Hindi ko alam pero ngayun feeling ko napapagod na tlaga ko Mahal naman kita e, Sobra. Pero yung pag mamahal na yun hindi ko alam kung hanggang saan, gano tatagal at ano yung magagawa. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko kayang mag hintay, Hindi ko alam kung saan pa ko huhugot ng lakas para pangatawanan yung salitang mahal kita. Hindi ko alam kung dapat pa ba kong umasa at maniwalang babalik ka pa at kung mahal mo ba talaga ako. Nakaka pagod palang mag mahal, ay di pala let me rephrase that, nakaka pagod palang umasa at masaktan. Tinangggap ko na ngang wala ka e. Yung mag kalayo tayo pero yung pati yubg komunikasyon natin mawawala? Parang unti unting gumuguho yung pag asa ko na may babalik pa sakin Hindj mawala sa isip ko yung hinalang totoo kayang mahal mo ko? Naalala mo ba ko sa lahat ng ginagawa mo. Kasi kung ako yung tatanungin walang dudang OO Ang sagot ko. Naalala kita sa lahat ng ginagawa ko, minsan nahahanap ko nalang yung sarili ko na iniisip ka, gumagawa ng scenario na kunware kasama kita. Ang hirap, ang hirap ng mag kalayo tayo. Sna hindi mo nlang ako iniwan sana kasama pa kita hanggang ngayun sana hindi ako nag iisip ng kung ano ano. Mahal kita, mas mahal kita kaysa sa pag mamahal na alam mo. Nangako akong mag iintay ako. Lumalaban ako.nilalabanan ko yung isip ko na nag sasabing wala ng mangyayari. Ang hirap pala talagang lumaban ng walang kasiguraduhan ang kakahinatnan. Hindi ko sukat akalain na dadating pala ko sa puntong ganito, yung mag iisip na sumuko nalang. Akala ko kasi kilala ko na yung sarili ko, akala ko kakayanin ko. Pero maniwala ka, KINAKAYA KO. Iniisp ko palang na mamaya may iba ka na jan, may gusto ka na jan, nababaliw na ko. Hindi naman kasi sa wala akong tiwala eh masisi mo ba ko sa iniisp ko? Lahat naman siguro ng mag kalayo hindi maiiwasang mag isip ng ganun. nakaka praning lang kasi na dahil nga sa mahal na mahal kita, nakakaramdam ako ng selos, na hindi ko naman alam kung dapat ba talaga. Nag iisip ng mga posibilidad na pwedeng mangyari jan.araw araw nanalangin ako na sana bumalik ka nalang at hindi yung ganito umaasa nalang ako sa sa malabong paraan. Palagi ko na nga lang tinatanim sa isip ko na mahal mo ko at kahit anong mangyari, babalikan mo ko. Sa bawat pag patak ng segundo maraming pwedeng mangyari at Lahat ng bagay sa mundo walang permanente kaya nga sana kung meron ka ng iba, Hanggat maaga kahit masakit sabihin mo na. Ok lang kaysa naman sa umasa akong akin ka pa. Hindi ko din alam kung bakit ako nag kakaganito, alam ko naman sa sarili ko na hindi ka nag pakita ng motibo na meron ka na jan. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga panahong andto ka pa, kasama pa kita at nakikita pa kita. Yung mga sandali na hawak mo yung palad ko at walang sawang nag aasaran tayo. Kaya nga siguro ayaw tanggapin ng sistema ko na,malayo ka na at hanggang boses nalang kita makakausap. Mag hihintay ako, yun yung pangako ko. Pero sana sa araw ng pag balik mo , sigurado pa kong ikaw parin ang gusto ko at hinahanap ng puso ko.
***
Hi readers! :')) pa vote and comment naman po ! New story ko po ito sana suportahan nyo yun lamang po Solomotszx!