Mga kwento ni Yhaphets

103 5 11
                                    

Isang araw, mayroon akong nakitang isang maliit na langgam. Ang kanyang kulay ay pula at sobrang napakaliit niya. Sa sobrang liit niya, natapakan ko siya.

Kawawang langgam at nawalan siya ng buhay. Aksidente ko itong natapakan ngunit hindi ko naman talaga ito sinasadya. Isa lamang itong aksidente.

Sumunod na araw, nakakita muli ako ng MGA langgam.  Oo. MGA LANGGAM. Napakarami nila. Isang hukbo ang bumungad sa akin. Pinalibutan nila ako hanggang pumulupot na silang lahat sa katawan ko. Ang kati-kati kaya. Ikaw ba naman na kagatin ng isang hukbo ng mga langgam? Magkahalong kirot at hapdi ang aking nararamdaman noong mga araw na iyon. Pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako ulit tatapak ng isang langgam.

Ano ang leksiyon?

Huwag kang papatay ng langgam kung ayaw mong maramdaman ang hapdi at kirot sa iyong katawan.

Mga kwento ni YhaphetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon