Chapter 17

6.9K 272 7
                                    

🌺

Thorn was on my mind for almost the entire duration of my class. I'm scolding myself to concentrate pero kapag nalilingat ang teacher, napapalingon ako sa kanya na nasa tabi ko. At kung mahuhuli niya ang tingin ko, guwapong-guwapo siyang susuklian ako ng ngiti. And yes, like all other girls, I'm starting to feel to hyperventilate. Really, Ada?
Lumipas ang buong maghapon na hati ang isip ko sa pag-aaral at kay Thorn. Uwian nang nagpaalam siya sandali upang hintayin ko sa labas ng school. Kukunin lang daw niya ang kanyang kotse.
But it's been an hour. Kanina ko pa nga siya mini-message sa phone.
His last message was twenty minutes ago. Wait for me, Ada. Ihahatid kita.
Pero bakit wala pa siya? Iilan na lamang ang mga estudyanteng naghihintay sa parking area na natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko. Naiinis na nga ako dahil may mga lalaking lumapit pa sa akin kanina at gusto na akong ihatid. Pero sabi ko, I'm waiting for my boyfriend. Kaya umalis din sila agad.
Another fifteen minutes has passed at hindi ko na natiis. Tinawagan ko na siya. But, he's not answering his phone. Kumabog ang dibdib ko. What if something happen to him?
"Hinihintay mo si Thorn?"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.
Si Chary pala iyon. Katabi niya ang mga kaibigan niya.
"Huwag mo na siyang hintayin dahil hindi na siya darating," masungit na sabi pa niya.
Hindi ko sila pinansin. Luminga-linga ako sa kalsada.
"Sige na Ada. Umuwi ka na," utos niyang muli habang pinanood ako ng apat na babaeng kasama niya.
"Darating siya," matiim kong sagot.
Halos sabay-sabay na napailing ang grupo.
"Niloloko ka lang niya, Ada. Nalaman kong nagpunta ka sa bahay namin kung saan nagtatrabaho ang mama niya..."
Nagtataka akong binalingan siya. What is she talking about?
"Ang mama ni Thorn, si Tita Ofelia ay cook namin sa bahay. Dinala ka rin ba niya sa resto ni Mommy?"
"C-Chary, stop. P-Please, just leave me alone," matapang kong sabi kahit sa isip ko ay puno pa ng maraming tanong.
"Si Tito Mauro ang Manager sa pag-aari naming resto. Nagpapanggap si Thorn na mayaman para makuha ka niya." She sighed and turned to face her friends. Lahat sila ay nakataas ang mga kilay.
"Madali ka kasing makuha, Ada. We're all aware that you've had several wealthy and powerful boyfriends. Madali kang makuha ng mga lalaking may sinasabi sa buhay. Sinabi rin niyang hindi niya ako girlfriend, 'di ba?"
My jaw clenched. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.
Nag-ring ang cell phone sa dala kong bag. Sumikdo ang puso ko. Gusto kong marinig ang tinig ni Thorn.
"H-Hello," I answered.
But to my dismay, it wasn't him.
"Ada, nasa school ka pa ba? Pauwi na 'ko. Daanan kita, gusto mo?"
"Y-Yes please, Rich." My voice was trembling.
"Okay. I'll see you soon. Wait for me, my dear sister. You have a lot to tell me."
Tumalikod ako pag-end ng cell phone. May gustong kumawala sa mga mata ko subalit pilit kong nilalabanan iyon.
"Ikakasal na kami ni Thorn, Ada." I heard from my back kaya napahinto ako sa paglayo. "Ipinagkasundo na kami ng mga parents namin. Kapag hindi niya ako pinakasalan, mawawalan ng trabaho ang mga magulang niya. He only wants to get under your pants, Ada. Because you are the famous and sought after Ada Rhyce!"
Nagmamadali akong naglakad palayo. To hell with those girls! Who are they to say such things to me? Ano'ng akala nila sa 'kin? Na madali akong mauuto ng kahit sino?
Why Ada? Hindi ba't nauto ka na nga? You're falling for him kahit ilang sandali pa lang kayong nagkakilala. Your mind tells you not to believe Chary. Pero sa kabila ng nasa isip mo, you know she could be right.
Umigting ang panga ko. So, Thorn was lying? Huh! Kung kailan ko pa ito naramdaman sa dinami-rami ng lalaking nakilala ko!
May bumusina sa likod ko. When I turned around, Rich had already opened the car door for me.
Mabilis akong sumakay. Nagulat siya sa bigla kong pagyakap sa kanya.
"I need to get out of here, Kuya. Please drive me home fast."

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon