Ika-sampung Kabanata

170 4 2
                                    

"Ahh.Abnoy talaga yun,may pa-secret secret pa.Ire-reveal din naman."sabi nito ng may ngiti na sa mga labi.

"Parang ikaw.Manhid pa."sabi ni Patrick na sa sobrang kabingihan ni Joriza ay di niya narinig.

"Ano?"wala ng nasabi si Patrick at bumuntong hininga na lang at tumayo na.

"Tara."haya niya kay Joriza sa pagkasarap-sarap na nakaupo sa bermuda grass.

"Ano tayo?"daglit niya sa 'Aano tayo?' habang nakatingala kay Patrick dahil nga tumayo na siya.

*Patrick's POV*

"Bagay tayo!Tss."I said with a serious face then she stared at me quitely.I thought that she took that seriously.Tss.Joker nga pala at manhid 'tong kausap ko bat ba ako nagseseryoso?Abnoy nga pala siya.And I think its better na di niya narinig,I'm not absolutely,completely sure.

Pagkatapos ng mga tatlong segundong titigan..

"Ay!Ang corny,di bagay sayo mag-joke.Umano ka nga pala dito?"tanong niya sabay tayo,dahil halata namang nangawit na siyang kakatingala.

"Wala napadaan lang."I answered shortly na obviously,di niya pinaniwalaan.

"Hanep!Sa sementeryo ka napadaan?Ano 'to mall?Hahaha."

"You know,Minsan tuloy no,I mean everytime.Natatanong ko sa sarili ko na..."and I took a step closer to her.Oops!CORNER.*insert evil laugh here*

*Joriza's POV*

"You know,Minsan tuloy No,I mean everytime.Natatanong ko sa sarili ko na..."tapos humakbang siya papalapit sa akin.

Tapos hinawakan niya ako sa pisngi habang papalapit sakin,ako naman feeling ko sasabog ako sa init ng mukha ko.

"Na..."lumapit siya sa tenga at bumulong "Abnormal ka ba talaga?"at inalis ang kalapitan namin sa isa't isa.

"Idi*t!Don't worry,we're just same.Ako?Every millisecond of my life since nakilala kita."huhuhu!Tae,pahiya pa ako dahil sa tingin ko ay pulang pula na ako, di na ako nakatingin sa kanya pagkatapos kong sabihin yun.

"Oyy!You're blushing.You are expecting some kiss noh?Second kiss?You want?HAHAHAHAHAHAHA!"oo na -____-# pahiya na ako.Lintik 'to trip pala ako.Di man lang sinabi nang handa ako.

"Haaaay!Hirap ng abnoy."I said ng di mahalatang dissappointed.

"Haay!Kaya ako napunta dito dahil nga dapat susunduin kita e,na-late ako nakita kita sumakay ng tricycle di na kita tinawag kaya sinundan kita." Akala ko ba naman ini-stalk nia ako.So sad :( haha.

"Bakit mo ako susunduin dapat?"

"Boring e."

"Uyy!Aminin mo, di na kumpleto araw mo pag wala ako noh?"sabi ko sabay kiliti sa gilid niya.

"Tss.Mahiya ka naman!Wala kasi akong mapag-tripan."

"Salbahe mo!Lagot ka kila mama at papa."

Tumingin siya sa lapida,umupo siya at nag-monologue.

"Ayy,sorry po.Don't worry po, di ko po pababayaan 'tong abnormal na 'to kahit na siya dapat ang magiging alalay ko tsaka po pakisabi naman sa anak niyong,masyado na po siyang amazona,napaka-abnoy po.Hahaha!Tsaka wag niyo pong hahayaang lumapit siya kay Ken,cassanova po yun kahit hindi pogi.Ewan po,dahil yata sa ka-abnormalan nito kaya masarap kasama."sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa lapida habang naka-upo.

*3rd Person*

Napatulala na lang si Joriza sa mga sinabi ni Patrick feeling niya ay boyfriend niya na ito kahit na napaka-assuming pakinggan dahil wala daw itong pag-asa mapunta sa kanya sa pangako nitong hindi siya pababayaan ay na-feel niyang safe siya rito,masaya at may pag-aalinlangan sa nararamdaman,pag-aalinglangan na gusto niyang alisin na,dahil nga kasama pa siya nito na hahanapin at bubuoin ang na-antalang relasyon na walang dahilan kung bakit nawala o na-udlot.

Gusto niyang tulungan si Patrick sa paghahanap kay Zeena dahil ayon naman talaga ang una nilang goal pero dumaan nga araw na lumalin at nagkaroon na ng space si Patrick sa puso niya.Di niya na maintidihan ang nararamdaman,parang gusto niyang di na magkita ang dalawa , na sana siya na lang.Sa di malamang dahilan bigla na lang siyang nag-hesitate na-imagine niya kung dadating na lang maya-maya o bukas si Zeena?

Alam niya sa pagdating ng minuto,oras at araw ay lalalim at lalalim ang nararamdaamn niya kay Patrick dahil nga bumait at naging maalaga ito sa kanya,naisip niya na sa pagdating na nga ng panahon na halos di niya na kayang mawala at masanay na siya na nasa tabi niya si Patrick ay doon dadating Zeena.Magbabalik ito at mawawala siya sa pelikula kung saan si Zeena at si Patrick ang bida at sa palabas na.iyon ay ekstra lamang siya.

"Oyy!Napatulala ka nanaman sa ka-gwapuhan ko."biglang umupo at niyakap siya ni Joriza ng pagka-higpit-higpit,nagulat si Patrick pero ginantihan niya rin ito ng yakap.

Nararamdaman din ni Patrick ang lungkot nito na akala niya ay dahil sa magulang.Masaya siya na sa kanya yumakap ang babae.Feeling niya pinagkakatiwalaan siya nito.Sandali lang ay naramdaman niya ang patak ng luha nito mula sa balikat niya.

Kahit si Joriza ,nagising na lang siya sa mga ginawa niya noong tumulo ang mga luha sa mga mata niya kanina.Alam niyang napaka-OA niya,ayaw niya sa mga taong OA pero siya naramdaman niya kahit na naiinis siya sa sarili niya , napaka-OA niya,umiiyak siya,secretary lang naman siya nito kaya't wala siya karapatan.Siya lang naman ang dapat sisihin sa mga nararamdaman niya,siya ang may kasalanan kung bakit na-attached siya rito,di niya kasi naisip na darating ang araw na maguguluhan siya sa nararamdaman niya.'Love is unexplainable.'tama nga ang definition niya sa love,gulong-gulo siya gusto niyang sabihin pero wala siyang lakas ng loob dahil sigurado daw na rejected siya.

"Oyy!Sabi ng mahal ka ng magulang mo e.Magtigil ka nga lalo kang susura.Ano bang problema mo?"umisip agad siya ng palusot dito.

"Gusto ko lang magpa-thank you."palusot niya dito.

"E bat ka umiiyak?"muli,umisip ulit siya ng palusot.

"Wala na-touch lang ako."

"Drama mo,tara na may trabaho pa."sabay hila niya ng kamay ni Joriza at pumunta na sa kotse niya.

In-start niya na ang kotse at pinaandar na ito.Imbis na sa daan papuntang company ang pinuntahan sa di-pamilyar na daan idinaan ni Patrick ang kotse.Huminto sila sa isang mall.

"Aano tayo dito?"tanong ni Joriza pagkababa na pagkababa sa kotse.

"Magsisimba."sarkastiko nitong sabi.

"Okay."sabi ni Joriza sabay irap.

"Syempre,umaano ba sa mall?Malamang may bibilhin tayong dito mabibili."sagot ni Patrick habang nakapamulsa at naglalakad na papuntang entrace ng mall,walang nagawa si Joriza kundi sumunod si Joriza at habulin ito.

"Eto nanaman ba role ko?Tiga-habol mo?"sabi ni Joriza ng pabulong.

"Are you saying something?"sobrang talas naman pal ng pandinig nitong lalaking 'to,sabi niya sa sarili.

"Wala,ang bilis mong maglakad sabi ko."

Sa paglalakad nila,napunta sila sa ladies wear shop.

May lumapit agad sa kanilang saleslady.

"Good morning ma'am and sir."masigla nitong bati.

"Good morning."sabay nilang tugon.

"Miss,the most beautiful and most elegant dress for her."sabi ni Patrick sa saleslady.

"Ok po sir."sabi nito na aktong pupunta na sana sa kanilang stock room.

"Color red."dugtong ni Patrick.

"Okay sir.Let's go ma'am."sabi ng saleslady pagkalingon sa kanila.

"Aano na naman ba?!"gulong-gulo na tanong ni Joriza.

"You'll act like a farmer."tapos tinalikuran na niya si Joriza at humarap sa mga paninda na wari mo ay namimili kahit na lahat ng iyon ay pambabae lang.

Wala ng nagawa si Joriza sa ka-pilosopohan at ka-sarkastiko ng kanyang boss kaya sumunod na lang siya sa saleslady at pinakita ang napili ng saleslady para sa kanya na sang-ayon naman siya dahil napaka-elegante nga nito at napakaganda.

*Author's Epal*

Oo na!Nung ni-review ko yung mga stories ay ang daming typo!Haha.Sorry na.At ang chapter na ito ay dedicated pinakamamahal kong reader na si Kathrina Buensuceso ;*

Comments and Vote ;)

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon