Dahil sa kamalasan (one-shot)

63 2 0
                                    

Lecheng mga butas 'to oh. Ba't ba kasi ang dami nyo? Para kayong tigyawat na ayaw paawat. Naks, rhyme. Inayos ko ulit ang timba sa gitna ng kama ko saka humiga sa gilid nito. Putris na buhay 'to. Sa village nga nakatira, barong barong naman ang bahay. Ugh~

Napatayo uli ako sa sobrang inis dahil natatamaan ako ng tilansik ng mga patak.

"Yung totoo? Bahay ba 'to o CR? Kung alam ko lang na babagyo edi sana pinostpone ko muna ng ilang araw yung paglalayas ko"

Tama kayo, naglayas ako sa bahay namin dahil sa lintik na fixed marriage na yan. Where are we? 17th Century? Oh please.

Unang araw ko pa lang naman dito sa maliit na barong barong ng yaya namin na pinakiusapan kong hanapan ako ng bahay.

"Kahit anong bahay lang talaga Manang. Di ko talaga carry yung magpakasal agad! Nooooo!"

"Nako iha, may barong barong ako sa tapat ng mansyon nyo. Kung gusto mo, doon ka muna. Kaso baka di mo kayanin dun"

"Carry na yun manang! Salamat!"

Aba. Malay ko bang hole in the wall 'to?

Lumabas ako ng barong barong dahil nagutom akong bigla. Buti na lang may payong akong nadala sa maleta. Perks of being a girl scout. Saka syempre no, lalayas na lang din naman ako, nagwithdraw na ako ng malaki. Baka i-freeze pa nila yung account ko. Aba, matalino yata 'to Bwahahahaha!

Sumilip muna akong mabuti sa tapat dahil nga mansyon namin yun. Mahirap na, baka mahuli pa. Nang nasigurado ko namang safe mode ang kalsada, saka ako naglakad palabas at sumakay ng taxi.

Nasa gitna na kami ng byahe ng biglang tumirik ang taxi ni Manong. Sinimulan muli nito ang makina ngunit parang umuutot lang ito.

"Lintik naman manong, bakit tumirik pa 'tong taxi mo sa gitna ng daan na walang masyadong tao?" natigilan ako. OH MY GOD! Paano kung sinadya nyang itirik ito sa hindi masyadong lugar para rape-in ako?! Waaaaag! Di pa nga ako hinahanap ng mga magulang ko eh, saka papafacial muna ako para naman maganda ako sa mga huling sandali ng aking buhay.

Hinarap ko si manong at buong tapang na pinrangka,

"Rerape-in mo ba ako? Sana sinabi mo diba para diretso na tayo sa talahiban hindi yung pakeme ka pang nasiraan kuno ng taxi"

Naguluhan naman ito sa sinabi ko at maya-mayang napailing.

"Miss, rape agad? Di ba pwedeng nanakawan muna kita? Pero hindi naman ako magnanakaw kaya wag kang assuming. Maganda ka nga pero ang lakas ng apog mo" at padabog nitong isinara ang pintuan ng taxi at himalang nagstart ito. Sasakay na sana ako ng biglang humarurot ito paalis.

Saglit akong natigilan bago ko narealize na iniwan ako ng driver na yon sa gitna ng kawalan. WHAT THE! Nanlumo akong sinundan ng paningin ang palayo ng taxi. Nalimutan ko pa sa loob ang bag ko, meaning, pati ang pera ko naiwan ko sa loob ng kotseng yun. Napasigaw ako sa frustration.

Paano ako makakauwi nito? Tapos mukhang uulan na naman at wala pang signal. Lagot talaga sakin yung lintik na driver na yun. Luminga linga ako sa paligid para makakita sana ng pag-asa, naiiyak akong napaupo dahil wala talagang milagrong mangyayari sa akin.

Nagsimula akong maglakad sa direksyon na pinuntahan ng taxi. Nakakainis talaga! Kung alam ko lang talaga, hindi muna ako naglayas. Sinipa sipa ko ang mga bato sa dinaraanan ko. Kaso naisip ko, kung hindi ako umalis, malamang may asawa na ako. Letse talaga! Sinipa ko ng malakas ang bato na malaki sa pag-aakalang malalabas ko ang frustrations ko dito.

"Aruy, aww aww aww!" malay ko bang sobrang bigat pala nitong bato at di kinaya ng paa ko. Ang malas talaga! Hinawakan ko ang mga namamaga kong daliri habang pinupunasan ang medyo nagasgasan kong cutics.

Dahil sa kamalasan (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon