Jung so POV
Nagpasya akong ilipat na si Chichi sa bahay mula sa hospital. At dahil sa kagustuhan na rin ng parents ko. Sila na ang kusang naghired ng maraming bodyguard pati mga maid ay nag hired na din sila. Tatlong beses sa isang linggo naman pumupunta ang doctor para tignan si chichi.
Masasabi kong mabait ang parents ko dahil kahit sinusuway ko sila ay nandyan pa rin sila nakasuporta sa akin.Napansin ko na maganda ang sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto ni Chichi. Dimungaw ako at huminga ng malalim.
"Chi see...the sun is bright" sabi ko sabay lingon kay chichi.
Natulala ako sa nakita ko. Nakadilat na si chichi, nilapitan ko siya agad.
"Chi your awake!!" nakangiting sabi ko. Pati si yaya na papasok ng pinto ay nagulat sa sinabi ko, lumapit din siya kay chichi.
"Jung so??..........Nasan na ako?" tanong niya sabay kapa ng balikat ko.
Yun ang unang beses na narinig ko ulit ang boses ni chichi.
"Chi your home" sagot ko sabay yakap sa kanya. Pati si yaya ay naiiyak na nakangiti.
"Si mama?....papa?.. kuya?" tanong niya. Kasunod nun ang paghikbi niya.
Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit ramdam ko ang pag iyak niya. Parang tumatagos sa akin ang lungkot na nararamdaman niya habang nakayakap ako sa kanya.Kasunod nun ang pagtulo ng luha ko.
Narinig kong lumabas si yaya ng pinto, umiiyak na siya, hindi niya kinaya ang kalungkutan."Chi psst.. dont cry" pag-aalo ko habang hinahagod ang likod niya.
Napayakap na lang siya. Ilang minuto din kaming nakayakap sa isat-isa.
"Natatakot ako" sabi niya, parang nanginginig ang buong katawan niya, naalala niya yata ang pananakit ni Yumi.
"Wala nang mananakit sayo" sabi ko habang lumuluha.
Hindi ako umalis sa tabi ni chichi nung araw ding iyon. Kahit papaano ay nagsasalita na siya hindi nga lang kagaya dati na panay ang tanong niya.
"Hindi ka pa ba napapagod?" biglang tanong niya, nahinto ako sa pagaayos ng kumot niya.
"Hindi chi, ang importante ay gumaling ka" sabi ko sabay ngiti. Kahit pala pagngiti ko ay di niya nakikita.
Tumango lang siya. Kinapa niya ang mga kamay kong nasa gilid."Salamat, hindi ko alam kung paano ibabalik sayo lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin" sabi niya, tumulo ulit ang luha niya kaya pinahid ko agad.
"Chi basta magpagaling at magpalakas ka...Yun na lang ang hiling ko sayo".Sabi ko sabay yakap sa kanya.
Pagkatapos ay hinarap ko siya. Tinignan ko ang mukha niya, kahit hindi niya ako nakikita ay alam kong alam niyang nakatitig ako sa kanya.
Ilang segundo ko siyang tinignan, nakita ko ang ngiti niya parang bumibilis ang tibok ng puso ko, sumasaya ako ng mga sandaling iyon. kaya hinalikan ko ang noo niya. Napakurap kurap siya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa ginawa ko.
"Im sorry chi" yun lang nasabi ko.Umiling siya. Kinapa niya ang mukha ko. Hinawakan niya ang noo, kilay, mata, ilong, at labi ko habang nakapikit siya, kinakabisa ang itsura ko.
"Kahit hindi kita nakikita ay kabisado ko pa rin ang itsura mo" sabi niya sabay ngiti.
Napatingin ako sa labi ni Chichi. Na-aakit ako sa manipis at kulay peach niyang lips, pati ang mga pisngi niyang pinkish ay tinitignan ko.Napailing na lang ako at nilayo ang mukha sa kanya.
"Chi dito ako sa kutson matutulog, babantayan kita" sabi ko sabay higa sa kutson na katabi ng kama niya.
Tumango siya. "Goodnight" sabi niya sabay pikit ng mata niya.
Ilang oras din akong nagpa-ikot ikot sa kutson hindi ako madalaw ng antok dahil sa pagiisip na hinalikan ko si chichi sa noo. Ilang saglit pa ay napangiti na lang ako ng di sinasadya.
________
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanfictionSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...