chapter 14

4K 88 4
                                    

CHAPTER 14:

*Nakakaadik ang kakulitan ni Ice kaya hanggat maaari, wag magpadala. XDDDD Wag ding gumaya sa kasungitan ni Lourenz.

 

 

*Lourenz's Pov*


" Oo. " sabay rin nilang sagot sa tanong ko.

How come?

" Paano? " palipat lipat ang tingin ko sa kanila at nag-iintay ng sagot nila. Wala naman kasing kwinekwento si Mama na may kilala siyang Ice Fernandez eh.

" Pumasok muna tayo sa loob para mapag-usapan yan. " ang sabi ni Mama. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.

" Mama mo pala si Tita Virgie.. Hmmm, di halata. " narinig kong sabi nya mula sa likod ko. Ramdam ko ang hininga niya sa punong tenga ko. Dun ko narealize na sobrang lapit nya sa akin. Nagpatiuna kasi si Mama sa paglalakad kaya di nya napansin.

" Ano ibig mong sabihin? " bahagya ko syang nilingon at pinandilatan. Pasimple akong napasinghap ng sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

" Masungit ka kasi tapos si Tita mabait kaya di halata. Bleeh! " pagkasabi nya nun ay patakbo syang pumasok sa loob ng bahay namin.

Arrrgh! Binuhay ba etong Ice na to para asarin ako palagi? Nakakainis na talaga siya kung alam nyo lang! Kung pwede lang sakalin to para tumigil, ginawa ko na..

Sa loob ng bahay..

" Guys, meryenda muna tayo.. " nilapag ni Mama ang dala nyang tray na may lamang juice at tinapay. Dami pa talagang pasikot sikot tong si Mama eh. Di na lang kasi sabihin nya kung paano.. Aist.

" Ma, bakit kayo magkakilala ng mokong na to? " pangungulit ko ulit.

Umupo si Mama sa tabi ko habang si Ice naman ay nasa harapan ko. " Close friend ko ang Mama ni Ice nung college kami thats why kilala ko si Ice.. Okey na? At isa pa, inaanak ko siya. Di mo lang alam kasi nawala sa isip ko na sabihin sayo eh.. "

" Of all people, sya pa talaga ang anak ng kaibigan nyo at inaanak nyo.. " I hissed.


" Wait lang iha? Bakit parang mainit ang ulo mo kay Ice? "

" Ewan ko nga dyan, Tita.. Ang sungit sungit talaga ng anak nyo sa akin simula nung nagkakilala kami sa Westbridge.. " biglang sabat ni Ice na nakangisi. Sarap punitin ang labi nya.

" Ma, he stole my -- argh! Whatever Ma! Aakyat na ako sa kwarto ko. " nakakahiya namang aminin na. 'Ma, kinuha nya first kiss ko!' I'm sure pagtatawanan lang nya ako kaya pupunta na lang ako sa kwarto ko.

" Lourenz! Stop being rude in our visitor! You acting like a child! " pagkatayo ko tumayo rin si Mama at sinabi yun.

" Pssh! " naiirita na kasi ako kaya ganun inaakto ko. Di ko na kaya magtimpi.

" Kung ganyan ka rin lang, mas mabuti ipagkatiwala na talaga kita kay Ice! "


" What? What do you mean Ma? "


" Napagpasiyahan kong si Ice na ang magbabantay sayo sa school mo since same school naman kayo.. Baka sakaling tumino ka na! "

" Ma! Di na ako bata para bantayan.. At sya pa talaga ang pinagbantay nyo sa akin! Isa pa, matino naman ako ah! " naiiritang sagot ko.

" Sa inaakto mo, oo.. Anak sya ng kaibigan ko pero di mo sya pinapakitaan ng maganda.. "

" Pero Ma! "

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon