KACEY

58 4 2
                                    

Si Kacey ay isang napakabait na bata. Madasalin, marespeto, matalino at palakaibigan. Isa siya sa pinaka matalik kong kaibigan, kaya kilalang kilala ko siya. Sa aming barkada, siya ang pinakamaganda, pinakamatalino, pinakamaingay at higit sa lahat siya ang pinaka maaasahan. Kadalasan, siya ang nagbibigay ng kasiyahan sa barkada dahil sa kanyang mga corny jokes. Kung wala nga siya, tahimik siguro ang barkada.

        Ngunit ngayon, nagbago na siya. Palagi na siyang wala sa sarili. Minsan nga, nakikita ko siyang malayo ang tinitingnan at tila may malalim na iniisip at minsan nga ay may sinusulat sa palagi niyang dalang notebook. Huli na siyang pumapasok sa klase at kapag may pasulit ay ang baba ng kanyang mga marka. Nag-iba rin ang kanyang mukha. Napakakalat na ng kanyang buhok at maiitim na ang kanyang mga mata. Lumalaki na rin ang kanyang eyebags at nawalan rin siya ng self-confidence. Di na siya ang Kacey na nakilala ko.

        Ilang linggo nang hindi pumapasok si Kacey. Nag-alala ang  buong barkada sa kanya. Dahil iisa lang ang subdivision na aming tinitirhan, nagplano akong puntahan siya sa kanilang bahay at kamustahin. Lubha na ang pag-alala ko dahil ang lasingera niyang ina at ang kinakasama nito ang kasama niya sa bahay. Pagdating ko sa tapat ng kanilang bahay, nakita kong patay ang ilaw sa sala at tila ilaw lamang sa kuwarto ni Kacey ang lumiliwanag. Inisip ko na nandito si Kacey, kaya nag doorbell ako. Paulit ulit akong nag doorbell ngunit walang sumasagot. Naisipan kong pumasok nalang sa loob, tutal kilala naman ako ng nanay niya. Pag bukas ko ng pintuan, amoy agad ng alak ang sumalubong sa akin. Nakita kong ang kalat ng sala nila at may mga bote pa ng alak na walang laman. Mayroon ring mga yosi na nakakalat sa sahig. Tinawag ko si Kacey. Hinanap ko siya sa kusina, sa banyo, at sa likod bahay ngunit di ko siya mahanap. Ang lakas na ng kabog sa aking dibdib. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumunta sa kuwarto ni Kacey. Ayun, nakita ko ang kawawa kong kaibigan. Nag dalawang isip pa akong siya nga ba ang matalik kong kaibigan dahil malaki ang pinagbago niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at paulit-ulit na inuuntog ang ulo sa dingding. Napakasakit tingnan ng aking kaibigan. Napaluha ako habang ako’y  papalapit sa kanya.

Pinigilan ko siya sa kanyang ginagawa ngunit di siya papigil. Patuloy niyang inuuntog ang ulo kahit ito’y nasasaktan at unti unti nag durugo ang noo. Napakasakit talaga ng aking dibdib. Lumuha ako ng lumuha habang ako’y nakayakap sa kanya.

“Kacey, si Bevs ito.” Sabi ko sa kanya.

“Di ko na kaya! Di ko na kaya!” iyak niya.

“Tama na. Andito na ako. Huwag kang mag-alala.” Patuloy ko pa rin siyang niyakap. Humigpit ang yakap ko sa kanya ngunit umiiwas pa rin siya. Napansin kong may basa akong naramdaman sa damit ko. Dun’ ko lang nalaman na ito pala ay dugo. Napakaraming dugo. Sinundan ko ito ng tingin at ito’y nanggaling pala sa kamay ng aking kaibigan. Namutla siya. Di ko na alam ang aking gagawin. Ang nasa isip ko lamang ng oras na iyon ay tutulungan ko ang aking kaibigan. Agad kong tinabunan ng tela ang kanyang nilaslas niyang kamay at agad na tumawag ng emergency.

        Di nagtagal ay nawalan ng malay si Kacey. Buti na lang ay dumating ang ambulansya at ang daddy ko. Umiyak lang ako ng umiyak habang tinitingnan si Kacey na nakahiga sa ambulansya. Pag dating sa ospital ay ginamot agad siya. Ilang beses naming tinawagan ang ina ni Kacey ngunit hindi ito makontakt.

Buti naman at nalunasan ang kanyang sugat at mabilis rin siyang gumaling. Ngunit kahit gumaling ang kanyang sugat ay kailangan pa siya sumailalim sa pagsusuri ng isang Psychiatrist. Siguro malaki ang maitutulong ng doctor na iyon para sa aking kaibigan. Sabi ng doctor ay kailangan dalhin siya sa mental hospital kasi wala naman rin daw mag aalaga sa kanya na kapamilya. Hiniling ko sana sa aking mga magulang na ako ang mag-aalaga ngunit hindi sila papayag. Sana tuluyan ng gumaling si Kayce.

Ilang araw akong di pumasok dahil sa nangyari. Naapektuhan rin ang barkada. Pag balik ko sa klase, nag-usap ang barkada at nagplano kaming mag linis sa bahay nina Kayce at kunin ang iba niyang gamit upang dalhin sa mental hospital. Nag assign kami kung saan kami maglilinis. Nagboluntaryo ako na ako ang maglilinis sa kuwarto ni Kayce. Pagkatapos ko mag walis at magpunas ay kinuha ko ang mga damit niya sa kanyang cabinet. Napansin ko ang isang notebook na palaging dinadala ni Kayce noon. Dahil na curious ako, binuksan ko ito. Nakita ko ang mga larawan namin nung kami ay mga bata pa. Ito pala ay diary ni Kayce. Binasa ko ito. Nakasulat pa dito ang mga masasayang alaala naming magbarkada. Binasa ko ang araw nang  nagsimula siyang nagbago.

Napaiyak ako. Sumakit uli ang dibdib ko na tila ito’y sasabog kapag tumagal. Nakasulat dito na mula unang araw na nakilala niya ang kinakasama ng kanyang ina ay malakas ang kutob niya na gumagawa ito ng masama. At di siya nagkamali dahil nalaman niyang nagtitinda pala ito ng illegal na droga. Binantaan pa siya na kapag siya ay magsumbong ay makakatikim siya. Pinatinda rin siya ng mga ito at ang pinakamasaklap pa ay pinatikim siya nito. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil bubugbugin siya. Nung ilang linggo siyang absent ay may malaswang nangyari sa kanya. Nag away ang kanyang ina at tatay-tatay dahil nambabae daw ito. Sinabi ng kanyang tatay-tatayan ay kaya raw ito nambabae kasi sawa na siya sa ina ni Kacey. Ang salbaheng ina naman ni Kayce ay nakiusap sa kinakasama na si Kayce na lang daw, huwag lang ang ibang babae. Dahil dalaga na si Kayce at lumabas na ang ganda nito, nagpasya ang tatay-tatayan niya. Ginahasa si Kayce ng salbahe. Hindi lang daw isang beses ngunit maraming beses pa. Iyak ako ng iyak habang nagbabasa. Sasabog na talaga ang dibdib ko. Awang awa ako sa aking kaibigan.

Nagwakas daw ang kalbaryong ito nang lumayas ang ina at kinakasama nito dahil pinaghahanap ng mga pulis ng dahil sa pagtitinda ng droga. Mula noon, nagmukmok si Kacey.

Di ko namalayan na niyakap na pala ako ng aking mga kaibigan. Sinisisi ko ang aking sarili dahil bilang kaibigan ni Kayce ay dapat ko siyang tinulungan at pino-protektahan.

Pumunta na kami sa hospital at binisita siya. Sabi ng doctor ay buntis daw siya ng 3 linggo. Napaiyak na naman ako. Kawawa talaga ang kaibigan ko. Patuloy pa rin siyang ginagamot.

Pagkalipas ng 9 na buwan ay nanganak siya. Di niya ito mataggap dahil anak raw ito ng demonyo. Pinagpasyahan namin na ibigay sa amponan ang bata. Pareho akong naawa sa bata at kay Kayce.  Di parin natitino ang isipan ni Kayce at tuluyan na itong na baliw. Habang ako ay bumibisita sa kanya, bumubisita rin ako sa bata.

Ngayon ay 15 taon na ang nakalipas mula ng pangyayari. Nagkatrabaho na ako at patuloy pa rin bumibisita kay Kayce. Kahit di bumalik ang Kayce na nakasanayan ko ay nagkaroon naman ng Kayce na mas matatag. Pagkatapos kong bisitahin si Kayce ay binisita ko ang anak niya. Malaki na ito. Nakikita ko sa kanya ang Kayce na kaibigan ko noon na maganda, matalino at mabait. Sabi naman ng isang madre na nagbabantay sa kanila ay maganda naman ang pamumuhay ni Kirby. Naging tagapag turo pa nga daw ito sa mga maliliit na mga bata tungkol sa relihiyon. At sabi pa nga daw niyo na gusto rin niyang maging madre kapag siya ay lumaki na.

Nasiyahan ako. Sa wakas, nawakasan na ang mapait na buhay na dinanas ng pagkakaibigan namin ni Kayce at sana patuloy itong mapalitan na magagandang istorya. Natutunan ko na ang magkaibigan ay dapat magtutulungan sa umpisa hanggang sa katapusan.  Our friendship is for infinity and beyond Kacey.

        

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KACEYWhere stories live. Discover now