Teenagers Life Series No.1 "Ang Puso Nya"

81 2 2
                                    

Prologue

What is LOVE?

Base on my observation, Love can motivate people to do such things that they wouldn’t normally do. And this Short love story of mine tells about the greatest demonstration of love – “to give your life to the person you love just like what God did”.

                Teenagers Life Series No. 5 “Ang Puso Nya” By skyprincessky

[Leah’s POV]

                Ako nga pala si Leah Nicole.  14 years old and a 4th year student. 5 years old ako nang pinasok na ko ng mama ko sa school. Para daw maagang mag graduate. Nakasakay nga pala kami ngayon sa isang bus. Papunta kasi kami sa venue ng  “Diocesan Altar Server Festival”. Altar server po kasi ako.

[AUTHORS NOTE: ang altar server po ay yung mga nakaputi na nag se-serve ng water, wine & chalice etc. sa altar ng simbahang Catoliko. ‘Altar Server’ is also known as “sacristan”]

Napaka daldal ko po. Pero ngayon, HINDI! As in HINDI! Kasi katabi ko ang 5 years ultimate crush ko na altar server din. Siya si Lendon. <3 <3Two seats lang kasi ang seats ng bus nato. Kaya napaka swerte ko at pinili nya akong maging katabi! J

Sya kasi yung inspirasyon ko para mabuhay. 5 years ago, tatalon n asana ako sa 150 feet high na tulay. Kaso pinigilan nya ako -ni Paul Warren. Kaya simula nun, sinali nya ako bilang altar server. Altar server din kasi sya. Kaya mula nun, nakilala ko si Lendon na bespren nya.  Ang Love of my life! Naks J

[Paul’s POV]

                Malapit na daw kami sabi nung driver. Halos pumutok na ko dito. Eh pano ba naman! Magkatabi sina Leah at Lendon! Naka lean pa sa balikat ni Lendon si Leah! EH SINO BA NAMAN ANG DI MAG SESELOS ? Crush ko po kasi si Leah since5 years na  nagkakilala kami. And wala akong lakas ng loob na mag tapat sa kanya. Eh pano ba naman? Palagi nalang si Lendon ang kinikwento nya sakin sa tuwing magkasama kami! At baka masira ang friendship namin pag nagtapat ako sa kanya kaya mas mabuti pang ganito nalang. Pero ang hirap eh!

After a few minutes, nakarating na kami. Pababa na kaming lahat except kina Leah at Lendon. Hindi pa kasi sila gising. Kinunan pa nga sila ng picture ng mga kasama naming eh! Pero dumeritso nako. Baka kapag nag react ako, sabihin nila na nagseselos ako. EH HINDI NAMAN DIBA?

[Lendon’s POV]

                Pababa na kami ng bus. Ginising kasi kami ng driver. Kami nalang pala ang naiwan. Papunta na kami sa waiting room namin. Isang school campus po kasi kami mag sestay. Kaya daladala naming ang mga bagahe namin. Medyo malayo na sya sakin. Siguro dahil dun sa tanong nya sakin kanina na hindi ko sinagot. Sabi nya kasi, crush daw nya ako since 5 years na daw. At ang matindi pa daw don. Eh mahal na nya daw ako. Pagkasabi nya nun, na freeze ako na parang ice. Kaya yun! Wala akung nasagot. Eh ano naman ba dapat  ang isaasagot ko? Di ba wala naman?

[Paul’s POV]

                After  3 days and 2 nights, pauwi nadin kami! WHOOO! Kapagod ng byahe! Naglaro din kasi kami ng basketball- my favorite sports. HEto na naman! Magkatabi na naman sila! Alam nyo na kung sino yun! KAINIS!!!!!!!!!! BTW, nakarating na daw kami sabi nung driver. At lahat kami palabas na except kina Leah at Lendon na nakatulog pa. GRRRRRRRRRR!!!!!!!!!!!!

[Leah’s POV]

                Naalimpungatan ako sa tinig ng isang lalaking gumigising sakin! Sino BA YON? Hehehe. Si Lendon lang pala. Kami nalang pala ang naiwan sa bus. Pagkalabas naming ng bus, tatawid pa kami para pumunta sa church ng parish namin. Tinawag ko sya. Tapos lumingon naman sya. Tapos sabi ko “ahm, Lendon, Ano na?”  sabi naman nya “anong ano na?”. “ano nang sagot mo sa sinabi ko kanina? “. Sumagot  naman sya.

[Lendon’s POV]

                Heto na naman! Na FREEZE na naman ako. Utal-utal pa akong sumagot na “Ahm, Le-Leah, So-Sorry. Ehem. Sorry—“ Hindi na nya ako pinatapos sa pagsasalita. Sabi nya “okay lang *sniff* sabi ko na nga eh, yan ang sasabihin mo.”Tinakpan nya ang mukha nya habang umiiyak patawid. Tapos…………..

[Paul’s POV]

                Halos mahimatay ako nung Makita ko si Leah na nabundol ng isang truck. Pumunta ako sa kinalalagyan nya at tumawag ng Ambulance. Malalang-malala kasi ang natamo nya. Nasa hospital na kami ngayon. Nung nasa OR na kami……….

[Leah’s POV]

                Para akong nahihilo, parang hindi na kaya ng katawan ko. Nung idinilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Lendon na umiiyak at dugu-an ang suot nyang damit. Tapos, sabi nya “Sorry Leah. Sorry kung pinahintay kita ng 5 years. Eto sana ang sasabihin ko kanina kaso di mo ako pinatapos. Ayaw ko kasing masaktan karin. 5 years ago kasi, nalaman namin na may namumu-ong tumor sa brain ko na maaring humantong sa brain cancer. Kaya sumali ako sa pagiging altar server. Palagi kong dinadasal kay Lord na sana hwag muna nya akong kunin. At ngayong year nato, tinaningan na ako ng family doctor namin. Sorry talaga. Ayoko kasing masaktan ka pag wala na ako. Sorry din kong hindi ko sinabi na mahal kita since 5 years na. I really, really LOVE you Leah. Huwag kana ulit tatalon don sa tulay nayon ha? Wala na ako para sabihin kay Paul na pigilan ka! Wala na ako para utusan si Paul na bantayan ka. Dahil din pala sa pangyayaring yun, nakilala kita. Kaya ,,, lumaban ka ha??

                Yun yung last words na narinig ko sa kanya. 6 months pala akong na coma. Mahina na kasi ang puso ko non, kaya kailangan ko ng heart transplant. At huli na ng malaman ko na wala na sya. Inabutan na sya ng taning ng buhay nya. Hindi man lang nya ako hinintay.

                Ngayon, nabubuhay ako gamit “Ang Puso Nya”.

Epilogue

                True LOVE is sacrifice.

 THE END OF THE STORY

Authors Note: Salamat po sa mga nagbasa hanggang the end of the storyJ  Sana po nagustuhan nyo at sana na gets nyo po ang theme ng story. Thank you po J Subaybayan nyo po ang lahat ng series ng “Teenagers Life”

                -Skyprincessky

[Abangan nyo po ang Teenagers Life Series No. 6. Continuation po eto ng Teenagers Life Series No.5 “Ang Puso Nya”. THANK YOU J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Teenagers Life Series No.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon