SW C-12

1.8K 40 0
                                    

Jung so POV


Pagdating namin ni chichi sa kanila ay sinalubong agad siya nga kanyang kuya at magulang.Sinabi ko ang nagyare kay chichi, halata ang lungkot sa mukha ng magulang niya.



"Sir salamat po sa pagkupkup kay chichi" sabi ni mang choi.



Tumango lang ako."Sir sigurado po ba kayo na hindi ka muna kakain bago umalis? Tanong ni aling ester.



"No baka gabihin po kasi ako sa daan" sabi ko at nilingon si chichi. Nakangiti siya sa akin. Parang ang hirap mag paalam kay chichi napansin ko sa mukha ang lungkot.Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit at bumeso.



"Jung so salamat sa pagkupkup mo sa akin."



Huminga ako ng malalim. Parang ayaw humakbang ng paa ko papunta sa sasakyan.



"Mang choi alis na po ako, chi lagi kang magiingat" sabi ko at pinilit na ngumiti kahit ang totoo ay nalulungkot na ako.



Pumasok na ako sa kotse. Tanaw ko sila chichi sa side mirror. Kuma- kaway sila habang paalis ako.Habang nasa daan ay napansin ko na lang na pumatak ang isang luha ko sa manibela.



Huminto muna ako sa tabi para pakalmahin ang sarili. Muli kong tinahak ang daan ang pag uwi ko sa bahay ay bumalik ang katahimikan.



Wala ng nanunuod ng tv. Wala ng nagwawalis at naghuhugas ng pinggan. Lalong na wala nang nagtatanong at ngumingiti sa akin.



Pumunta ako sa kwarto para magbihis nakita ko sa gilid ng kama ang nakatuping damit ni chichi. Mga damit na binili ko para sa kanya. May sulat na nakapatong. Binasa ko.



"Jung so salamat sa pagpapatuloy sa akin. Kahit hindi pa tayo masyadong magkakilala ay ang bait bait mo na sa akin."-- chichi.



Napaupo ako sa gilid lalo akong binalot ng kalungkutan. Hinilot ko ang sintido. Sasakit yata ang ulo ko dahil sa pagiisip kay chichi.



-------------



"Jung so malalim yata ang iniisip mo? Isang linggo ka nang tahimik" tanong ni manager. Nakatingin kame sa bintana. Nagpapatila ng malakas na ulan.



"Pagod lang ako manager". Matipid na sagot ko. Nalulungkot pa rin kasi ako sa pag- alis ni chichi.

The PLAYBOY: Series of Loving the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon