One sided love;

5 0 0
                                    

Tahimik lang akong nakikinig ng musika habang nakamasid sa kanya. Sa paglipas ng mahigit dalawang taon ay kitang kita ko na ang pagbabago 'nya.

Napangiti ako ng mapait habang sinusundan ko siya ng tingin habang naglalakad. Iniwas ko nalang ang tingin ko at tuloy tuloy na pumasok sa next class ko. Breaktime kasi namin kanina that's why nasa isang bench ako malapit sa laging tinatambayan ni Zach at ng mga kaibigan niya.

"Ally? Are you free tonight?" Janice asked. Nakangiti ito na parang may binabalak.

"Not really Jan why?"

Tinapik ako nito sa balikat at saka sinabing "Zach invites me sama ka!" Sa itsura nito ay halatang kinikilig ito.

"Inimbitahan ka? So dapat ikaw lang Jan nakakahiya naman kung pupunta ako't hindi naman ako invited"


"I already asked Zach kung pwede akong magsama then he said yes"

Napa-oo nalang ako sa kakulitan ni Janice. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay hinding hindi ako sasama lalo na't si Zachary Navarro pa pala ang naginvite.

Mabilis na lumipas ang oras na parang nananadya. Uwian na kasi namin. Kung dati ay tuwang tuwa ako tuwing 6 o'clock dahil dismissal na pero ngayon parang ayokong tumayo sa upuan ko. Gusto kong bumalik yung mga lecturer namin at magturo nalang sa harapan. Naputol ang pagmumuni muni ko ng tawagin ako ni Janice.

"Allyxandra!! let's go! kanina pa kaya kita tinatawag pero tulala ka dyan!"

"Aish may iniisip lang, sige tara na"

Pumara ng taxi si Janice at agad naman siyang pumasok kaya sumunod na din ako.


"Jan? wala akong pera pang bayad dito ah. Sana kasi ay nagjeep nalang tayo para naman mas makatipid pa tayo"


"Ang cheep naman Ally kung magji-jeep tayo papunta sa subdivision nila Zach. Don't worry ako na magbabayad"

"Seriously Janice Dominguez?! Anong isip ba ang meron ka?" nakakunot na ang noo ko habang nakatingin sa kaibigan kong napapraning na ata sa letcheng Zachary Navarro na iyon. Mabuti nalang at pabulong lang ang paguusap namin dahil kung hindi nakakahiya din kay manong.

Pumara na ako ng nasa harapan na kami ng bahay ni Zach. Kagaya parin ng dati ito. Kulay berde ang gate at pagpasok ay makikita agad ang mga pulang rosas na inaalagaan ni Tita Daine, ang mama ni Zach. Hindi na nagdoor bell si Janice at tuluyan ng pumasok, tila ba alam niya na ang pasikot sikot dito, sumunod nalang din ako tutal ay alam ko rin naman itong bahay na pinasukan namin.

Sinalubong kami ng matinis na sigaw ni Tita Daine. at agad na niyakap nya si Janice.

Ganon parin naman si Tita at tila walang nagbago ngunit bakit sa anak nya ang daming nagbago?

Ngumiti ako kay Tita Daine bahagya pa itong natigilan at sinuri akong mabuti.

"Omaaayg! Ally ija is that you?!" Napatawa ako sa reaksyon ni Tita Daine katabi niya si Tito Hernan ang papa ni Zach.

"Yes tita. Ako nga po ito"

"Tumangkad ka ija ah? lalo ka pang gumanda! Namiss kita" Niyakap ako nito at ginantihan ko naman ito.

Napukaw ng atensyon ko ang lalaking pababa ng hagdan.

Si Zach ang kababata kong mahal ko pero iniwan ako sa ere. Iniwan ako ng walang sabi. At ngayon bumalik na siya at ako pa ngayon ang mukhang may kasalanan? Mabilis pa sa alas kwatro kong pinahid ang luhang pumatak galing sa mata ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Sided Love;Where stories live. Discover now