CHAPTER 2: Tea Shop Murder Case File 2

65 4 0
                                    

Third Person's POV

Pagkaraan ng ilang oras na paghihintay ay dumating na din sila Inspector Megure at ang Forensics Team na tinawagan ni Ran. Hindi rin naman nagtagal ay dumating din si Inspector Kenmonchi ilang minuto lang ang makalipas bago pumasok ng shop sila Inspector Megure.

"Oh Kenmonchi! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Megure sa kadarating lang na Inspector.

"Oh Megure! Nandito ka rin pala. Tinawagan kasi ako ng kaibigan kong nandito sa tea shop, meron daw isang kaso ng pagpatay dito" tugon naman ni Kenmonchi.

"Oh I see. Meron din kasing nag-report sa akin dito na meron ngang taong namatay dito" ani ni Inspector Megure.

"Inspector ito na po ang resulta ng pagsusuri," sabi ng isang miyembro ng Forensics team. "Ang pangalan po ng namatay ay Bernard Sy. Katatanggap palang niya sa pinasukan niyang kompanya at magta-trabaho palang sana siya doon bilang isang marketing staff. Mukhang nandito sila ng mga kaibigan niya ngayon para ipagdiwang ang pagkakatanggap niya sa trabaho. Ang sanhi ng pagkamatay niya ay lason mula sa isang agricultural product. Mukhang unang bisita palang nila dito dahil kabubukas lang din ng shop na ito. Natagpuan namin ang trace ng poison sa tasa ng biktima ngunit wala naman sa tasa ng iba" pagpapatuloy nito.

"Okay. Maraming salamat sa iyong pagsusuri. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong trabaho at maaari na ninyong kunin ang bangkay" tugon naman ni Megure.

Nilapitan ni Inspector Kenmonchi si Hajime at tinanong ito.

"Kindaichi! Meron ka na bang natuklasan sa kasong ito?".

"Meron akong nga punto na nakita kong kakaiba sa kasong ito" sabi ni Hajime.

Sa kabilang banda naman...

"Kudo-kun! Kayo ba ni Ran ang nagreport sa amin ng pangyayaring ito?" tanong ni Inspector Megure kay Shinichi.

"Opo Inspector. Nagkataon po kasing nangyari ito habang nandito kami sa loob ni Ran sa loob" sagot naman ni Shinichi.

"Wala yon Kudo-kun. Medyo nakakalungkot lang dahil naapektuhan nito ang date niyo ni Ran hahahaha" pang-aasar naman ni Inspector kay Shinichi na siyang ikinapula ni Ran na medyo ikinainis naman ng binata.

"Hindi naman po kami nagde-date Inspector. Wala po kaming ginagawang ganon!" sabi naman ni Ran.

"Hahahaha biro lang naman. Alam ko naman na masyado pa kayong bata, pero Kudo, meron ka na bang lead sa kaso?" tanong ni Megure. At sa isa na namang pambihirang pagkakataon ay sabay naglakad ang dalawang binata papunta sa mesa kung saan nakabakas ang trace ng katawan ng biktima.

"Merong tatlong punto ang bumabagabag sa akin" bigkas ni Shinichi na may sapat na lakas para marinig ng mga tao.

"Ako din! May mga bagay na bumabagabag sa akin" pagsasalita naman ni Hajime na nakapukaw din ng pansin ng madla.

"Sino siya Kenmonchi?" tanong ni Inspector Megure kay Inspector Kenmonchi.

"Ahh pagpasensyahan mo na siya Megure. Siya si Hajime Kindaichi. Isa lang siyang highschool student pero nakalutas na rin siya ng maraming kaso dahil sa talinong namana niya sa kanyang lolo ba si Kousuke Kindaichi" banggit ni Inspector Kenmonchi na may pagmamalaki sa kanyang kasama.

"Eh sino naman yang bata na kasama mo Megure?"

"Ahh, ito namang kasama ko ay isa ding highschool student. Siya si Shinichi Kudo. Marami na rin siyang nalutas na kaso dahil sa namana niyang talino sa kanyang ama na si Yusaku Kudo na isang nobelista at tumutulong sa aming mga pulis dati para lumutas ng mga kaso" paghahayag din ni Inspector Megure na may konting tono ng pagmamalaki.

Detective Conan and Kindaichi Case Files: Case Encounter of the DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon