A/N: Hi po! Sorry sorry po talaga kung napakalate ng UD. I know, wala pong magagawa ang sorry ko. T.T And, I'm sooo pressured! HAHAHA. Pressured sa school at pati na dito (whut?? lol). So, this is it! Enjoy reading :D Don't expect too much po ah :) I'll try my best na makapag-update twice or thrice a month, or 4 times. ;) :))
Chapter 5
They Meet, Again
"Guys! I need your attention now." nakangiting sabi ni Ma'am Rissa. Despite of the loud drum beats and vocalist lyrics, narinig pa rin namin siya.
Nanlalaki ang aking mga mata na napatingin sa kasama ni ma'am.
It can't be. Bakit andito siya? Though, posible iyon kasi noon pa naman itong palaging naglalagi sa mga ganitong klaseng lugar. Pero...
Naputol lang ang pag-iisip ko ng dumako ang mata ko sa kanya. And he smirked at me causing my whole system unstable. He caught me off-guard not just looking but staring at him! Bigla kong binawi ang tingin ko sa kanya. At nagsalita na ulit si ma'am o mas tamang sabihing nabalik na ulit ako sa reyalidad. Parang tumigil lang ang paggalaw noong nagtama ang aming mata.
"This is Mr. Juan Emmanuel Salazar. I'm sure you now have the idea who is him. If not, he will be your new department head. Fortunately, nakita ko siya dito. Mukhang madalas yata si sir-to-be ninyo dito.", sabay tuon ni ma'am sa lalaking katabi niya.
Kung wala lang asawa itong si ma'am iisipin kong.. hmm, forget the thoughts Veron. Why are you acting jealous?
"Hi Mr. Salazar. Nice meeting you and welcome to our department. Not literaly but all members are here. So parang ganun na iyon", si Antonette with nakakasilaw na ngiti. One of the mean girls, working edition. Hahaha. Tatlo sila sa grupo kagaya sa movie. Pwede ring triple As (Eys) ang tawag sa kanila pero mas gusto ko yung una. The other one is Arlyn. Mga sidekick ni Ange.
"Drop the formalities. Sir Emman will do."
---
His baritone and cold voice is still lingering in my ears kahit na mistulang talk show na dito sa room dahil sa iba't ibang tanong ng mga kasamahan ko sa kanya.
I need air. Parang sumisikip ang dibdib ko habang iniisip kong magkasama kami sa loob ng silid na ito kahit may mga kasamang iba.
Tumayo na ako bago pa akong mawalan ng hininga at pupunta na lang muna ako sa washroom.
---
"Bakit hindi mo sinabing pupunta ang kuya mo dito?", pagpapalatak ko kay Lilie habang palakad lakad dito sa loob pa rin ng washroom.
"Eh Nica, hindi ko naman alam na ang pupuntahan mong bar at ang pupuntahan ni kuya ay iisa lang", parang natatawang pagsagot niya sa akin.
"Bakit mukhang alam mo naman eh." Medyo iritang sabi ko sa kanya.
"Ha, Nica? Hindi kita marinig? Choppy ka? H-hello? Hello?" And my oh so loving best friend hang up the phone. Laging nang-iiwan sa ere kung minsan. At ang minsan na iyon ay tuwing nasa sitwasyong kasama ang magaling niyang kuya.
Yeap, you read it right, ang kuya nya at ang kaninang ipinakilala sa amin ni Ma'am Rissa ay iisa.
Nag-dial ulit ako sa phone,
"Hello Ma, kamusta po si Cy"
"Veron, huwag kang mag-alala. Mahimbing na natutulog si Cyrus dito sa tabi ko. Enjoy your night there. Wala namang magagawa kung magiging sociable ka minsa. Oh, sige na baka magising pa ang apo ko dito.", Si mama. Bakit may feeling akong nakikinig sa amin? Nagpalinga linga naman ako, wala naman. Never mind.
Hindi kasi ako mapanatag habang hindi ko naaalam ang kalagayan ni Cy ngayon. Ganoon siguro once na naging ina. Palaging nag-woworry sa anak. Mother's Instinct.
"Oh sige ma, thank you. Ingat po kayo, Kiss Cy for me. Susunduin ko na lang po siya tomorrow morning"
Nagretouch na rin ako kahit papaano at lumabas na.
---
"Nakita mo ba si Sir Em?" Si Gail.
Napakunot naman ang noo ko. Bakit sa akin itinatanong ang isang iyon?
"Lumabas na kasi siya kanina pag-kauwi ni ma'am. Hindi na nga nakapagpaalam si ma'am sa iyo. Bawal magpagabi. Alam mo na, buhay pamilya", si Loisa. At sabay tawa ng malakas. Mukhang naparami na rin ang nainom nito,
"Mauna na rin nga pala ako sa inyong dalawa ah. Nagtxt na si Miko. Alam niyo na, strict ang hubby ko. Hihihi", Si Gail basta pagnasama sa usapan si Henry, parang teenager na kinekwento ang pagdikit ng braso sa crush.
"Sasabay na rin akong lumabas. Wala na rin naman akong gagawin dito.", sabi ko sa kanya. Mas mabuti ng umuwi kaysa magparty pa dito habang naiwan ko ang anak ko kay mama.
Hindi pa nga pala nila alam na may anak na ako. I just kept it as a secret. Siguro in the near future ko na sasabihin sa kanila. Just not now. Baka makarating pa sa kanya...
"So, ganun? Iiwan niyo ako dito? Hindi maari! Sasabay na ako sa inyoooo!", May paghihisteryang sabi ni Loisa. Baliw talaga itong babaeng ito.
Palabas na kami nang makita ni Gail si 'Sir'. Nakasmirk na naman. Hanggang kailan kaya mawawala ang smirk ng taong ito?
Kasama pala niya mga ka-department na namin kaya nawala sa room.
"Sir! Aalis na po kami ah. See you next week po." sabi ni Loisa in behalf of us.
Idinako ko ang paningin ko sa ibang mga tao na nandoon sa loob ng bar para mawala ang namumuong tensyon sa sarili ko na siguradong kami lang ang nakakaalam.
"It's okay. See you next week, then."
"Ahh, Sir si Veron po pala. One of the accountants natin. Hindi niyo pa po kasi siya nakikilala" Gail naman eh! Pinakilala pa ako sa isang ito.
"It's my pleasure to meet you, Veron" may diin talaga ang pagbigkas niya ng 'Veron'.
Tinanggap ko na rin ang kamay niya. Masabihan pa ako ng bastos at alam kong nakatingin yung Mean girls, WE(working edition, masyadong mahaba eh. hahaha).
Nagtagpo na naman ang aming mga mata at parang may kuryente noong nagshake-hands kami.
"Nice meeting you Sir" isang ngiting alanganin lang ang naibigay ko sa kanya.
It's too much. Gusto ko na talagang umuwi. Pero bago kami umalis..
Hinawakan niya ang braso ko at may ibinulong,
"We meet, again, Rian. Miss me?" , with a smirk on his face
---
...Rian...
...Miss me?...
...Miss me?...
That smirking jerk!
Di pa rin nagbabago! Kumukulo pa rin ang dugo ko pagginagamitan niya ako ng ganun style sa pakikipag-usap sa akin.
Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin makatulog dahil sa lalaking yun. Urrgghhh!
Kailangan ko nang matulog, maaga ko pa susunduin si Cy at bonding namin tomorrow.
But, did I really miss him?
BINABASA MO ANG
My Son's Father is my Boss
Ficción GeneralIs there a possibility of backing out because your mind say so? Or just do whatever you have to because it is your heart say so? *This is a Filipino/Tagalog-language story* :)