feelings.
Mabilis ang tibok ng puso ko. Kahit ano'ng gawin ko, ang hirap tumanggi kay Thorn. Kaya niyang pasunurin ang aking katawan. Kaya niyang paglaruan ang isip ko.
Huminga ako ng malalim. I washed away the thoughts. I have to focus. Ayokong masayang ang ginagawa niyang pagtulong sa akin. He's different from all my past boyfriends. He cares. Dama ko iyon.
***
Ilang minuto na rin akong nagtitipa sa keyboard ng aking laptop nang may marahang kumatok. Pumihit ang pinto at iniluwa no'n ang mama ni Thorn. Nakagat ko ang aking labi at nagbalik ang kanina ko pa tinatanggal sa sistema ko na ginawa namin ni Thorn.
May dalang tray si Tita Ofelia. Tumayo agad ako.
"Tita..."
"O, Ada, huwag ka nang tumayo. Hinatid ko lang ang dinner mo. Padala pala ito ni Mauro sa inyo." Mabilis niyang inayos sa side table ang pagkain. "Masarap ang mga pagkain sa restawran. Siguradong magugustuhan mo ito."
"T-Tita, puwede naman po ako sa dining table, eh," nahihiyang wika ko. Hindi naman tama na sa loob ng silid pa na ito ako kumain. Sobrang abala na ito sa kanila.
"Hindi na, Ada. Alam kong marami ka pang tatapusin."
"Si... Thorn po?"
"Nasa sala. May in-u-upload daw siya sa laptop niya." 'Yong mga pictures siguro ang gustong tukuyin ni Tita.
"Kumain na po ba siya?"
Nginitian niya ako. "Gusto mo ba sabay kayo?"
Nahigit ko ang aking hininga. Wala naman akong ibig sabihin sa tanong ko, o maging si Tita siguro sa tanong niya. Bakit pakiramdam ko, namumula ang mukha ko?
"Bilin ni Thorn, huwag kang pagugutom. Tawagin mo lang ako kung may gusto ka. Lalabas din ako agad." Inayos niya ang mga kubyertos.
Napabuntonghininga ako. Kung ganito ka-concern ang mama ni Thorn sa akin, how much more sa sarili niyang anak. Masarap sigurong maging anak ng isang inang katulad niya.
"Tita Ofelia, salamat po," sabi ko habang nakatitig sa mga pagkaing inihanda niya.
"Mama ang itawag mo sa akin, Ada."
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. "P-Po?" Mas lalo yatang namula ang mga pisngi ko.
"Sa totoo lang, masaya talaga ako na nakilala ka ng anak ko." Matama siyang nakatingin sa mukha ko. Parang may gusto siyang sabihin. Then she suddenly let out a deep sigh. "Iwan na kita. Kumain ka na, ha."
Tumango ako at lumabas na si Tita Ofelia.
Nakatitig lamang ako sa pagkain na inihatid niya. Hindi ko naman masimulan ulit ang pag-e-encode ng report ko.
Nagdesisyon akong tikman na lang muna ang inihatid na hapunan ni Tita. Nagulat pa ako nang hindi ko namalayan na halos maubos ko iyon.
I had just finished a special sparkling beverage when my cell phone next to me started ringing.
"Ada, wala ka sa bahay?" tanong agad ni Rich mula sa kabilang linya.
I looked at the Persian cat in the picture hanging on the wall.
"Rich. Yes. I'm working on a report at a classmate's house," I said.
Matagal na walang sagot.
"Rich? Are you still there?"
"Glad you're making the right decision, Ada."
"Sabi mo kasi..."
"So marunong ka rin palang sumunod sa kuya mo?" panunukso niya.
Duh! Of course, he's my only brother. At saka, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Parang may gusto na akong patunayan ngayon. I'm not sure what it's for. Or, perhaps, who is it for?
Pagkatapos naming mag-usap ay itinuloy ko na ang ginagawa ko. Nakakailang pahina na ako nang maramdaman ko ang pangangawit ng aking batok. Sandali akong huminto at sumandal sa upuan habang nakapikit.
Bigla akong nagmulat. Sobrang tahimik ng paligid. At may liwanag na rin na nagmumula sa labas ng bintana.
Damn! Really? Umaga na?
Napahawak ako sa ulo ko. Shit! I wasn't able to finish my report. And I need to go home and change. Wait! Where am I?
Bumangon ako. I'm not sleeping in my bed. My freshly ironed uniform is beside me. What the hell is going on?
"Good morning." Namumungay na mga mata ang pumasok mula sa pintuan. Basa pa ang buhok at nakasuot na ng puting uniporme.
"T-Thorn? What am I doing here sleeping?"
Kinapa ko ang aking sarili. I'm still wearing my dress from yesterday. Thank goodness.
"M-My report isn't ready yet. My uniform is here, wait... this is mine, right? How did it get here? What happened? What exactly did I do?"
"Relax, Ada." Umupo siya sa paanan ng kama. "Nakaidlip ka kagabi. Napagod ka siguro kaya hindi na kita ginising."
That means, binuhat niya 'ko from the chair to this bed. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin.
Nakatitig lang siya sa mukha ko. Oh, so he's checking to see how I look when I wake up? Dati, wala akong pakialam anoman ang hitsura ko paggising ko. Pero ngayon...
"You're beautiful, Ada," aniyang may pilyong mga ngiti.
Napakurap-kurap ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Nabasa ba niya ang nasa isip ko? Naramdaman ba niyang nako-conscious ako?
Tumikhim ako. "M-My uniform..."
"Kinuha ko ulit kay Manang," diretso niyang sagot.
So, close na sila ni Manang? Pabalik-balik na siya sa bahay. And that's –I think– almost thirty minutes drive away from here!
"You should change. Your personal belongings were inside that bag." Itinuro niya ang bag na nakapatong sa side table. Wala na roon ang mga pinagkainan ko kagabi. "Hihintayin kita. Sabay na tayong mag-breakfast." Tumayo siya at tinungo ang palabas ng pintuan.
He was holding the lock when he turned around and said, "Don't worry about your report. It's done."
"Done?" I curiously asked.
"Done." And he winked at me.
Lumabas na siya at paglagitik ng seradura ay natampal ko ang aking noo ko.
If he keeps doing this, doing me a favour, attending to my needs... And if he'll wink at me like that, if he'll smile at me and look me in the eyes... Shit! Nagkakagusto na ba ko sa kanya?
Napapikit ako. My heart is telling me that I'm about to fall.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomanceHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...