Chapter 21

7.4K 278 12
                                    

🌺

Tumatagos ang tingin ko sa harap ng salamin. Tila hindi ko na kilala ang sarili ko. Suot ko ang uniporme ng Springtide University. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ba ito ginagawa. Pakiramdam ko ay pinagpipilitan ko ang sarili sa lugar na iyon na alam ko naman na hindi ako tatanggapin.

Napabuntonghininga ako nang maalala ang nangyari sa pagitan namin ni Thorn kagabi. Why does it confuse me so much that I couldn't even go to sleep? What's going on between us was something I should have moved on by now. Hindi ako kailanman nakipagrelasyon sa isang lalaki ng ganito katagal. Pero wala naman kaming relasyon. Kailan ba niya sinabing mayroon? Kailan ko ba sinabi sa kanya na may ganito akong klase ng pakiramdam na ayokong aminin kung ano? Pero nagsinungaling si Thorn sa akin at hindi ko iyon matanggap. Pinaglalaruan niya ang damdamin ko. Ginagamit niya ang katawan ko at ako naman ang tanga na nagpapagamit sa kanya at hindi mapigilan na sagutin ang bawat init na pinalalasap niya sa aking katawan. Maybe because these were all new to me. I've never felt like this before and he knew that about me. He knew I was a player. At ipinamumukha niya sa akin na kaya rin niya akong paglaruan.

Napatiim-bagang ako. I need to settle this with him once and for all. Kung ayaw niya sa akin, huwag na niya akong gamitin. Kalilimutan ko ang nangyari at hindi ko na nanaisin pa na makita siyang muli. But if he still wants me...

Will I continue to allow myself to be used by him?

Hinatid ako ni Rich na alam ko kung gaano natutuwa sa biglaang pagbabago ko. Siya na raw ang kukuha ng kotse ko na naiwan sa bar kagabi. I told him that it was Thorn who brought me home last night and he cheerfully smiled like he's voting for him. I don't know if that's a good thing or not.

Naglalakad pa lamang ako sa hallway ay nararamdaman ko na ang masasamang titig sa akin ng marami. Taas-noo pa rin akong naglakad. I have to get used to these feelings.

I was hoping we'd be able to talk. Thorn, on the other hand, was absent the entire day. I texted him and asked if we could meet somewhere. However, there was no response at all. Sinasadya ba niya akong iwasan?

Nagawa kong tapusin ang isang report sa loob ng library at wala pa ring Thorn na lumitaw. Sari-saring imahe na ang gumuguhit sa utak ko. Mga tanong na gumugulo hanggang sa buo kong sistema. Bakit niya ito ginagawa?

Hanggang sa sumuko na lamang ako at nagdesisyon na umuwi na lang. Today might not be the perfect time for us to see each other. There's still tomorrow.

Nasa meeting pa raw si Rich kaya hinihintay ko ngayon ang sundo kong driver na inutusan niya.

"Ang kapal din naman ng mukha mo, Ada!"

Iniikot ko ang sarili upang sinohin ang nagsalita. It was Chary.

Really? Again?

Kung sinoman siya kay Thorn ay wala na akong pakialam. Pareho lang naman kaming nagpagamit.

Umismid ako. "Hindi si Thorn ang hinihintay ko, Chary," sabi kong humalukipkip.

"I know. Dahil wala na si Thorn!" sigaw niya.

Napadiretso ako ng tayo. "What do you mean?" kunot-noong tanong ko.

"Natanggal na ang scholarship niya kaya hindi na siya mag-aaral. Aalis ang buong pamilya nila dahil sa 'yo. Dahil ginulo mo sila."

Nagtagis ang bagang ko. "Wala akong ginagawang masama, Chary," mariing sabi ko. "All I know... is that I like him."

She laughed so loud. Halos mabasag ang pandinig ko.

"Damn you! You like all your boyfriends. Sino 'ng niloko mo? Ngayon, masaya ka na? Sinira mo ang buhay ni Thorn. Kung sana hindi ka niya nakilala, hindi magkakanda-letse-letse ang buhay niya. Ikaw dapat ang nawala, hindi siya..."

Tinalikuran niya ako. Ngunit bigla ring bumalik.

"Oh and by the way, don't try to find him. Ikakasal pa rin kami without you knowing it!"

"I... I don't believe you..."

Nanlaki ang mga mata niya. "Maganda ka lang, Ada Rhyce. But you are stupid and heartless. Believe what you want to believe. But you will never ever see Thorn again..."

Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako.

"Do not expect him to like a slut like you. Nilandi mo siya kaya may nangyari sa inyo..."

Natigilan ako sa sinabi niya. So Chary was well aware of what occurred between Thorn and myself? Chary knows everything because they're so close. When I realised that simple fact, something seemed to obstruct my throat.

Nagulat na lamang ako nang lumandas sa pisngi ko ang palad ni Chary saka galit na nagsalita, "Stop destroying Thorn's life. He's all mine!" Tumalikod siya habang natulos na lamang ako sa kinatatayuan hawak ang pisngi kong sinampal niya.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon