C2 -- Unexpected Events Before

45 2 3
                                    

Sometimes, you must not ignore the signs. Yes, binibigyan ka n'ya ng pagkakataon na magbagong buhay. Bakit hindi ko pa ito nagawa dati? Masyado yata ako nabulag dahil sa pag-ibig. Hayaan mo na, past is past sabi nga nila. 

Balik tayo sa kwento.

Mahirap i-convince si mama at si papa... knowing na unang sabak ko kaagad sa Monday. So, sa Tuesday hanggang Saturday or Sunday... nasa Baguio ako. 

"Malaki na ba anak natin para sa ganito?" sabi ng mama ko.

"Oo, na-heartbroken na nga eh, paano pa kaya 'pag yan?" sabi ni papa.

Talaga bang kailangan sabihin yan, pa? Ang awkward. 

"Anak, 'di naman siguro dahil sa pagka-heartbroken mo na gusto mong magpakalayo, di ba?" tanong ni papa sa akin.

Well,

Actually, not only because I want to experience the life of representing the school but also, I want this for myself.... to move on from Mandaluyong. I want myself to witness happiness without his presence. I am no longer caged. Finally, I feel.... so free. Free from stress. Free from Colin. I don't know how long I would last but I know to myself that I can do it. 

Wow, english. Nosebleed. Ito ang napala ko bilang kasapi ng isang organisasyon. Of course, alam n'yo na ang nangyari. Pinayagan akong sumali sa The Post at magcompete sa Baguio for five days. Amazing. 

Tinawagan ko kaagad si Paris. "Paris, okay lang." sabi ko.

"Okay lang na ano?"

"Na iniwan mo ako sa ere. Ganyan ka eh. Joke lang. PInayagan ako sa Baguio."

"WEH?!?"

"Ay, ayaw mo? Sige, okay lang."

"Ay hindi hindi. wala nang bawian teh. Sige sabihin ko kaagad si Sir Chief."

*end of call* - October 12, 2014

----

"WEH? SERYOSO KA?" sabi ni Lily sa akin.

"Oo nga. Ang kulit mo ah." sagot ko.

"So wala ka sa Wednesday?" sabi ni Hector sa akin.

"Oo. Sorry na, Lily."

"Wala ka pa naman sa kaarawan ko, nice. Tapos pinayagan ka pang sumali sa Baguio, nice. Tapos, natalo pa ako sa badminton finals. NICE. Ang ganda ng araw ko ngayon ah. Takte. Tanginuh yan." sabi ni Lily.

"Basta Kat,... pasalubong ko ah." sabi ni Alex (Alexandria).

"Ako rin!" pahabol ni Hector.

"Uy wag mo ako kalimutan, ito pambawi mo sa akin." sabi naman ni Lily.

"Hayyy, sabi na nga ba eh. Ito ang habol n'yo. Sige lang." tapos unexpectedly, biglang nagkaroon ng group hug. Ang higpit grabe. Halos 'di ako makahinga... "Mamimiss ka namin, Kat. Tandaan mo yan." sabi nila sa akin. 

----

"Aalis ka?"

"Oo, bakit? Ano naman sa iyo nun?"

"Bakit 'di mo ako nasabihan agad?"

"Bakit naman kita sasabihan agad?"

"Eh, bestfriend mo ako for crying out loud. Magte-ten years na nga pagsasama natin.. ginaganyan mo lang?"

"Eh, kung sinabi ko man sa iyo, ano naman mapapala ko?"

"Isang date."

"Ummm, whaat?"

More or less, I don't know.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon