Kyline's Pov:
Linggo ngayon at kailangan kong pumunta kila mama at papa kasi na miss ko na sila. Lalo na yung luto ni mama pero sana wala silang business trip ngayong linggo or kahit na anong meeting with new investor.
"Kylineeeeeee!!" dinig kong sigaw ni Aj tapos biglang bumukas ang pinto. Hingal na hingal siya na akala mo naman may kung anong nangyari.
"Bakit?" tanong ko.
"Si ano--" hiningal siya. "S-Si Xavier nasa labas kasama s-si David." utal utal niyang sabi na ikinabigla ko.
"Ano?!" usal ko at nagmamadaling bumaba.
Nakita ko sila sa labas ng pintuan habang masamang nakatingin sa kanila si Hannah. "Oh. Now talk to her without entering this house." inis na sabi nito tapos tinignan ako.
Grabe nadadalas na yung pagiging mainitin ng ulo niya.
"B-Bakit kayo nandito?" tamang tanong ko. Bumaba ako ng tuluyan sa hagdanan at lumapit sa kanila. Nasa labas kasi sila.
"Ewan ko ba dito kay Xav--"
"Shut your mouth." putol ni Xavier sa sasabihin ni David at napatawa naman ng mahina si David. "We need to talk and please 'wag mo ng paabutin ng linggo ang desisyon mo." sabi ni Xavier.
Akala niya ba madali 'to? Buti sana kung walang maapektuhan. Napakalandi naman kasi nitong lalaking 'to.
"Tara sa pool doon natin pag-usapan." sabi ko pero nag alinlangan naman sila mukhang natakot kay Hannah. "Ako nang bahala doon." sabi ko sa kanila at mukhang nakahinga naman sila ng maluwag.
Pumunta kami sa pool at umupo sa upuan kung saan malilim.
"Xavier, if you did not kissed me. Walang ganitong mangyayari." umpisa kong salita. Totoo naman kasi. "At kung hindi ka rin malandi edi sana wala ka... tayo sa ganitong sitwasyon." dugtong ko pa at napahawi sa buhok ko.
"A-Ano?! The two of you..." hindi makapaniwalang usal ni David. Parang bigla tuloy akong nahiya na para bang ayoko na makita niya pagmumukha ko.
"None of your business dude. So, shut up." sabi ni Xavier sa kaniya. "I'm not that worried but... nakasalalay ang mga financial--"
Hindi ko siya pinatapos at nagsalita. "Alam ko naman! Wala naman akong balak magsabi kung sakaling may binalak na naman 'yang baliw mong ex." sabi ko.
Bumuntong hininga si Xavier. "I really can't believe na nasa harap ako ng isang nerd para lang humingi ng tulong ko." sabi niya at umiling pa.
Sinamaan ko siya ng tingin. Okay na sana kaso yung word na 'NERD'. "Hoy Xavier baka nakakalimutan mo na may atraso ka pa sakin!" inis kong sigaw sa kaniya. Bilang ko pa yung mga panlalait niya sa akin ngayong taon at on going pa.
Una yung sa park na nilait ako.
Pangalawa paghalik sa akin ng ilang beses.
Pangatlo itong ngayon.
Balak pa niya atang dagdagan mga kasalanan niya sakin.
(-.-)
Tinignan naman ni David si Xavier at yung tingin niya na lagot-ka-dude-look.
"Nangyari na 'yon so lets just forget it--" di ko siya pinatapos.
"Forgetin mo mukha mo! Letse kahit hindi 'yon ang first kiss ko wala kang karapatan na magnakaw ng halik sa akin. Nakakainis ka naman!" inis kong sabi. "Umalis na nga kayo dito." sabay tulak ko sa kanila hanggang sa mapatayo sila.
BINABASA MO ANG
That's My Nerd (C O M P L E T E D)
Novela JuvenilKyline wants to live a normal life. No mess or anything bad. He wanted to be normal but it didn't seem like a good decision. She's trying to be one good girl, friend and also a daughter. Mananatili na lang nga ba siya sa ganoon o babalik rin siya sa...