That was UNEXPECTED. (KathNiel One Shot)

3.7K 87 23
                                    

"There  are things that I don't want to continue but i am afraid to end. I am not Expecting but I am Still hoping and willing to wait"

Narinig ko lang yan sa 91.1 Campus Radio nung minsang nakikinig ako sa programang "Talk to Papa".

Oo na korni na.. Korni talaga. Eh anong magagawa ko eh sa dun ko yun narinig eh. Ang kyoootttttttt kaya nung line... at tinamaan ako dun bigla. Bakit Daw?

Dahil kay tooot... Naisip ko bigla si tooot .Kasi naman si tooot eh. Sya ang may kasalanan kung bakit ako ganito .

Dahil kay tooot nagulo ang buhay ko. 

..Dahil kay tooot nagulo ang puso kong tahimik sana hanggang ngayon. Pero sabagay kasalanan ko din. Kung hindi talaga dahil ka tooot wala sana akong problema ngayon.

Bu, If it's not because of tooot, I won't experience this kind of happiness.

Emote ako. Pakealam mo ba? 

...Hindi "tooot" and pangalan nya ha. Feel ko lang yung tooot para pa-mysterious effect kung kunwari. Pero ...okay... sige. 

Sya. si KURDAPYO. SI KURDAPYO INIPUTAN MADLANTUTA. Joke! ang bantot ng pangalan ha....

SERIOUS NGA PLEASE! -________________-

DANIEL JOHN FORD ESTRADA PADILLA ang pangalan nya. Dj ang nickname nya. Classmate ko sya since first year college. Hindi naman sya gaanong katangkaran, siguro mga 5'9 sya?

Ah, Ewan basta for me normal lang sya sa isang college student. Matngos ang ilong, he has tantalizing eyes, he has a pale complexion and yes!... GWAPO sya. 

SPELL gwapo.... eh di D-A-N-I-E-L. Kuha mo?! Sya yung tinutukoy kong "tooot" sa inyo.

Ako naman si Ann Manalastas. Joke ulet!. Baho naman.... KATHRYN CHANDRIA MANUEL BERNARDO. Yan talaga ang pangalang ibinigay ng aking mga minamahal na magulang. Hindi ako maganda, hindi ako matangkad, hindi ako matalino, wala akong pera, wala akong sinabi, wala akong binatbat. 

Paano naman ako magugustuhan ng isang gwapong katulad nya? Ang alam ko lang eh magdaldal, magkwento ng kung anu-ano, mag-ingay at higit sa lahat magpatawa at magpasaya ng mga kaibigan at kahit sinong kasama, kahit na sarili ko hindi ko mapasaya. Sabi nga nila kung sino pa raw yung palaging nakangiti at palaging nakatawa yun pa raw ang masalimuot ang buhay.

Masalimuot ba ang buhay ko?

Sa tingin ko medyo tama sila, hindi naman sa sobrang salimuot ng buhay ko... Ahmm.. siguro medyo malungkot lang. Ah... Wag na nga nating ungkatin baka mapaiyak pa ako.

?_________?

"B-C Apple tayo...." suggest ni Julia nung minsang naghihintay kami sa aming guro.

"Ano yun!? Kinder tayo?? Kinder?? , tatawa tawa kong sagot. Like Duh??

"Go na Kath!. Arte mo!"

"Okay, Wag isali si Kath"

"Kayo naman di na kayo mabiro. Go!", pakikisakay ko. Actually kahit naman kabulastugan lang ang mga pinaggagawa namin eh masaya naman talaga.

"B-C Apple, Lemon juice... tell me the name of your sweetheart." SHAMEFUL!

"Sinong crush mo sa kaklase natin Kath?!"

That was UNEXPECTED. (KathNiel One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon