Asnamon Voyanazar

19 4 0
                                    

Kumaripas siya nang takbo pagkatapos niyang mamataan ang kanyang Nanay na akay-akay nito ang Lola niya.

Kailangan niyang magmadali dahil iyon lang ang pagkakataon niya para makuha ang pakay niya.

Dumiretso siya sa kwarto ng kanyang Lola Ising at agad na tumuwad, upang makuha sa ilalim ng papag ,ang baol na pinakaingat-ingatan ng kanyang Lola.

Noon pa man ay pinagbawalan na siya nitong buksan, o kahit man lang sagihin, ang baol nito, na kahit sa ngayon na tinamaan na ito ng pagkakamakalimutin, ay tila sagrado pa rin dito ang baol at ito na lang laging bukambibig nito.

"Huwag na huwag niyong bubuksan ang baol ko!" Iyan ang palagi nitong sinasabi, kapag lumalapit siya sa Lola niya.

"Ano ba ang laman ng baol, Lola?"  Naitanong niya minsan dito.

"Malalaman mo rin sa takdang panahon."

Napangiti siya nang maramdaman ng kanyang kamay, ang baol mula sa silong at unti-unti niya itong hinila palabas.

Napabahing pa nga siya at agad na kinamot ang toktok ng kanyang ilong. Dahil sa panay alikabok ito, tanda na matagal na itong hindi nabubuksan.

Hindi niya alam kung anong pwersa ang humihila sa kanya, para buksan ito o di kaya'y alamin ang laman ng baol. Napamulagat siya sa kanyang natuklasan, sabay kamot sa kanyang ulo.

Walang laman ang baol! "Shit!" Napamura siya ng lihim at asta na itong isasara ng isang bagay ang umagaw sa kanyang pansin.

Tila may sariling isip ang kanyang mga kamay, at hinawi ang nasa pinakagitna ng baol, na tila nakapalamuti lamang ngunit hindi pala.

Unti-unting lumantad sa kanyang paningin, ang isang libro. Hindi niya matiyak kung libro nga ba talaga ito, pero kasing laki ito ng libro. 

Kinuha niya ito kasabay nang pagliwanag ng baol. Hindi niya matiyak kung saan nanggagaling ang liwanag, ngunit nakarinig siya ng mga palapit na hakbang.  Dahilan kung bakit agad niyang sinara ang baol, at binalik ito sa dating kinalalagyan nito.

Nangangatog ang kanyang tuhod sa ginawa niyang pagtayo. Yakap-yakap ang librong kinuha mula sa baol, ay kumaripas na siya nang takbo, palabas ng kwarto.

Habol niya ang hininga at agad na nilock ang pinto ng kanyang kwarto.  Tinitigan ang librong kipkip niya. "Ano ba ang mayroon sayo?" lihim niyang kausap sa libro at bigla itong umilaw, dahilan kung bakit niya ito nabitiwan.

Nakaramdam siya ng takot na hinaloan ng pagkamangha. Paanong umiilaw ito ng walang dahilan? Napalunok siya nang sunod-sunod, nang pagtingin niya sa kaninang simpleng libro, ay nagkaroon ito ng kulay. Hindi lamang basta kulay, dahil maging ang anyo nito ay nag-iba.

Hindi niya matanto, ngunit sa kanyang nanginginig na kamay, ay muli niya itong kinuha, kasabay nang pag-upo niya sa kanyang kama.

Ang kaninang libro sa kanyang paningin ay naghugis puno. Oo, isang puno na hindi niya matiyak kung ano. 

Natatakot man siya, ay hindi iyon kayang pigilan ng kanyang kuryusidad, kaya binuksan na niya ito.

Kandahirap-hirap na siya, ay hindi pa rin niya mabuksan ang kaninang libro, hanggang sa naisipan niyang hilain ang aparador at kunin mula roon ang gunting.

Itinusok niya ito sa may gitnang bahagi ng libro, para sana bumukas ito, pero wala pa ring nangyare. Hanggang sa makarinig siya ng katok mula sa pinto.

Nataranta siya at agad na ibinalik ang gunting na hawak niya kanina, at pinatungan ng kanyang unan ang librong naging hugis puno.

Nagmadali siya sa pagbukas at namangha sa bumunggad sa kanya. Pigil na pigil din niya ang paghinga, at ni hindi nga niya makuhang itikom ang kanyang bibig na sa ngayon ay nagpormang o, sa nakikita niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Asnamon Voyanazar #EBCBrilyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon