Robbie's POV
"Oh guys, ba't nandito kayo?"nagulat ako nang makita ko sina Chin-Chin at Richard.
"Wala lang pare, nakita lang kasi namin si Flair sa mall kanina. Eh sinamahan na rin namin siya papauwi" paliwanag ni Richard.
"Is there anything you guys want? Juice? Or any drinks?" Pag-aalok ko sa kanila.
"It's okay Robbie we already had a drink" sagot ni Chin-Chin habang pinapakita sa akin yung mga baso na wala nang laman.
"Oh Kuya, akala ko magkukulong ka lang ngayon" nagulat ako nang bigla na lang sumulpot sa likuran ko si Flair.
"Flair, hindi mo sinabi sa akin na may bisita pala tayo" saad ko sa kanya.
"Eh busy ka sa pagkukulong mo sa kwarto kaya hindi na kita inistorbo pa" paliwanag niya.
"Tara na po, doon tayo sa kwarto ko" saad ni Flair, saka naman sumunod na sa kanya sina Chin-Chin at Richard papaakyat.
"Teka, anong gagawin niyo diyan?" Tanong ko sa kanila.
"Uhhmm... experiment, may itatry lang ako sa kanila" sagot sa akin ni Flair saka tuluyan nang umakyat. Hahabulin ko pa sana sila pero inilock na niya yung kwarto niya.
♡After 15 min♡
"Sa tingin ko hindi niya yun ipapakita" narinig ko na lang bigla si Chin-Chin na nagsalita mula sa loob.
"Syempre, ganyan talaga ang mga lalaki. May pride din kaya kami. Hindi namin basta-basta na lang pinapakita ang pag-aari namin kahit na kanino lang" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Richard.
Anong pag-aari ang sinasabi niya? Bakit parang iba naman ang pinag-uusapan nila?!
Inilapit ko pa ang tenga ko sa pinto para mas marinig ang usapan nila. Sa tingin ko talaga may hindi tamang nangyayari sa loob. Naku!! Kapag nalaman ko talagang may mali silang ginagawa, malilintikan sila sa akin!!
"Kaya nga kailangan natin pilitin yun para ipakita niya sa atin yung pag-aari niya. Kung kailangan nating iseduce yung taong yun para lang mapasunod natin, gawin na natin"
(⊙o⊙)
"Hay naku, eh kung mahuli kayo ng bantay niya. Di ba mahigpit yun. Last time na pumunta tayo doon, kulang na lang magtago tayo sa panty niya para hindi tayo makita"
Ano ba talaga ang pinag-uusapan nila??!!
"Pero kailangan natin talaga yun makita. Sa tingin ko nandoon ang sagot"
Ano ba talaga kasi ang pag-aari na kailangan nilang makita!!!!!
Jasmin's POV
"Tara na sa baba Jaja, hindi ka pa kasi kumakain. Pinaghandaan pa naman kita ng makakain" pagyayaya sa akin ni Kuya.
Kahit ayaw ko mang umalis sa kinahihigaan ko, tumayo na lang ako. Ngayon na lang kasi uli naghanda si Kuya ng pagkain para sa akin.
"Oh Tan, nagising mo na pala si Jasmin. Tara na Jasmin, lalamig na ang pagkain mo. Grabe pa ang hiningi niyang tulong kay Lilian para lang maipagawa kang breakfast" paliwanag ni Mama.
Pumunta na ako sa dining area para kumain. Bakit kaya pati si Mama ay nandito ngayon sa bahay? Wala ba siyang gagawin sa boutique?
"Wala po ba kayong trabaho ngayon Mama?" Tanong ko sa kanya.
"Well actually, meron pero kaya na yun ng assistant ko. Right now I'm planning to have a quality time with the two very important persons in my life" saad ni Mama habang nilalagyan ako ng isang basong gatas sa mesa.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Teen FictionHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...