That damn eyes .....
nose....
lip- - -
" HOY KRYSTAL. BAKA MATUNAW NA YANG SI MIKO. YUNG LAWAY MO OH, TUMUTULO NA." Ay mukang unggoy na kalabaw. Naputol tuloy yung pag da-day dream ko dahil dito sa magaling kong bestfriend. Kasalukuyang nasa fieldcourt kami ngayon at pinagmamasdan ko ang aking papa miko kasama ng mga kaibigan niyang mukang kalabaw. Infinite ang tawag sa grupo nila. Sikat sila sa school hindi lang dahil sa looks nila kungdi dahil talented din sila. Dancer sila at malapit na daw maging trainee ng isang entertainment sa Korea. Woolim Entertainment yata ang tawag dun.
" Nakikita mo ngang nag daday-dream tong tao oh. Panira ka ng moment" - Ako
" Nako ikaw krystal ha. Nagkaroon ka lang ng crush, ginaganyan mo na ang bestfriend mo. Dyusko'day. Mahiya ka naman sa kaibigan mong pinaglihi sa diwata" Pagmumuktol ni Jessica. Siya ang bestfriend ko, Si Jessica Song.
" Kung ikaw diwata, pwes -- " Tumigil ako sa pagsasalita at tumayo
" PWES AKO AY ISANG DYOSA" Sigaw ko.
Ooppsss...
Napalakas yung pag sigaw ko..
Tumingin lahat ng tao sakin..
Kasali si Mikooooo at Infinite!!!
Nakakahiya. LINTEK NAAA. >__________<
*clap clap clap*
And guess what. Sinong sa tingin niyo ang pumakpak?
Si Jessica. -_-
" Tama-tama. Agree kayo dun diba guises? " Sigaw ni Jess at binigyan kami ng weird look ng mga nandito sa fieldcourt.
Hindi kami pinansin este hindi pinansin si Jessica.
AWKWARD!!!! PAHIYA TULOY. BWAHAHAHAHA. 3:)
" Tsskkk. Ang snob ng mga tao dito. Tskkk " Pagmumuktol pa niya.