Shout out to Sejice26 and Odd_changes for suggesting good names! Thanks guys!
If u have names in ur mind, let me know.. I won't ignore one! 😉
Thanks also for reading, voting and leaving comments! You guys rock!
"I KNOW, I've missed you too." Napangiti siya nang hindi magkamayaw ang dalawang tuta sa pagdila sa kamay niya habang kalong ang mga 'yon. Kakauwi niya lang galing ng vet clinic kung saan pansamantalang nanatili ang mga aso. The pups already grew a little bigger.
"Ate, hindi mo pa ba ibibigay kay kuya Trevor iyang si Trei?"
She looked up at her brother. "Hayaan mo siyang pumunta rito."
Brent's brow raised, pero hindi ito umimik at ipinagpatuloy ang pagre-review daw nito. She's still playing with the pups when they heard a car's engine outside their house.
"Oh, andiyan na ang irog mong tunay," tukso ni Brent.
Sinamaan niya ito nang tingin. "Shut up." Tinungo niya ang labas ng kanilang bahay, Trevor's already out of his vehicle. Nakakainis ang kaguwapuhan nito sa suot na long sleeved na kulay puti at itim na pantalon. He's too formal for her taste, pero ito ang pinili ng kanyang puso.
But if she's going to give herself a piece of advise, she should really start on avoiding him. Her love for him only grows if she continue on seeing him.
"Hi, bro!" Brent's voice came out inside their house. Nilingon niya ito. Nakasandal sa hamba ng kanilang pinto habang nakangiting nakatingin sa kanila. Mabuti nalang at wala ang kanilang mga magulang kundi ay mahabang tuksuhan ito.
Trevor nodded at him, walking towards her. "Hi," he greeted her.
She acted cool and nodded her head on him. "Pasok ka."
Kumahol ang mga aso nang mamataan ito at dali-daling tumakbo sa paanan nito. Trevor sat down on their small couch and petted the dogs' head. Pinanatili naman niyang walang gaanong emosyon ang mukha niya. She picked up Trei and handed it to him. "Here," wika niya at kulang na lang ay pauuwiin na ito agad. "Teka, kukunin ko lang ang bahay niya." She went out to get the dog's cage.
Nang makabalik siya ay mataman lang itong nakatingin sa kanya. Brent has also excused himself. Iwas na iwas ang mga mata niya na salubungin ang tingin nito. "Ang sabi ng vetere--"
"Iniiwasan mo ba ako?" untag nito.
"Huh?" Kinuha niya ang tuta at inilagay sa bahay nito. "Hindi, ah! Bakit naman kita iiwasan?" She gave the dog leash. "Sige na, baka marami ka pang gagawin. Just take care of Trei," bilin niya.
Trevor sighed and stood up. Bitbit nito ang bahay ng aso na lumabas. Inihatid niya ito sa labas ng kanilang bahay. "Bye, Trei," pamamaalam niya.
Kasabay ng pagbigay niya sa aso rito ay siya na ring pamamaalam niya sa binata. She's putting an end to her fantasies. Kailangan na niyang magsimula sa proseso ng pagmo-move on.
Trevor stood beside his car, intensely looking at her. "Bakit?" tanong niya nang hindi makayanan iyon.
Nagpatuloy lang itong nakatitig sa kanya. Kapagkuwan ay lumapit ito sa kanya at hinila pasakay sa kotse nito. Pumuwesto rin ito sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.
"Ano'ng ginagawa mo, Trevor?" nagugulumihanan niyang tanong.
He looked serious as hell as he concentrated on the road. "Driving."
Ginagago ba siya nito?
"Alam kong nagda-drive ka pero hindi iyan ang tinatanong ko! Ano 'to? Bakit ako nandito?" Kumapit siya sa door handle nang bumilis ang takbo ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Her Boss' Broken Heart And Broken Leg
RomanceBoss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding because she unintentionally fell into someone else. As a result of that unlikely news, he drowned himself...