Pagbitaw

377 35 7
                                    

"Binibitawan mo na ako?" That's the only thing he uttered right after ng nobela kong pagdadrama sakanya.

"I-iiwan mo na 'ko?" His voice broke, and I can see the tears forming in his eyes. Pinipigilan niya lang na tumulo ang mga ito. Nararamdaman ko... Nararamdaman kong ayaw niyang ipakita niyang mahina siya.

"Oo, Clarence. Sorry... I'm sorry."

At 'yon ang dahilan kung bakit tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya. Nasasaktan ako; nasasaktan ako sa nakikita ko. Mahal ko ang lalaking ito. Mahal na mahal ko siya. Pero ayokong mawala ang lahat sakanya ng dahil lang sakin.

"Shi, ginagawa ko naman lahat eh. Maniwala ka. Pinaglalaban naman kita eh. Kaya ko pa, shi! Kaya ko pa. Wag naman sanang ganito. Nakikiusap ako sayo. Wag mo 'kong tratuhin ng ganito." Pakiusap niya sakin habang patuloy ang pag-iyak niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ng napakahigpit na para bang ayaw niya kong lumayo sakanya.

"Anong kailangan kong gawin para mag-stay ka? Handa akong iwan ang lahat para sa'yo, Shi. Wag lang ikaw. Wag lang ikaw." Hinila niya ako palapit sakanya at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit na para bang any moment eh mawawala ako sakanya, at ayaw niya. First time kong makita siya na ganito. Yung sobrang nagbebreak-down. Hindi ko na rin tuloy maiwasan na hindi umiyak at magbreak-down. Hindi ko na napigilan at naibuhos ko na lahat nung sandaling yun.

Tinulak ko siya palayo sakin. Humahagulgol na rin ako.

"Clarence! Tama na. Please! Pakawalan mo na ako! Hindi ko kayang isakripisyo mo ang lahat para sakin. Wala pa man ako sayo, andiyan na sila. Hindi pwedeng iwanan mo sila para lang sakin. Hindi ako papayag. Kung sa pakikipaglaban lang din naman, kaya ko. Kaya kitang ipaglaban, Rence. Pero kung buong mundo na ang tatalikod sayo nang dahil sakin... Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ang lahat sayo. Sana intindihin mo ako. Nakikiusap din ako sayo. Pakawalan mo na ako."

Hirap na hirap ang loob ko nung sinasabi ko ang mga katagang yan. At hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.

"Ano ka ba Shiela! Para kang baliw." Bulong ko sa sarili ko habang tumatawa ng konti. Pinunasan ko ang luha ko at pag-angat ko ng tingin ay saktong nakita ko siya... Ang lalaking pinakawalan ko, limang taon na ang nakalilipas. Masayang-masaya na siyang nakangingiti ngayon, habang hawak ang kamay ng isang babaeng nagpapatawa sakanya. Napakasaya nilang tignan, lalo na ni Clarence. Hindi ko maiwasang maiyak na naman sa nakikita ko.

"Baby?" Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. Si Zyril. Napangiti ako. "Okay ka lang? Ba't umiiyak ka?" Tanong niya sakin, habang pinupunasan ang mga luha ko. Ngumiti nalang ako sakanya bilang sagot. Isang totoong ngiti, at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thankyou, baby. For sticking with me until now."

(Clarence POV)

Napalingon ako sa dalawang taong magkayakap ngayon hindi kalayuan samin.

"Shi..." Bulong ko sa sarili ko, habang pinapanood ko siyang umiyak sa bisig ng isang lalaking tatlong taon ko ng nakikitang kasama niya.

"Kuya? Tara na ba?" Napalingon ako kay Angela, ang bunso kong kapatid. Ngumiti ako sakanya, at hinawakan niya ulit ang kamay ko at nagsimula na namang magbiro ng magbiro.

Hinayaan kong hilahin ako ni Angela kung saan man kami dalhin ng paa namin.

Palayo kay Shiela...

Palayo sa babaeng hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagbitawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon