Chichi POV
"chi mas magiging ok sayo kung lalabas ka, maganda ang sikat ngayon ng araw" sabi ni yaya. Naririnig ko ng nag liligpit na siya ng pinagkainan ko. Hindi ako sumagot. Umiling lang ako.
"Sige chi kung ayaw mo hindi kita pipilitin" pagkatapos ni yaya magligpit ay lumabas na siya ng pinto.
Dumungaw ako sa bintana nang marinig kong may huni ng ibon.
"kamusta na kayo?". Naramdaman kong dumapo sa kamay ko ang ibon.Mga ibon lang ang kinakausap ko, nakagawian ko na sa umaga na kausapin sila.
Ilang saglit pa ay may narinig akong tunog ng sasakyan pero hindi pamilyar sa akin ang tunog kumpara sa sasakyan ni Jungso.Narinig ko ang boses ng babae, sumisigaw siya. Dahan dahan akong lumapit sa pinto gamit ang baston na hawak ko, dinikit ko ang tenga ko sa pinto.
"Nasan na si Jungso?!".
"Mam, ano pong pangalan niyo? wala po kasing sinabi si Sir na may pupunta dito?".
Narinig ko na paakyat siya sa hagdan. Bigla akong kinabahan.
"Ako??!! hindi mo ako kilala??!! actress ako Artista!!!" pasigaw na sabi niya.
"Mam bawal po kayo dyan kwarto na po yan ni Sir" sabi ni yaya.
"Anong bawal??! girlfriend ako ni Jung so kung ano ang pagmamay-ari niya ay akin na din!!" sigaw niya ulit narinig kong may lumagabog ng malakas.
Napahawak ako sa dibdib ko. Girlfriend?, alam kaya niya na nandito ako sa bahay ni Jungso?.
"Jung-so??!! magpakita ka! walang hiya ka hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!! Hindi ka din nagpapakita sa akin!!".
Napaatras ako, yung baston na hawak ko ay nabitawan ko na, sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Kasunod nun ang Pag nginig ng katawan ko dahil sa sobrang takot.
Narinig kong bumukas ang pinto. "Who are you??" sabi niya.
Hindi ako makapagsalita. Kumawala na ang luha ko. Lalong lumalakas ang kaba ko.
"Mam hintayin niyo na lang po si Sir sa baba" mahinang sabi ni yaya.
"Ikaw na matanda ka tinulak na kita sa pinto may malay ka pa rin!!!" narinig kong parang may tumumba.
Yaya?. Isip ko.
"Ikaw ba ang bagong babae ni Jungso?!" sigaw ng babae.
Umiling lang ako. Hindi ko magawang sumagot o magsalita dahil sa takot at kabang nararamdaman ko. Kasunod nun ang pagkawala na ng luha ko. Naramdaman ko ang malakas na sampal sa pisngi ko, hinatak niya ang buhok ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya. Lalo niya pang hinigpitan ang hawak kinaladkad niya ako sa kung saan pagkatapos ay tinulak niya ako sa pader. Napaupo ako sa sobrang sakit. Napahagulgol na ako ng iyak.
"Tama na po" naiiyak na sabi ko".
Hinatak niya ulit ang buhok ko. "Walang hiya ka!!" kasunod nun ang malalakas na sampal niya sa akin.
Inuntog niya ang ulo ko sa pader naiyak lalo ako sa sobrang sakit "Tama na po" namamaos kong sabi. Kasunod nun ang hagulgol ko ng iyak.
Habang sinasaktan niya ako ay unti unting bumabalik sa alaala ko ang nagyare kay mama nakahawak sa kamay ko, kila papa at kuya na hinampas ng alon. Mga dugo na nakahalo sa tubig.
Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng hilo inuntog niya ulit ang ulo ko. Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko. Parang basa na malagkit. Naamoy ko na dugo na pala ang nasa ulo ko. Wala akong magawa dahil sa takot na nararamdaman ko.
"Hoy babae!!!!, kung ano man ang realsyon niyo ni Jung so ay tapusin mo na!!" sigaw niya sabay sipa sa akin.
Pagkatapos ay hinatak niya ulit ang buhok ko kaya napahiga na ako sa sahig. "Tama na"- mahinang sabi ko parang wala ng lumalabas na boses sa bibig ko nanghihina na din ako.
"Anung tama na!! hindi kita titigilan!!!" sabay tawa niya. Tinadyakan niya ulit ako sa tagiliran. Patuloy pa rin ako sa pagiyak kahit namamaos na ang boses ko.
Narinig ko na lang ang malakas na yabag paakyat ng hagdan."Yumi!!! stop it!!!' dumating na si Jungso. Kasunod nun ang pagkawala ko ng malay.
_______________
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
Hayran KurguSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...