Isang linggo na ang dumaan simula nung unang araw ng pasukan. Marami akong nakilala at naging bagong kaibigan pero still hanggang friends ko lang sila kase iisa lang naman ang bestfriend ko. Sad to say lang na malayo kami sa isa't isa pero di naman kami nawawalan ng komunikasyon.
Mula Batangas kung saan ako nakatira ay lumuwas ako ng Manila para pag aralin ng Tito ko. College na ko so mahirap para sa tulad kong simple lang ang buhay na magpatuloy sa pagaaral habang isang pintor lang ang ama mo tapos may anim ka pang kapatid na nagaaral tulad mo! Oh diba ang dami namin, ang sipag kase gumawa ng mga magulang ko. Sineryoso lang naman nila yung salitang 'humayo kayo at magpakarami'.
(^__^)
Pangalawa ako sa matanda. Ang Ate ko ay graduating na habang ang nagiisa naming kapatid na lalaki ay nasa high school at ang mga sumunod ay sa elementarya.
Kaya naman kinailangan kong makipagsapalaran dito. Hindi naging madali nung una dahil baguhan lang ako pero habang tumatagal ay nasasanay na din ako.
Naging maayos naman ang unang linggo ko.
Sana..
Kung hindi lang ako ginugulo ng hambog na yun!
(—_—)
Pero sa totoo lang wala naman syang ginagawang masama pero bakit naiinis ako? Pag ngumingiti sya naaasar ako! Pag nasa paligid sya naaalibadbaran ako! Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko!!
Bakit!?
Ewan. Basta hindi ako komportable sa kanya. Masyado syang mahangin! Mayabang, hambog, at GGSS! Gwapong gwapo sa sarili.
(-___-)
'Tss..'
Nandito ako ngayon sa canteen at naghahanap ng makakain dahil gutom na gutom na talaga ako. Sa pagmamadali ko kase kanina ay nakalimutan kong kumain bago umalis ng bahay.. Pero ilang minuto na din ako dito at wala naman akong magustuhan.
'Makabalik na nga lang sa room.'
Naglalakad na ko palabas ng canteen ng..
"Aray! Ano ba!?"
(o__O)
Huh? Napatingin ako sa lalaking nadanggil ko lang ng mahina. Oo, mahina.
Speaking of.
Kaya naman pala pagkaarte arte--Nadanggil mo lang ng kaunti kung makareact dinaig pa ang tumilapon!
Nakakapanggigil!!
"Tanga ka ba? Bulag o pareho!?" Tanong ko.
Kumunot naman ang noo nya sa tanong ko. "What!?" Galit nyang sabi. "Ikaw ang tanga dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw nya.
Aba! Aba!
"Tanga! Hindi mo ba nakikitang EXIT to at ang ENTRANCE ay doon sa kabilang pinto!" Sigaw ko din.
Paano ba naman kasi.. Dito sila papasok sa exit kung di ba naman sila mga sira ulo! Ano pang silbi ng sign na 'exit' at 'entrance' kung di naman nasusunod. Tapos kapag may nakabunggo sa kanya, sya pa ang may gana magalit!
"Nakakalalake ka na ah." Sabi nya at lumapit saken.
LUNOK!
Ang lapit!!
(>>__<<)
Sa sobrang lapit nya ay halos amoy na amoy ko na sya at ang bango bango nya!
Eh?
"Lumayo ka nga--" Mabilis akong umatras pero agad ding napabalik nung higitin nya ako sa bewang!
TUG-DUG! TUG-DUG!
YOU ARE READING
Story of Us (On Going)
RomancePaano kung ang tao'ng inantay mo ng matagal... Pagbalik may iba ng mahal? Sapat na ba ang nakaraan para maibalik ang dati'ng pagmamahalan? My name is Eila Lavigne Dela Luna and this is... The Story of Us.