"Bes"

39 6 5
                                    

Ano nga ba ang kaibigan?

-Kaibigan,yan ang palaging malalapitan kapag ikaw ay may problema,kapag minsan di magkaintindihan yan ay kasama sa ating mga pagsasama.Kaya ang kaibigan palaging maasahan at importante sa atin na tayo'y magkaroon ng kaibigan.Para sa akin ang kaibigan ay ang taong kasama mo sa saya man o sa lungkot, yung taong matatakbuhan mo sa oras na may problema ka. Siya rin yung kasama mo sa mga kalokohan mong ginagawa at ang kakampi mo sa lahat ng bagay at nagliligtas sayo pag may nang aaway sayo.Siya yung lagi mong kasama , siya yung mas nakakakilala sayo at ang taong hindi humusga sayo kung sino ka man. Siya rin yung taong nagtyaga sa kakulitan , kasungitan mo, lagi kang iniintindi sa katangahan mo at pinapagalitan o pinagsasabihan ka pag may nagawa kang mali.Katulad ko meron ako kaibigan na maalaga,mapagpasensya, minsan seryoso,minsan naman nagiging isip bata ...basta para saakin nasa kanya na ang lahat ng hanap ko sa isang kaibigan ayy erase erase..I mean Tunay na kaibigan

Ano naman ang love??
Love? Ano nga ba ang love?

- isang salita pero maraming kahulugan. Meron nagmamahal dahil sa kayamanan. Nagmamahal sa kasamaan. Nagmamahal ng napipilitan, nagmamahal sa kaibigan at may umiibig sa kaparehas na kasarian. Umiibig sa may asawa. Umiibig sa diyos.Ito ba yung pag na-feel mo na natatameme ka sa tuwing kausap mo yung taong gusto mo, yung mas mabilis pa ang tibok ng puso sa takbo ng sasakyan. Ito ba yung pakiramdam na mahirap maipaliwanag, kahit ikaw ay malilito, lumipas na lamang ang ilang araw ay hindi mo pa rin maisip kung ano ang mga dahilan kung bakit ka nagkagusto sa isang tao. Ito ba yung kapag mag-isa ka bigla ka na lamang tatawa kasi naisip mo yung moment na masaya kayo. Kapag na banggit ang pangalan niya mas masaya pa ang puso o kaysa sa mukha mo.
Maraming nagsasabi na mararamdaman mo raw ang love sa una niyong pagkikita o ang "Love at First sight" kung ako ang tatanungin salungat ang aking paniniwala sa kasabihang iyan, mas naniniwala pa ako sa "Love at second sight" dahil para sa akin hindi basehan ang una niyong pagkikita para masabi na in-love ka sa isang tao. Sa second sight isa lamang patunay sa akin na itinadhana kayo sa isa't isa para muling magkita, subalit hindi lahat ng tao ay magiging Masaya sa second sight dahil hindi natin alam kung siya ba ay may minamahal na o nakatali na sa isang tao.

Eh pano naman kung papapiliin ka...Kaibigan mo? o ang love or should i say mahal mo??

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Hi!Bes" Sabi ko sa matalik na kaibigan ko

"Eyoooo ^•^ Musta bakasyon mo?"Sabi nya saakin

"Okay naman haha ayy oo nga pala nakita ko si crush kanina *~*" me

"Yan kananaman sa crush crush mo na yan tss -.-"Sya

Kahit kailan talaga ang bitter bitter ng babaeng yan sabi ba naman "walang poreber" dun pa talaga sa harap ng mag jowa ah yan tuloy nagalit si ate gurl kaya nagkaworld war 3 na hahaha di nalang kasi manahimik sa sulok...Eto pa tsk sabi pa nya "Crush, Crush ka pa?? Mamamatay din naman" Edi sya mamatay syempre jukjuk lang haha lablab ko yan ehh ..Pero basta naiinis ako sakanya.. Hmp!

"Kinindatan ba naman ako WIIEEEE (/*~*)/"- me

"Lakompake tsk..Papaasahin ka lang nyan hahaha"- sya

Hmp! bahala ka ngaaa ayy wait lang..

"Oiii nungoras na?" - me

"12:26"-sya

"Ahh ang aga- WAHHH 12:26??WTF LATE NA TAYOO!!" -me

"Ikaw kasi ehh andaldal mo yan tuloy na late tayo"- sya

"Anong ako?? ako pa talaga ahh???dalian mo na nga dyan!" -me

"Ikaw naman talaga ehhh....Pakrass krass ka pa dyan!"- sya

Inayos na nya ang gamit nya at Patakbo kaming pumunta sa 4th floor

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Bes" (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon