Nung 4th year high school ako nagsimula akong magtanong san ko nga ba makikita ung prince charming ko tulad sa fairytale.. San ko ba makikita ung Man of my Dreams tulad sa mga telenobela.. San ba banda ng Pilipinas ung destined for me? San nga kaya ung soulmate ko?!!Mahilig kase ako magsulat ng mga love story kaya siguro nagstart na ako maghanap ng lalaking magmamahal sakin. Kumbaga parang hopeless romantic ang peg ko kase wala naman nagkakagusto sakin nun pero feeling ko crush ako. Hahaha (assuming ate?!!)
Sa Cebu ako naghighschool at dun ko nakita ung 1st crush ko o ung sinasabi nilang puppy love.. Syempre bata pa kaya sa looks pa ko bumabasi ng paghanga nun. Eh ang gwapo naman kase talaga nya!!
Palagi syang naglalaro sa computer shop nun at ako naman nakikitambay sa tindahan ng mga damit ng classmate ko.. (wala lang gusto ko lang tumambay sa labas nun!)
Siguro madalas nya din akong nakikita nun kaya isang araw hiningi nya number ko syempre ako tong si gaga bigay din naman.. akala ko nun sya na ang soulmate ko kase nagkakasundo kami sa text nun pero di kami madalas nag uusap ng personal kase baka makita ako ng nanay ko masabunutan pa ko.. hahahaha (bata bata pa landi na!!)
Sasabihin ko na din na sya ung 1st kiss ko.. (oh di ba?! Landi talaga!!) Grabe besh!! Isa pala syang bihasa sa ganung larangan..(sa kiss ahh baka ano iniisip nyo eh!) Ayun after nun di na kami nagkakatext.. as in wala na! Nagmessage na lang sya isang araw friends na lang daw kami. (E di wow si kuya!) Gago un!! Playboy pala! Porket gwapo.. eto tuloy ako heartbroken.. char! Pero matinong usapan inayakan ko sya ahh kase nga excited nga ako makilala soulmate ko kaya akala ko sya na.. haysst!!
Narealize ko ngayon sobrang bata ko pa pala mag isip noon para maisip na makikita ko na sa panahong yun ang soulmate ko.
Puppy love (also known as a crush, calf love or kitten love) is an informal term for feelings of romantic or platonic love, often felt during childhood and adolescence. It is named for its resemblance to the adoring, worshipful affection that may be felt by a puppy. It may also be able to describe short/long-term love interest. - sabi yan ni Wikipedia
BINABASA MO ANG
San ko ba makikita si SoulMate?
Short StoryAng storya ng paghahanap ko ng soulmate ko.. na hanggang ngayon di ko pa din natatagpuan. Titigal na nga ba ko sa paniniwalang may kanya-kanya tayong soulmate? Totoo nga bang may soulmate?