I am a 3rd year college student. Yung mama ko minsan lang bumisita dito sa apartment. Yung dad ko naman nasa abroad kasama yung kapatid ko. I live alone sa isang apartment na malapit sa school ko. Wala pa akong roommate. For 2 kasi talaga dapat ito.Hindi ako tulad ng ibang estudyante na pagkagaling sa school ay panay ang gala. Umuuwi agad ako, magrereview, magluluto ng pagkain, manonood saglit. Minsan maglalaba o maglilinis ng bahay pag wala talagang magawa. Di ako mahilig sa night life, wala akong circle of friends, yung mga YOLO na yan, wala yan sa'kin. Nag-eenjoy naman ako sa buhay ko eh. Yun ang feeling ko. Yun ang pinaniniwalaan ko.
Until dumating si Cassey sa apartment ko. Though gusto ko sana ng roommate na lalaki, wala naman akong magawa dahil sya na ang nauna. Umuupa lang din naman ako dito, kaya hinayaan ko na.
She came from abroad, nagdecide syang umuwi ng pinas kase gusto daw nyang mag-aral dito sa bansa. Medyo maluwag naman yung apartment kaya hindi nakakailang na may kasama, kasya pa nga kahit hanggang sampung tao dito. Pero ayoko ng ganun kadami. May pagka-introvert din kasi ako.
Pero si Cassey, lahat ng kabaliktaran ko .. nasa kanya.
Maingay, hindi mahilig mag-review, mahilig gumala after class, maraming circle of friends, sanay sa stage, sanay sa mga debate, ginagawa nya lahat ng gusto nya na parang walang makakapigil sa kanya, sya yung nililiteral yung YOLO at living young and wild and free sya.
Pero ano bang reason kung bat nag-eenjoy ako sa company nya kung halos kabaliktaran ko sya? Yun ay dahil kahit lahat sa amin ay magkaiba ay meron kaming isang bagay na pinagkakasunduan ... . Yun ay ayaw nya rin ng maduming bahay.
Pag-umuuwi ako ay naaabutan kong makintab yung sahig, yung lababo, bintana, cr, minsan nililinis nya rin yung kwarto ko (yung sahig lang)
Minsan din ay umuuwi ako na may pagkain ng nakaluto, yung tipong iinitin mo nalang, at hindi lang yun pucho-puchong pagkain like hotdogs, ham, bacon, egg etc. kundi, Sinigang na hipon, Nilagang baka, Ginataang alimango, Chicken pastel etc. Ganun mga klaseng pagkain !
Mahilig din syang magpalit ng mga kurtina sa kwarto nya, kwarto ko (oo pinapakealaman nya din yung sakin) sala, basta lahat ng may nakasabit na kurtina dapat terno-terno yun sa kanya. Every week pinapalitan nya para daw di dumami ang alikabok. Ewan ko kung totoo yun o trip nya lang talaga magpalit.
Mahilig din syang mag recycle ng mga plastic bottles, cans o kung anu-ano pang pwedeng mai-recycle.
Nung first week nya sa apartment ay nagdala naman sya ng halaman. Mother-in-laws tounge yung pangalan, nagfi-filter daw yun ng harmful toxins at nag pu-purify ng air. Nakakatuwa.
Isang gabi, nilagnat ako, nilutuan nya ako ng lugaw na may itlog. Sinubuan pa nya ako na para akong batang inaalagaan ng nanay. Dun ako nag-start na ma-fall sa kanya. Pero di ko pinahalata. Ayoko, hindi ako handa.
After nun, nag-focus lang ako sa pag-re-review. Gusto kong tanggaling yung kung ano mang nabubuo sa isip ko. Ayoko. Hindi ako handa. Yan ang laging tumatakbo sa isip ko.
Dumating ang araw ng kanyang kaarawan.
"Sama ka naman samin. Birthday ko naman eh" Pagpipilt nya sa'kin.
Kakatapos lang ng exam nung araw na yon kaya naisip ko na siguro ayos lang na-i-try ko din naman mag-enjoy diba?
Pero di ko ineexpect na sa bar pala kami pupunta. Ang daming ilaw na nakakabulag, nakakabinging ingay, mga nagsasayawang tao, yung iba halos mag-s*x na sa mga table nila. Ganito ba ang night life na sinasabi nila? Noon naririnig ko lang to, never ko naimagine na isang araw tatayo ako dito at iinom kasama ang mga taong di ko kaibigan. Though, wala naman ako talagang friends.
BINABASA MO ANG
Cassey
Romance//One shot (SPG) Rank #1: Oneshotstory (Nov2022) Out of 87 stories Rank #1: Cassey (Nov2022) Out of 37 stories Rank #1: onechapter (Apr2023) Out of 83 stories Rank #1: onechapter (Jun2023) Out of 82 stories