Chapter 4

15 0 0
                                    



I decided to leave the house and instead magcheck in nalang sa hotel. My heart has already been broken by my son's reaction tapos ngayon para pang dinudurog kada hindi ako iimikin ni Gaby. If only his dad is alive, hindi sana nagkaganito ang lahat.

"I should have told him before about his real mother" bumuntong hininga ako. Andito narin si Rafa ngayon sa Guayaquil, he always know when to show his self. Gulat man ako ng tumawag sya kanina ay nagpasalamat nadin ako dahil kahit papaano ay may makakasama ako.

"Taren ..." mahina nitong tawag sakin.
"He will understand." He gave me a smile of assurance. We'll be back in the Philippines in few days, kung uuwi pa sakin si Gabriel yan ang hindi ko alam. He's residing in the States but still visits me quite often. Pero sa nangyari mukhang hindi ko na siya makikita kailan pa man. Sumikip ang dibdib ko, just imagining losing the son i raised para nang may butas ang puso ko at kulang na ang buhay ko.

"Rafa, thank you ..." sandaling natahimik ito at naupo sa harap ko. Ngumiti pa ito bago nagsalita.

"You remember when you first brought Gaby to the Philippines?" Tanong nito sakin. Napangiti din ako, sino ba naman makakalimot sa araw na yon.

"Taren, you brought Gonzalo's son here? Bakit hindi mo nalang iniwan kay Eduardo? Okaya sa lolo't lola niya  . Your getting yourself in so much trouble Taren Trinidad. Nung una pinuslit niyo yung bata away from the mother, tapos ngayon naman papalakihin mo?! That's too much. You think habang buhay na mahirap ang nanay niya? What if the world turns around? She can file you a case."  Frustrated na sabi ni Rafa the moment i arrived with Gaby.

"I told you before not to get yourself involve with that" naiiling nitong sabi.

"The moment na nakita si Gaby sabi ko sarili ko, wala na talo na talaga ako." Nilingon ko ito.

"You know i love you Taren, more than anything. I think in the past years i've made myself clear about that." Nakangiti ito. We always had these type of conversation where in he will remind me about how he feels.

"I did not pursue you kasi alam kong hinding hindi ko mapapalitan si Gonzalo sa buhay mo. At alam ko namang i wouldnt stand a chance. At first, no matter how hard i tried to understand you hindi ko magawa. Lahat ng ginagawa mo for Gonzalo, and the worst part is hanggang sa huling hininga niya he never knew about how you felt towards him. Na hanggang kaibigan lang kayo, hindi na umusad. But you know Taren as years past by unti unti kong naintindihan, kase unti unti nakong naging katulad mo, the only difference is i made sure na alam mo lahat ng nararamdaman ko para sayo. Taren, i love you. That never changed, but i am not expecting anything from you. Ngayon lang, please be okay." Hinawakan nito ang kamay ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung masusuklian ko pa ba ang nararamdaman niya o magiging masaya ako dahil alam kong nandyan lang sya para sakin. I had been so selfish for keeping Rafa for long, he has always been there for me and Gaby but I was rarely there for him. Laging ako, ako ang iniisip niya. Problema ko ang pinoproblema niya, negosyo ko ang pinapriority niya. I never asked him how he was, na sa pagpoprotekta niya sakin, siya pala ang nasasaktan.

I was drinking my tea while Rafa was watching, or so i thought. Nakatulog na pala ito sa sofa, pinagmasdan ko ito. Natawa ako ng mapansin ko ang puting buhok niyang nagiging halata na. Were getting old, i thought. Hinawakan ko ang buhok nito at hinimas himas,

"It's my time to look after you"  It's time to let Gonzalo go, para makapagsimula na ulit ako.

Eduardo called the following day telling me that Gaby already went back to the States and Adriana wanted to talk to me. Ang sabi niya gusto niya din ako makausap, pero bago ang lahat ay dumaan muna ako sa puntod ni Gonzalo. Rafa was at the car waiting for me ang sabi ko mabilis lang kaya wag na sya bumaba. Pumayag naman siya dahil tanaw naman niya ko mula sa sasakyan. I took a deep breath before going to him, naupo ako damuhan at hinawi ang mga tuyong dahon na nasa puntod nito. I smiled,

"If i told you i love you before, will you still die? Or will fight to live ... for me?" Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko, lahat ng pagsisising nararamdaman ko ay kasalanan ko. "I chose not to tell you because i wasn't ready to lose you. I got scared at naramdaman kong you still love Adriana until your very last breath. That's the real reason why i went back to the Philippines to start a new life, para makalayo sayo. Para makalimutan yung nararamdaman ko, para hindi na lalong lumala kasi alam ko ako din ang mahihirapan sa huli, but then Gaby happened. And then you cancer ... kada sasabihin ko sa sarili ko na magsisimula na ako na wala ka dun biglang may mangyayari sayo. I'm letting go of everything about you Gonzalo ... including Gabriel." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. "Raising your son was the greatest thing that happened to me, but i need to let him go so i can also let go of you. Kse naisip ko na baka kaya hindi pako maging okay kase kada nakikita ko ang anak mo, naalala kita. Hanggat nasa akin si Gabriel, nabubuhay ako sa mga ala ala mo. At kahit masakit Gonzalo, kahit ayoko" halos hindi ko masabi ang susunod na gusto kong sabihin sa sikip ng dibdib ko. "I know this will be for the better, this time ako naman ha? Kase masyado nang umikot ang mundo ko sayo." I kissed my hand at dinikit ko ito sa lapida habang pumapatak ang mg luha ko. I let it all out, hinayaan ko lang pumatak ang luha ko hanggang sa maubos na. Masyado ko nang matagal binitbit ito. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na ang paghinga ko sa dati matapos mapagod sa pag-iyak. Tumayo ako at muling tinignan ang puntod nito, ito ang una at huling beses na tatalikuran kita, paalam Gonzalo.

The memory of him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon