Kabanata anim.
D A L E
Maaga akong nagising hindi ko alam kung bakit haha. Maaga akong nagritwal kahit wala namang pasok. Wala lang gusto ko lang mag-ayos. Pagtapos ko maligo ay nag make up ako ng very light.
Pagbaba ko ng hagdan amoy ko na agad ang aroma na niluluto ni mama ang aga naman. Tinignan ko ang oras sa wrist watch 8:20am na. Tinungo ko si mama at bumati bumalik din ako agad sa sala at nanood ng T.V pagbukas ko agad bumungad ang balita.
Nanlaki ang mata ko sa nakita dahil yung mismong nasaksihan kong pagpatay sa lalaki ay siyang pinapalabas sa telebisyon. Naawa ako kasi hindi ko man lang natulungan yung lalaki. Mas lalo ako nanlumo nang umiiyak na yung mga magulang niya Pilipino at Koreano sila. Ewan ko bakit ako umiiyak naaawa siguro ako sa kanila. Ang lakas lang siguro ng impact niya sakin nakakaawa naman kasi yung lagay ngayon ng magulang niya.
Kahit na mayaman kayo o nakakaluwag sa buhay hindi parin mababalik ng pera ang buhay na nawala na. Nalulungkot ako naaalala ko kasi si Papa simula nang mawala siya parang nawalan ng saysay yung kalahati ng buhay ko. Mga turista pa sila siguro hiningian ng pera yung koreano... Mali koreano din kasi yung mga pumatay. Ang gulo hayaan ko nalang bakit ba ako nakikisali.
"Ano ba 'yang pinapanood mo?" Tanong ni mama pinatay naman niya yung T.V , pinunasan ko yung luha sa mukha ko.
"W-wala yun 'Ma t-tara na kumain na tayo" Nakita ko naman sa mukha ni Mama yung pag aalala. Ayoko namang sabihin kay Mama yung mga nangyari baka mag alala pa siya ng sobra.
Pilit kong binago ang ekpresyon ko para hindi na ako usisain pa ni Mama. Matanong pa naman si Mama hindi papaawat hangga't hindi nalalaman ang puno't dulo.
Kumakain na kami ni Mama sa hapag diko maiwasang hindi maalala yung mga pangyayari nung gabing iyon. 'Aaahhhh' napahawak ako sa sentido ko aray sobrang sakit.
"Mama tulon-" and everything was black.
________
Nasan ako? bakit may liwanag? nasa langit na ba ako? Ayoko pa iwan si Mama.
"Anak!" May narinig akong tumawag sakin. "Anak gising ka na maraming salamat po Ama" Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Mama na mangiyakngiyak nang makita akong gising na.
Ngayon ko lang napagtanto nasa hospital pala ako. Medyo sumasakit pa yung ulo ko pero hindi katulad kanina na sobrang sakit. Umupo ako pero pinigilan ako ni Mama. Kita ko sa mata niya na nag aalala siya.
Pero hindi ko makalimutan yung panaginip ko kanina nakakatakot. Napaginipan ko yung lalaki na pinatay humihingi siya ng tulong sakin pero hindi ko alam kung paano. Natatakot lang siguro ako na madamay.
"Anong iniisip no anak?" Ayoko, ayokong malaman ni mama. Umiling lang ako at may binigay sakin si mama na bowl puno ng prutas pero wala akong gana kumain.
Bumukas yung pinto at niluwa nun yung doctor at si Shane. Agad akong chineck ni doc at okay naman na daw ako. Kita ko kay Shane yung pag aalala niya kaya agad akong niyakap.
"Nag alala ako ng sobra sayo akala ko kung ano na nangyari sayo"
"Pagod lang siguro ako sa mga nagdaang araw" Agad naman napawi sa mukha ni Shane ang pay aalala. Napatingin ako kay mama parang ang laki ng iniisip niya siguro ay nag aalala lang siya.
Tatlong araw akong pinagpahinga ng doctor ang sabi niya okay na daw ako pero parang ang tagal naman yata ng pahinga ko.
Nakalabas na ako sa hospital. Isang linggo na din ang lumipas noong lumabas ako. Sa ngayon nasa classroom ako at nakikinig sa aming prof nagtataka lang ako kasi wala si Regil wala tuloy nangungulit sakin mas okay siguro yun para hindi siya dagdag sa kunsime ko.
"Class our prelims is on 30th of July... so be ready in your exam any question... okay that's all class dismiss" Niligpit ko na yung mga gamit ko at lumabas na. Magkikita nalang kami ni Shane sa Cafeteria magkaiba kasi kami ng section sa ibang subject.
Nakita ko si Chris at nagsabay kami palabas ng room siguro sa Cafeteria din ang tungo niya. Sakto namang nahulog yung libro na dala ko at inabot niya sakin.
"Salamat" Ngumiti ako ng tipid. Saka ko pinagpatuloy ang lakad. Hindi ko namalayan nasa tabi ko pala si Chris.
Papunta na sana kami sa Cafeteria nang may humila sakin. Napatingin ako sa kanya.
"Regil?"
"Oh! buhatin mo nga itong bag ko nabibigatan ako" Inis na sabi nito. Aba! ayos ah. Binuhat ko nalang ano ba 'to ang gaan naman susme binder lang laman ng bag niya.
Saan naman kaya kami pupunta? naiwan ko tuloy si Shane sa Cafeteria.
"Saan ba tayo pupunta?" Pero hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. Ano bang klaseng lalaki 'to.
Nakarating kami sa pupuntahan namin sa garden lang pala.
"Linisan mo nga lahat ng dumi diyan dalian mo kupad mo kumilos" Inis na sabi nito. Hala anong nangyayari dito paiba-iba ng mood.
Agad akong kumuha ng walis kakainis ang daming dumi sino ba mga nagkalat dito. Pag nakita ko lang kung sino nagkakalat dito ay talagang siya yung itatapon ko sa basurahan.
Natapos ko din ang trabaho ko at luminis na nga ang paligid. Napangiti ako sa naging resulta. Napabuga nalang ako at umupo sa bench.
"Good ngayon bilhan mo ako ayoko sa cafeteria gusto ko sa labas ng University... ge lakad!" Hala ano ba 'to katatapos ko lang mag linis e. Gusto kong mag flounce pero nakita ko yung mata niya na nanlilisik.
Okay tatayo na nga diba tsk. Lumabas na ako at naghanap ng karinderya... ay maarte pala siya sa restaurant nalang ako bibili jusko ang layo pa naman ng mga resto dito.
Mas pinili ko yung mura dahil baka masayang lang pera niya. Nang makabili na ako dumiretso na ako sa garden tumakbo na ako dahil baka mahuli kami sa klase.
Nakita ko siyang nakahiga sa favorite na bench niya. Ang cool lang ng bench kasi may dalawang puno dun sa magkabilang dulo ng bench. Ang unique lang kakaiba ganun.
Napansin niya yung presenya ko kaya umupo siya agad. Inabot ko sa kanya pero hindi niya kinuha. Problema ng isang 'to!
"Nangangalay ako" Inis na sabi ko. Inirapan niya lang ako. Hala!
"Sa tingin mo ba kumakain ako ng cheap na pagkain HA!" Nanginig ako sa sinigaw niya. Napaatras ako ng bahagya.
Kinuha niya yung pagkain at tinapon. Sayang naman pinaghirapan kong lakarin yan nainis ako.
"Ano bang problema mo?" Inis na sabi ko.
"Wala ka na dun, bwiset!" Padabog siyang umalis at naiwan ako dun mag-isa. Hindi ko alam bakit inaatake ng ganun yun. Sayang naman yung pagkain.
Pumasok na ako sa next subject. Nakakainis kasi kaklase ko yung mayabang na damulag. Lumayo ako ng dalawang agwat. Ang awkward kasi ng situation.
-----
to be continued...
BINABASA MO ANG
I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLD
Roman d'amourMeet Dale Navarra, Dale is an androgynous gay. Who wants to go up to the hardness of life. He had a loving mom and supportive bestfriend. But when Dale met two men who would love him to much. Which one of them will Dale's choose? The man who is bad...