3

149 13 2
                                    

Maine's

"JUNIOOOOOR!"

"BAKIT KA SUMISIGAW MAY SUNOG BA?!"

Nakakairita rin 'tong lalaking 'to minsan. "Nasaan tayo, RJ? Saan mo ako dinala? Hoy bwiset ka sabi na nga ba may masamang motibo ka sa akin eh!"

Nagulat naman ang mokong. "Anong pinagsasasabi mo dyan?"

"Nakikita mo ba ang nakikita ko, Richard? Wala tayo sa bahay namin. Wala tayo sa bahay niyo. Wala tayo sa subdivision natin. In short, hindi ko alam kung nasaan tayo."

"Ano naman ngayon? Share mo lang iyan?"

"Bahala ka dyan sa buhay mo iiwanan na kita dito mag-isa maghanap ka ng sarili mong kausap bye."

Bigla naman akong hinatak ng mokong bago pa ako makaalis sa tabi niya. "Joke lang yun. Pinapaalis ko lang naman kaba mo, Mingming."

"Wag mo na ako tawagin sa ganyang nickname, hindi ako pusa."

"Ang cute kaya!"

"It's not... teka lang nawawala tayo sa topic! Anuba, Ricardo!"

"Ha? E ikaw may kasalanan kung bakit nawawala tayo sa topic natin kanina."

"Aalis na talaga ako dito bahala ka dyan manigas ka."

"Aalis ka talaga ha? Alam ko naman na kahit na umalis ka, babalik at babalik ka pa rin."

Inirapan ko na lang siya kasi alam kong totoo yun. Kahit na umalis pa ako dito ngayon, babalik pa rin naman ako sa kanya sa huli. Bwiset na 'to.

"Pero seryoso, Ricardo. Nasaan tayo?"

"Hindi ko rin alam, Mingming. Paano tayo napunta dito?"

"I have no idea! Natulog lang naman tayo diba? Baka nag-aalala na sila mama ayoko na dito gusto ko nang umuwi..." Hindi ko na napigilan sarili ko. Nahihiya talaga ako kapag umiiyak ako sa harap ng lalaking 'to pero hindi ko na kayang pigilan kasi sa totoo lang, kinakabahan na ako.

Niyakap na lang ako ni Junior. (Oo, Junior na ulit tawag ko kasi hindi na ako tampo sa kanya.) "Shh, nandito lang naman ako. Hindi kita iiwanan."

Mga tatlong minuto lang naman pag-iyak ko at sinimulan na naming magikot-ikot para malaman kung nasaan kami ngayon at kung anong parte ng mundo ito.

Naglalakad lang kami for about, siguro two minutes, nang may madaanan kaming nagbebenta ng sorbetes. Hala, namiss kong maging bata.

Tinignan ko bulsa ko kung may dala akong pera, kaso wala pala. Buti na lang si Junior may dalang pera kaya nag-alok na ililibre niya ako.

Pero bago pa man kami makalapit kay kuyang nagbebenta ng sorbetes, may nauna nang dalawang bata na nakalapit sa kanya.

"Kuya, pabili po!" sabi ng batang lalaki.

"Kayo na naman? Araw-araw na kayong bumibili sa akin ha," sabi ni kuya habang tumatawa.

"E kasi po, nadapa kanina itong si Mingming. Ayan, bibilhan ko ng sorbetes para hindi na siya umiyak," sagot naman nung batang lalaki.

"Naku, ang bait mo talaga sa kaibigan mo 'no?"

Bigla namang nagsalita yung batang babae. "Syempre, best-est friend forever ko 'tong si Junior eh!

Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Junior.

"Mingming daw..." sabi ko.

"Junior daw..." sabi niya.

Homaygad. Anong nangyayari.

Friends with a Twist [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon