EPISODE 1 PART 7 - ISIAH

57 0 0
                                    

#AGBGIsiah


ISIAH's POV

Sa araw-araw na lang dito sa School na 'to madalas ko naririnig ang mga Mondroadou... Ay 'di lang pala madalas... Oras-oras pala.. As in oras-oras Ayyzttt.

"Isiah!"

Napalingon agad ako sa tumawag sa'kin, and 'yong pinakamagandang babae sa school na 'to ang nakita ko.

"Victoria!"

Tumakbo siya papunta sa'kin, haayyy siya na yata ang pinakamagandang babae sa buong school, at lahat ng mga lalaki pinapangarap siya.

"Anneyoung."

Sabay yuko niya sa'kin, at gano'n din ako sa kanya. Bilang isang Filipino-Korean nationality na tulad namin, kailangan namin panatilihin at pahalagahan ang mga kultura ng bawat panig, bilang isang Pilipino, at isang Korean.

"Ah Victoria may kailangan ka ba?"

Ngumiti muna siya sa'kin, ayyy nako 'yong mga ngiti na 'yan, 'yan ang mga ngiti na dumudurog sa puso ng mga kalalakihan.

Tulad ngayon sa nangyayari sa paligid ko, Ang mga lalaki na 'to parang mga asong ulol kakasunod kay Victoria... Ayyytz!

"Yahhhh!"

Sigaw ko, at nagulat naman ang mga lalaki sa paligid ko at gano'n din naman si Victoria na palingon-lingon din sa paligid niya.

"Sorry..." wika ko sa kanya pero hinarap ko muna ang mga lalaking kanina pa sunod ng sunod kay Victoria na parang mga zombie na sunod ng sunod at naamoy ang dugo nito. "Hoy! Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw at ikaw!" Turo ko isa-isa sa mga lalaki na sunod ng sunod kay Victoria, tinuro din nila mga sarili nila na para bang sinasabi nilang 'ako?'

"Oo kayo!! Aytz ano ba kayo mga aso?! Para kayong mga asong uhaw na uhaw... Magsilayas nga kayo! Mga manyak! Alis!" pagtataboy ko sa kanila.

"Inggit ka lang seguro kasi walang sumusunod sa'yo kasi pangit ka!"

Wika sakin no'ng isang lalaki, sabay tawanan silang lahat, ayytzz wala naman akong sinabi na maganda ako loko 'to, tskk, aba, gusto ata makatikim sa'kin 'to...

"Ayyytz, sino ba nagsabing maganda ako? Ako ba? At alam kong pangit ako 'wag mo na ulit-ulitin... Unlimited ka ba? Unli at kelangan ulit-ulitin?"

Tinaas ko bahagya ang sleeves ng uniform ko sabay pinatunog ang mga daliri ko na para bang akto na akong manununtok.

Nag-atrasan sila ng dahan-dahan habang ako papalapit nang papalapit sa kanila.

"Medyo matagal-tagal na akong 'di nakakasuntok ei, 'di ko na rin masyado nagagamit ang martial arts ko, sino sa inyo ang unang sasampolan ko? Hmmm... Ikaw ba? Ikaw? Ikaw? Ikaw? O ikaw? " tanong ko habang patuloy na pinapatunog mga daliri ko.

"Pare, black belter 'yan at kasali sa international competation, at 10x defending champion, pare walang knock out."

Wow nakaka-flattered naman ang mga compliment na 'yan, nakakataba ng puso, ang sweet naman nila at tandang-tanda pa nila, nakakakilig, pati mga lamang loob ko kinilig sa nga papuri ng mga kumag.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon