Chapter 14: The First Option

32 2 0
                                    

"Honey, I missed you!" sigaw ni Rose habang nasa bangka pa lang. Nagtatakbo siya papunta kay Jeremiah na kasasarado pa lang ng kotse nya. Nang magkalapit sila, niyakap nila nang mahigpit ang isat-isa, hindi ko na tinignan ang mga sumunod na nangyari.

"Siya ba ang maswerteng pinakasalan?" tanong sa akin ni Mang Marco.

Tumango ako.

"Kapag nabigo ka sa pag-ibig, bata, dalawa lang ang pwede mong gawin. Ang piliting hilahin pabalik ang nakaraan, kung kaya mo pa; o pabilisin ang oras at hilahin ang hinaharap baka sakaling may mas maganda pa itong hinahanda para sa iyo."

Natigilan ako sa sinabi ni Mang Marco. "O ano bata, anong pipiliin mo sa dalawa?"

Huminga muna ako ng malalim. "Yung una po."

"Kung gayon..."

Inabot ko sa knya ang 500 na bayad sa bangka pero tinaggihan niya ito.

"Wag na bata. Bilang kabayaran, gusto kong bumalik ka dito sa akin, saka mo ako kwentuhan ng tagumpay mo sa kung paano mo ibinalik ang lahat sa dati."

"Talaga pong umaasa kayo na magtatagumpay ako."

"Hindi pa ako binibigo ni Forgiveness, tandaan mo yan."

----------------

"I want you to meet my...friend...James," sabi ni Rose. "James, meet my honey, Jeremiah."

"Kamusta pare," sabi ko sabay nakipagkamay sa kanya.

"Thank you nga pala pare kasi di mo iniwan si Rose," sagot ni Jeremiah.

"No problem." Sa loob-loob ko di ko talaga iiwan si Rose dahil mahal na mahal ko yan.Di ko nalang yun sinabi kasi baka magkasapakan pa kami.

"So, guys, shall we go now?" taning ni Rose.

"Sure."

At dahil driver si Jeremiah, sa passenger's seat umupo si Rose. at ako naman sa back seat. Damang-dama ko rin kung paano nila na-miss ang isat-isa. Mas lalo na, damang-dama ko rin ang grabeng selos.

Sinalpak ko na lang ang earphone ko at nakinig sa music sa cellphone para isipin nila na I have my own business and I have to mind it. Kaso, masyadong malakas ang kanilang hagikgikan at kulitan kaya ni isang salita sa lyrics ng pinakikinggan kong kanta ay hindi nag-sink in sa utak ko.

Nagkasya nalang ako sa pagpikit ng mata ko.

Ilang minuto rin ang lumipas nang wala ako ginawa kundi ang mag-earphone at makinig sa music, napaidlip din yata ako nang kaunti.

Nang biglang...

"OH MY GOD!!!!!!!"napasigaw si Rose.

Laking gulat ko nang mapansin kong ilang dipa na lang ay malapit na naming masagasaan ang batang papatawid sana ng kalsada.

"SHIT!" sumigaw si Jeremiah sabay tigil ng sasakyan.

Lumabas ng kotse ang dalawa. Sumunod akong lumabas.

"Anak ng putcha hindi ka ba marunong tumawid ha?" sigaw ni Jeremiah habang inaawat siya ni Rose.

Napansin ko ang batang babae na takot na takot. Parang natulala siya at hindi niya alam ang gagawin kung sisigaw o iiyak. Na-trauma ang bata sa nagyari.

"Ayos ka lang, ne?" Nilapitan ko ang bata. Umandar na naman ang teacher instinct ko. " Sa susunod ah wag kang tatawid nang wala kang kasama ha." At doon lang bumuhos ang luha ng bata. "Sige iiyak mo yan."

"Sa susunod ---" sabi ni Jeremiah but I cut him immediately.

" Bata to pare."

Itinawid ko ang bata sa kabilang kalsada at saka sinabing tumahan na siya. Binigyan ko nalang din ng chocolate para kahit papaano eh matabunan yung trauma na naramdaman niya ng konting kasiyahan.

Nang pabalik na ako sa kotse nakita ko si Rose na nasa labas pa rin at nakatingin sa akin. Si Jeremiah nasa loob na ng sasakyan.

"You're such a good man," sabi nya.

"I should be. Or we should be, rather."

"Yeah. Coz we're teachers," sabi niya sabay ngiti.

Pumasok na siya sa kotse, at ako naman kinausap ko si Jeremiah baka sakaling pwede na ako na lang ang mag-drive at doon na sila ni Rose sa back seat (kasi hindi siya makapag-concentrate dahil hinaharot niya si Rose habang nagda-drive).

Pumayag naman siya.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon