HDHA - Thirty Three - Crying My Heart Out

2.4K 64 11
                                    

May kuryente na kami! Haha. Nakapag-UD rin sa wakas. :D Para kay jeena1815 ang chapter na ito. Enjoy! ☺ HAPPY 29,865 reads HDHA! 

============================================================

THIRTY-THREE

Crying My Heart Out 

LUIGI'S POV

Dinala ko sa clinic si Queenie. Ang sabi ng school nurse, may ankle sprain daw siya. Bawal daw bigyan ng stress ang kanang paa dahil nga maga ito. At mas masakit pa kung igagalaw niya pa.

"Uhh, Mr. Montero? Baka pwedeng ihatid mo na lang si Ms. Pineda?" Di ako nakasagot agad. Ako? Ihahatid? Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. 

"Ah, ma'am. Di na po. Kaya ko na--" pinutol ko ang pagsasalita ni Queenie.

"Sige po. Ayos lang." Alangan namang tanggihan ko? Shit. Iniiwasan ko pa man din! Pero wala eh. Nandito na. Nginitian ako ni Queenie, saka binaling ulit ang kanyang atensyon kay ma'am na nilalagyan sya ng bandage sa paa. 

--o--

SHEKINAH'S POV

May bago akong kainan! I mean kinainan pala. Hindi na McDo. Hihi. Kundi sa...Army Navy daw. Sa totoo lang, pinipilit ko si Cyrus kanina na umuwi na lang kami kaso ayaw pumayag. Gutom na raw siya at gusto nya kumain dito. Eh narinig daw nyang gusto ko na rin kumain, kaya sinama na lang nya ako dito. Sabi ko naman, wala akong pera na dala. Sabi nya okay lang daw yun. Ang bait naman! 

"Fries and burger." sabi ng waiter na dala-dala na ang order ko.

"Akin po." sabi ko naman.

"White pasta."

"Akin din po."

"Mango ripe shake."

"Akin pa rin po." HAHAHA! Pasensya na ha. Alam kong medyo ang kapal ng mukha pero talagang gutom na gutom na ako eh. Babayaran ko na lang si Cyrus kapag nagkaroon na ako ng pera. Ang tanong, saan ako kukuha? Kay Ser? 

Napangiti na lang yung waiter at si Cyrus sa akin. Naisip siguro na ang takaw ko. Hehe syempre! Di ako papahuli. 

"Salamat." sabi ni Cy sa waiter. Tumango lang ito. "Oh, yan kain na." Sandali, pray muna. Nagsign of the cross ako bago kumain. At nakita kong si Cyrus ganun din. Wow! 

"Nagppray ka rin? Bago kumain?" tanong ko sa kanya. 

"Oo naman." sagot niya. Wow. Mabait. Buti pa si Cyrus! Kesa kay Ser na kakain na lang bigla. Ang galing! Nakakatuwa naman. Nagsimula na kaming kumain. Inuna ko muna yung fries and burger. Hmm. 

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon