Aez
Nagising ako dahil sa tunog ng malakas na ulan. Hanggang ngayon di pa rin nawala. Mas lalo pang lumakas. Nagkabalikan pa tuloy yung mag-asawa sa Nido dahil sa bagyong to. Pero nakita ko may payong naman sa tabi nila nung nakaupo na sila. Hays harot talaga. Pero uminom ka rin kaya ng Nido para magkabalikan kayo. Sige na payag ka na. Sila nga payag eh. Hehe.
Napalingon ako sa clock na nasa lamesa. 8:00 am na. Hays bat di ko man lang narinig ang alarm ko? Siguro dahil sa ingay ng ulan.
Mag s-suspend kaya si Mayor?
Nung nakaraan saka lang siya nag suspend nung nasa school ako. Amp Pashneyney talaga.!Nag ol ako sandali baka sakaling may information sa group chat ng section namin. Maliban sa mga naglalandian sa group chat namin wala naman akong ibang nakuhang matinong information. Puro kuda lang sila kung bat pa daw di na suspend. Eh samantalang nakalagay sa bio ng classmate ko na yun is "Study First" pero nag r-rant kung walang suspension. Amputz- kinulang talaga ata yun sa Aruga. Hindi siguro mahal ng Mamc niya?
Bumaba ako pagkatapos kong maghilamos. Di na ako naliligo ang lamig eh. Walang pasok, walang ligo. Charot. Hahaha.
Naabutan ko si Coco sa Kusina. Nasa harapan niya ang tatlong Box ng Hawaiian Pizza at Dalawang Galon ng Ice Cream.
"Wow! Birthday mo Coconut?!"
Bat ang daming pagkain. Di ko naman naalalang nag order ako?"Nope. Agang-aga nababaliw ka na naman ate. Kuya Kael brought all of these. "
"Ah Si Kael- ay tukmol siya! Galit pa ako sa kanya. Ggrrrr"
Kumunot ang Noo ni Coconut.
"Saan siya?!"
"Kakauwi lang niya. Stop shouting ate! Wala akong kasalanan sayo."
Inirapan ko nalang siya.
Umupo na ako at Kumain. Oks lang. Wala naman si Kael eh. Hehe. Pero pag nandito talaga siya di ako kakain. Galit pa rin ako sa kanya kasi di niya ako binalikan kagabi...
Pero ang bilis talaga niyang kunin ang kiliti ko?! I mean alam na alam niya kung ano ang mga bagay na makakapagpangiti sa akin at makakapawi ng galit ko. Kainis!
Niligpit ko pagkatapos ang pinagkainan namin.
Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag text. Sabi na eh! In-open ko ang message ni Kael.
>Bestfriend kong tukmol<
Gags. Sorry na :'(
>Bestfriend kong tukmol<
Nag eskandalo kasi yung ex kong si Nica. Bigla nalang niyang sinabunutan si Retch eh nagpapahatid lang naman ako sa kanya kasi may payong siya.
>Bestfriend kong tukmol<
Kumain ka na ba? Syempre. Naubos mo na ata yung pizza at Ice cream kanina. Ikaw pa lakas mong kumain.
>Bestfriend kong tukmol<
Bruha sorry na. :-*
>Bestfriend kong tukmol<
Bruha mag reply ka naman. Sisingilin ko bayad nung pagkain sige ka. ^_^
Agad ako nag type ng reply. Letche talaga siya.
>Me<
Ok. Bat ako matatakot!?
Bahala siya kung sisingilin Niya. Okay na naman sa akin. Ewan ko ba bat di ko magawang mainis sa kanya ng ganun katagal. Basta ma f-feel nalang namin bigla na okay na yung atmosphere.
BINABASA MO ANG
Heartbeat's Speed
Teen FictionNasubukan mo na bang mamatay pero patuloy na humihinga? Yun bang wala ka ng maramdaman sa buhay mo pero patuloy pa rin sa pagpintig ang puso mo? Yung pakiramdam mo nawawalan na ng saysay yung hangin na hinihinga mo. How will you going to kill depr...