Chapter 9 - Mamimiss kita eh

705 37 1
                                    

Rain's POV

"Kamusta ka naman dito?" tanong ko kay Ayen.

Andito ako ngayon sa bago niyang apartment. Naghiwalay na kasi sila ni Sid.

"Medyo nag-aadjust pa. Alam mo naman nasanay akong kasama si Sid ng ilang years sa iisang bahay"

Naging ok yung break up nilang dalawa. Hindi sila nag-away. Alam naman nila na mahal pa rin nila ang isa't isa pero sadyang hindi na talaga ok yung relationship nila. And they both knew that. Kaya siguro nung nakita ko si Ayen after ng break up, parang hindi sobrang bigat nung dinadala niya.

"Nag-uusap pa rin kayo?"

"Nakausap ko siya the other day. Uuwi daw muna siya sa Papa niya"

"You don't seem sad. Mukhang hindi rin mugto yung mata mo. I guess ok ka na?" tanong ko.

"Honestly, I am. Ok na ako. Mali ba na sobrang bilis kong naging ok?"

Mukha siyang naguiguilty sa tanong niya.

"Of course not. Nakita ko kung gaano mo minahal at inalagaan si Sid. Nakita ko kung gaano mo sinubukan na ayusin yung relasyon niyo. Kung paano niyo sinubukan dalawa. Siguro mas ok lang talaga na tinapos niyo na. Habang andun pa yung love at respect niyo for each other. Habang hindi pa kayo umaabot sa point na sisirain niyo na ang isa't isa"

Ngumiti lang si Ayen. I'm just glad na pareho silang ok. At sana dumating yung panahon na makakasama ko sila ulit pareho sa iisang lugar na hindi awkward para sa kanilang dalawa.

"Bakit ka pala andito?" tanong niya.

"Bawal dumalaw?"

Binigyan niya ako ng beer at saka siya umupo sa tapat ko.

"Come on, Rain. Bigla kang nagtext na pupunta ka dito. Tapos pagdating mo beer agad ang hinanap mo. Hindi lang dalaw ang pinunta mo dito"

I guess kilalang kilala na talaga namin ang isa't isa.

"Nicole is leaving"

"Huh?! Saan siya pupunta?"

"San Francisco" simpleng sagot ko.

Uminom ako ng beer at saka ako pumunta ng kitchen para kumuha ng chips.

"May problema yung family niya kaya kailangan niya pumunta dun at samahan yung kapatid niya"

"Gaano katagal?"

"Hindi niya alam eh. Pero sabi niya hindi naman daw lalampas ng 3 months"

Naiintindihan ko yung sitwasyon ni Nicole. Pamilya niya yun eh. Kailangan siya ng kapatid niya so kailangan niya talagang pumunta. Hindi ko lang talaga maiwasan na mag-alala.

"Natatakot ka?" biglang tanong ni Ayen.

"Hindi. Pero Ayen kakasimula pa lang namin eh. Ilang months pa lang kami. Tapos kailangan na namin maging LDR agad. Dun ako nag-aalala eh"

"Eh babalik naman siya eh. Hindi naman siya titira dun noh"

Gusto ko pa sanang sagutin si Ayen pero tumahimik na lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ipapaliwanag yung gusto kong sabihin. Siguro dahil hindi rin niya maiintindihan.

———————————————

Nicole's POV

Anong oras na hindi pa rin ako tinetex ni Rain. Kaninang hapon ko pa siya last na nakausap. Pupunta daw siya kay Ayen. Pareho naman nilang hindi sinasagot yung tawag ko. Ano na kaya nangyari dun? Hindi tuloy ako makatulog.

Nagulat ako na bigla na lang may kumakatok sa door ko. Si Rain na siguro to. Lumabas ako agad ng kwarto para buksan yung door.

Si Rain nga. Lasing. Kasama si Ayen.

"Good evening, Maam Nicole" sigaw ni Rain.

Agad ko tuloy silang hinila papasok ng apartment ko. Nakakahiya sa mga katabi naming unit.

"Sorry. Naparami inom namin eh" sabi ni Ayen.

"Paano kayo nakapunta dito?"

"Nausawan na ako. Naligo na ako kaya ok na ako. Hinatid ko lang to. Dito ko daw siya ihatid sayo eh"

Nakayakap pa rin si Rain kay Ayen.

Bihira malasing si Rain. Kaya nakakapagtaka na ganito siya ngayon.

"May problema ba siya? Bakit siya naglasing?"

"Sus. Nalulungkot lang yan kasi aalis ka. But I have to go na Nicole. Maaga pa ako bukas eh"

Hinatid ko siya sa may pinto.

"Thanks Ayen ah? Ingat ka sa pagddrive"

Pagtingin ko sa sala wala si Rain. Andun sa may kitchen. Naghahalungkat ng kung ano ano.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagugutom ako" nabubulol pa siya. Hindi pa makatayo ng maayos.

"Umupo ka then muna. Pagluluto kita"

"Ang ganda mo naman" sabay ngiti niya. Para siyang ewan.

Natatawa tuloy ako sa kanya.

Habang nagluluto ako kinukulit lang ako ni Rain. Kumakanta siya ng kahit na ano.

Tapos bigla niya akong niyakap sa likod ko.

Hinawakan ko yung ulo niya.

"Bakit ka naglasing babe?"

"Kasi iiwan mo ko" para siyang bata na nagsusumbong.

"Anong iiwan? Hindi kita iiwan. Ano ka ba"

"Aalis ka na nga eh"

Humarap ako sa kanya. Pinunasan ko yung mukha niya kasi medyo pinagpapawisan siya. Parang bata pala to malasing eh.

"Babe 3 months lang naman. Mabilis lang yun. Hindi mo mamamalayan, andito na ulit ako"

Bigla siyang umiyak. Pero yung hindi iyak na seryoso. Yung iyak ng bata pero wala naman luha.

Imbes na maawa ako sa kanya. Natatawa ako.

"Ano yang inaarte mo, Delgado?"

"Mamimiss kita eh"

Pinipilit niyang umiyak pero walang lumalabas na luha.

Tawang tawa tuloy ako sa kanya.

"Halika nga dito"

Lumapit siya agad sa akin.

"Hug mo ko" sabi ko.

Ginawa naman niya agad.

"Wag kang maglalasing ng ganito pag wala ako ah? Baka mamaya kung sino sino ang kasama mo"

"Behave ako noh" sagot niya.

"Totoo ba?"

Tumango siya ng paulit ulit.

"Dapat lang. Kung ayaw mong mabatukan sa akin"

Tinignan ko yung niluluto kong soup. Kumukulo na.

"Babe wait lang. Ready na yung food mo"

"Ayoko"

Nakayakap lang siya sa akin.

"Rain sige na. Para makakain ka na"

Hindi pa rin siya bumibitaw.

"Ganito na lang then tayo magdamag?"

Tumango lang siya.

Niyakap ko na lang rin siya. Napangiti tuloy ako. Natutuwa ako na naglalambing siya sa akin ng ganito.

"Mamimiss rin kita, babe. Pero magtiis lang tayo ok? Saglit lang rin naman eh"

Sweet DispositionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon