ZEY RODRIGUEZ'S POINT OF VIEW
*tik tok tik tok
Sabi nila, masaya ang mundo pero magulo. Sabi din nila madami kang matutunan, pero hindi pwedeng di ka masasaktan.
*tik tok tik tok
Sa bawat galaw ng orasan, sa bawat taong nakikita kong humahakbang, mas naiisip kong mas magiging maayos ang lahat kung tatakbo nalang ako palayo. Tatakasan ko lahat ng nasa harapan ko.
*tik tok tik tok
Pero wala akong pakielam sa lahat ng 'yon. Kailan kaya matatapos 'to? Kailan ako makakatakbo palayo?
*KRINGGGGGGGGG!!!!
"Anak ng tinapa!!! Nagring din sa wakas!!!" Nakuha ko ang atensyon ng buong klase sa lakas ng boses ko. Yung iba natawa at yung iba napailing nalang. Sanay na siguro sakin.
Agad akong nag-inat at kinuha lahat ng gamit ko sa upuan at mabilis na lumabas ng classroom. Akmang paglampas ko ng pintuan, napag-isipan kong bumalik.
"Bye Mr. Andrada! Bye classmates! Adios amigas!" Malakas kong paalam sabay kindat. May mga tinanungan ako, may mga nakangiti, may mga natawa ulit, may mga naiirita din siguro.
"Tagal mo naman Zey. Nabulok na ko dito kahihintay sayo." Inis na sabi ni Em, bestfriend ko. Madami akong kilala sa school, pero siya lang ang lagi kong sinasamahan.
"Em Celine Gonzales, tingin mo bang masaya akong umupo don kahit init na init na pwet ko? Tingin mo ba masayang tumitig sa black board kung ang teacher mo sobrang bagal magsalita at kalbo? Kung suswertehin ka naman history pa yung subject, ewan ko ba naman oo!" Tuloy tuloy kong sabi sa kanya. Pagtingin ko nakangiti ito ng nakakaloko. Kilala ko 'to. May gagawin kalokohan 'to. Paglingon ko sa gilid ko, nakita ko si Mr. Andrada na papunta sa direksyon namin.
"Sir! Mr. Andrada!" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tinatawag niya si Mr. Andrada.
"Eto pong si Zey! May---" Agad ko ng tinakpan ang bibig niya at hinigit papunta sa canteen.
"Ano nanamang ginagawa mo Em?!" Nakita kong tawang-tawa siya sa reaksyon ko kanina.
"Uy si Vin! Diba crush mo yon?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Em. Nagsisimula na siyang mamula at halatang di makagalaw.
"Vin! Etong si Em, crush ka daw!!!" Sobrang nanlaki yung mata ni Em sa ginawa ko. Mabilis siyang lumingon at direksyon kung saan ako nakatingin pero walang namang tao.
"Kainis ka naman Zey! Muntik na ko mahimatay sa ginawa mo!" Nagpipigil ako ng tawa habang tinitignan kung papano siya magreklamo.
"Don't try me my dear bestfriend." Sabay talikod ko sa kanya at naglakad na papalabas ng canteen. Nakita kong agad naman siyang sumunod sakin.
"Sorry na Zey. Di ko naman talaga sasabihin kay Sir na tinawag mo siyang kalbo eh." Nagpapaawa pa 'tong si Em. Di rin niya talaga ako matiis at alam din niyang babawi ako sa kalokohan niya.
"Sige na. Umuwi ka na! Hihintayin ko na dito yunh driver namin. Baka hanapin ka na ni Tita. Dadaan din ako sa mall para bumili ng film at battery ng cameras ko." Utos ko sa kanya.
"Sigurado ka? Mag-isa ka lang dito? Baka atakihin ka bigla Zey. Tsaka anong oras na pala?! Diba dapat mainom mo na yung gamot mo n---" Natigilan siya sa sinasabi niya sakin ng makita niyang nag-iba bigla yung timpla ng mukha ko.
"Sorry, nag-aalala lang ako. Sige mauna na ako. Text me up kapag naka-uwi ka na ha?" Halatang nag-aalala naman si Em. Pero as much as possible, ayoko sanang ituring akong mamamatay na, kahit totoo naman.
BINABASA MO ANG
The Letters: The Story of L and Z
Teen FictionAll the memories come along with the photographs, For the universe come along with everyone's fate. Isn't it risky to fall in love with a person who will leave soon, A person in your picture embodying remarkable existance. This story embodies the jo...