"Is that a Yes?"
"No."
"W-why?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"I-i'm not yet ready. I mean, I'm getting there but I can't hold onto that."
"Naiintindihan ko. Maghihintay ako diba?" he smiled sheepishly. I felt a pang of guilt but I know it is the right thing to do. Hindi ako pwedeng magpadala lang dahil sya si Jeric Teng.
"I'm sorry."
"No, Don't. Ang sabi mo hindi ka pa ready that means, may chance parin ako. Hindi nga lang ngayon. Tara, uwi na tayo.?"
"okay."
***
Hinatid ako ni Jeric pero hindi na sya pumasok. Alam ko namang disappointed pa din sya hanggang nagyon. Ikaw ba naman ang ireject pagkatapos ng napakalaking Effort mo hindi ka magtatampo? Naiintindihan ko sya. Pagpasok ko sa kwarto nag-open agad ako ng twitter at binasa ang mentions ko.
@roartigers--@ANSantillan How dare you?!! Nireject mo si @jericteng? AS IN WTH? Ang kapal ha? Sa harap pa talaga ng maraming tao! Ganda mo gurl!
@JustARandomGirl-- @ANSantillan pakipot ka pa alam ko namang gusto mo din! @jericteng na un oh? Shoonga lang teh?
@ILoveJericTeng-- @ANSantillan Ang kapal mo naman ate! Ikaw na nga ang ineefortan ikaw pa tong may ganang magreject? Maputi ka lang! Kala mo naman kung sinong sikat kung magpaimportante!
Ilan lang yan sa mga tweet na nabasa ko. Wow! sino ba sila sa akala nila para husgahan ako? Do they even know what I've been through? Wala naman silang ideya sa nararamdaman ko ngayon. Hindi naman sila ung nasa sitwasyon ko para magdesisyon. Sana nagkaron man lang sila ng konting consideration. Sa asar ka pinatay ko na lang ang laptop ko at nahiga.
'Tama ba ung desisyon ko? Ni hindi pa nga sya kilala ni mama ung as in masinsinan talaga.' Pagtapos ng ilang minutong pag-iisip nakatulog din ako.
***
Matapos ang rejection na nangyare, hindi nagpakita sakin si Jeric. Sa building man o sa QPAV lage syang wala. Dapat hindi ako apektado pero heto ako ngayon, nakatitig sa kisame at iniisip sya. So ganun na lang un? Akala ko ba.... ARGGH! hindi naman kasi ako ang dapat ganito, dapat wala akong pakealam!! Wala man akong ganang bumangon eh wala akong magagawa. Kelangan ko pang magpasa ng requirements para sa midterm namin.
"Aleeya!" tawag sakin ni Kevin.
"Oh! Ikaw pala." pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Oo ako nga! Sabay tayo maglunch mamaya ha? Wala kasi ung kasabay ko. Tsk." he said and mumbled something under his breath.
"Yeah. Sure. Free na ako by that time."
"I'll see you later na lang?"
"Okay!" I smiled and waved goodbye. Dumiretso na ako sa faculty and pass my projects. I kept myself busy habang hindi pa lunch time. Coz I know maiisip ko lang sya. Yeah, sya! Naiinis ako kasi ayaw nya talagang magpakita! Anong akala nya hahanapin ko sya?! HA! Wala akong pakelalam sa kanya!!!
"Wala akong barya nyan." isang nakangiting Jeric Fortuna ang tumambad sa harap ko at tinabig ang nakapangalumbaba kong kamay.
"Aray! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Pinapakuha ka ni Kevin. May gagawin pa daw sya eh. Hintayin ka na lang daw nya sa resto"
"Sosyal naman sya. Pwede naman akong itext nalang. Tara na nga."
BINABASA MO ANG
"Reach The Impossible"
JugendliteraturA story of REACHING someone. May mga bagay sa mundo na mahirap abutin. Mga bagay na alam nating hindi pwede. but in LOVE everything is possible!! Go on and REACH THE IMPOSSIBLE !!!