---------------
Chichi POV
"chi ang ganda ng mga gawa mo!"
"talaga? Salamat, dahil sayo natutunan ko itong pottering" sabi ko habang naghuhulma ng clay.
Naging libangan ko ang pottering simula nung tinuro sa akin ni Jung-so ito.
Pottering ang hidden talent ni Jung-so at minana daw niya ito sa namayapa niyang lola. Nakabalik na siya sa pagiging artista. Kaya kame lang ni yaya at mga bodyguard niya ang natitira sa bahay. Bukod sa pottering ay kumuha din si Jung-so ng tagapagturo ng Braille.
Pinilit ako ni Jung so na matutunan ang braille para habang di pa ako nakakakita ay nakakapagbasa pa rin ako. Lahat na yata ng luho ay binigay niya sa akin. Wala akong masabi sa kabaitan at malasakit na ipinapakita niya.
"Hindi ka pa ba papasok?" sabi ko. Tinulungan niya akong tumayo at pinunasan niya ang kamay kong may clay.
"No, off ko ngayon, kaya susulitin ko ang araw na ito na kasama kita.", sabi niya.
Ngumiti ako. "Araw-araw mo naman akong kasama at nakikita".
"Not really, Chi sa sobrang busy ko, gabi na ko nakakauwi, tulog ka na pag dumadating ako".
Hinawakan ko ang kamay niya. "May bago pala akong natutunan".
"Ano yon?" He asked in a soft tone of voice.
"Naalala mo yung librong binili mo sa akin na massage therapy in Braille text?".
"Yes chi".
"Natapos ko nang basahin yon kaya alam ko na kung paano mag masahe". Sabi ko sabay ngiti.
"Good, mukang marami kang natutunan chi".
"Halika try ko sayo yung massage therapy" hinatak ko ang kamay niya.
Excited akong ipakita kay jungso yung natutunan kong masahe. Pumasok kame sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanfictionSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...