🌺
Humahalimuyak ang bangong dala ko na sumasaliw sa hangin. Kasabay ng maarteng paglalakad ang maliit na baywang ko na pumipitik sa bawat paggalaw. Maririnig ang lagitik ng takong ng suot kong sapatos.
"Holy fuck! Pare si Ada!"
Napangiti ako sa narinig ko. Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki ang nagtutulakan ngayon sa aking likuran. Ang mga babaeng nadaanan ko naman ay matatalim ang mga titig sa akin.
"Ada, ako na ang magdadala ng gamit mo," boluntaryo ni Jammy na kasama ang iba pa niyang kabarkada.
"Sure," maarteng sabi ko. Iniabot ko sa kanya ang dala kong bag then I leaned forward and whispered through his ears, "Thanks Jammy," I gave him my sweetest smile.
Nagsigawan ang mga kasama niya. Ang iba'y nag-high five pa.
"Bakit ba bumalik pa siya rito?" Dinig na dinig ko ang sabi ng isang babae sa likuran ko.
Umikot ako. Nagkukumpulan din ang isang grupo ng mga kababaihan. I couldn't pinpoint who among them said those words. They were all holding their latest devices.
Mga plastik. Hindi na lang magsipag-aral. Puro cell phone at selfie lang naman ang nalalaman.
"Ako ba ang tinutukoy n'yo?" nakangiti kong tanong sa kanila.
"Is she talking to us?" one of them asked.
"Yes, I was talking to you. Why? You don't want me to be here? The feeling is mutual. Nakakairita kasi ang mga pagmumukha n'yo," panlalait ko sa kanila. Napamulagat sila.
I turned my back away from them while I flipped my hair.
I know, right? The Ada that they will meet today is the real Matilda Rhyce. Brave, bold and bitch!
I was wearing one bad bitch clothing. White halter neck top na kita ang pusod at sobrang hapit sa katawan na black leggings. And yeah, red pumps suits me well.
Pagpasok ng classroom ay iba't iba ang nakita kong reactions. Psh! Buti nga pumasok pa 'ko!
Nakatayo sa isang sulok si Thorn at may kausap na lalaking kaklase rin namin. Nagsalubong ang aming mga mata nang ituro ako ng kausap niya. And did I see angst on his face? The fuck with him!
Umupo ako sa silya ko at pinaligiran agad ng mga kaklase naming lalaki. Mga pito siguro sila. Mga nagpapapansin.
Iniabot sa akin ni Jammy ang gamit ko at nanghila ng silya para mapalapit sa puwesto ko.
"Free ka ba mamaya, Ada? May gig ang barkada sa isang bar sa Eastwood. My ride and my treat. Basta sumama ka lang sa 'min."
Naramdaman ko ang pag-upo ni Thorn sa katabi kong silya. Nakita ko pang hinawi niya ang ilan na nakaharang sa puwesto niya.
"I'll only come if I ride a 4x or a beamer."
Nagsigawan sila. Nagturuan kung sino sa kanila ang may kotseng gaya ng tinutukoy ko.
"'Di ba si Brando mayroon?" ani ng isa sa kanila.
Napangisi ako sa narinig ko. "Pare, hiramin din natin ang kotse ni Brando!" sabi ng isa sa katabi. "Kaya ka pala sumasama ka kay Thorn, huh!"
Nakita kong may tumapik kay Thorn.
"Ano ba?!"
Nagulat halos ang lahat nang galit na tumayo si Thorn at agad na sinuntok ang tumapik sa kanya.
May mga babaeng agad na nagsigawan. Umamba rin ng suntok ang kaklase namin na nakita kong may bahid ng dugo sa labi. Ngunit bago pa niya tamaan si Thorn ay mabilis na siya nitong naunahan ng isa pang suntok sa panga. Lalong nagkagulo sa loob ng klase kaya napatayo na ako.
Mabuti na lang at dumating si Mrs. Madrid. She was very disappointed in our Class President. Ipinadala niya sa Disciplinary Office si Thorn kasama ang sinuntok niya. Ni hindi nga napansin ni Mrs. Madrid ang suot ko dahil sa nangyari. Ngayon lang daw niya nakitang nagbuhat ng kamay si Thorn.
"Kawawa naman si Thorn. Baka hindi siya maka-graduate..." I heard behind me while we were waiting for our next teacher.
"Paano kung tanggalin ang scholarship niya? At kahit maka-graduate pa siya, mahihirapan siyang makahanap ng trabaho because of bad moral character. This will be a record against him."
"Nagkaganyan lang naman siya dahil..." Humina ang boses ng babae. Pakiramdam ko ay ako ang pinag-uusapan nila?
Is it my fault? Ako pa ngayon ang kontrabida? Dahil dumating ako sa eskuwelahang ito? Ako ba ang nanloko at nagsinungaling?
Bumalik si Thorn sa klase. I pretended to be busy on my cell phone. Mukhang maayos na sila ng nasuntok niya dahil nakita ko pang nagkamayan sila bago naupo sa kani-kanilang mga silya.
The whole time, hindi ko alam kung bakit ni hindi man lang ako sinusulyapan ni Thorn. It's like I was not here anymore. At naiinis ako. Gusto ko siyang kumustahin. I didn't know he's a scholar dahil ang alam ko nga ay galing din siya sa may kayang pamilya. Paano nga kung alisin iyon sa kanya?
Hindi ako sumama kina Jammy nang mag-uwian. Instead, I went to the library. Nagsuot pa ako ng jacket para itago ang halos lantad na sarili. I don't know what's going on with me. There's this feeling of being rebellious, then guilt, shame, I couldn't even properly explain.
Nang makita kong mag-aalas sais na ng gabi ay nagpasya na akong umalis. Habang nagmamaneho ay nag-ring ang cell phone ko. It was Wella. I put her on speaker.
"Hello, Wella."
"Ada, you have to come over. Hurry up!" natatarantang sabi niya sa kabilang linya.
"Why? What's going on?" I frowned.
"Your boylet is here."
"What?" Ipinihit ko ang manibela upang itabi muna ang sasakyan.
"Uh-huh. And he's making himself drunk."
"Lowella, if that is not Thorn, humanda ka sa 'kin!" banta ko sa kanya.
"Then see for yourself."
My jaw tightened. What is he up to now?
Muli kong binuhay ang makina ng kotse at saka diniinan ang accelerator.
Dumating ako na halos wala nang maraanan sa loob ng lugar. Kumukurap ang mga ilaw at naamoy ko ang usok ng mga sigarilyo. Sumiksik ako para makapasok sa loob. Parang may event kaya siguro mas maraming tao ngayon.
And I was right. There's a well-known male celebrity singing and dancing on the stage. Hinanap ko si Lowella. Usually ang puwesto niya ay palaging sa front row. Kaya nakita ko nga siya agad.
"Where is he?" malakas na tanong ko dahil sobrang lakas ng music.
Nagpalinga-linga si Wella. At maya-maya pa ay ngumuso siya. Nang hindi ko makita si Thorn dahil sa napakaraming tao, ay itinaas na ni Wella ang kamay para ituro ang hinahanap ko.
The sight that I saw infuriated me. Thorn was sitting at the center of a table near me. He's with... four? Five or six? I don't know how many girls are with him. And they all seemed to be enjoying his presence. A girl was even sitting on his lap. Making his hair messier. He's drinking and another girl took a sip from the very same glass he was holding.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomanceHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...