Kakagising ko lang! ngayon na pala ako papasok wahhhh namimiss ko na yung mga kaibigan ko
Naligo na ako at Nagbihis ng Uniform na Hindi maluwag kundi fit pero hindi masyadong fit, Paldang above the Knee at medyas na Tama lang with Black shoes na may takong. Medyo hindi pa ako sanay sa sapatos na ganto. Hingang malalim Kaye kaya mo yan, Bumaba na ako.
"Goodmorning mommy,Kuya and Ate sophie!"bati ko sa kanila.
"Goodmorning our Princess bagay pala sayo ganyan eh!"sabi ni mommy. Napamgiti naman ako sa sinabi niya.
"Ang ganda mo talaga Riyelle!"sabi ni ate sophie. Mas maganda naman siya saken.
"Thank you!"sabi ko
"Lesbi mas bagay sayo yung dating ikaw haha"tawang-tawa na sabi ni kuya tch kainis sya.
kumain nalang ako ng marami. Spell MATAKAW here hahaha.
Hindi pala ako magcocommute ngayon kasi niregaluhan ako ni Kuya ng Sasakyan tinatanong ko nga kung para saan yung pagreregalo nya sabi nya para daw hindi ako madisgrasya at para daw hindi ako magcommute how sweet diba.
ang cool pa naman ng sasakyan na niregalo sakin ni kuya 'Lamborghini' my favorite car. marunong naman akong magdrive because my daddy thought me how to drive when i was in grades school. Pero mas sanay parin akong mag commute eh.
nakarating na ako sa parking lot ng school pagkababa ko ang daming nag titinginan saakin wow lang. Anong meron haha. First time ko ito na Titingin sila sayo at nag sparks yung mga mata nila parang dyosang dumaan ganun hahaha.
"Hello ms Beautiful can i get your number!"hindi po kinakagat yung number ko hahaha jk
"Hello single ako pwede bang maging tayo!"achuchu kuya hahaha!
"Hi ang ganda mo bago ka lang ba dito?"sabi naman nung isa. Tas naglakad na akong papuntang room.
"Hala ang ganda nya!"sabi nung girl 1
"hello ate ang pretty nyo po!"sabi nung girl 2
"Hi Gorgeous!"sabi nung girl 3, nginitian ko lang sila.
"Wahhhh malaAnghel yung mga ngiti nya wow!"sabi nung girl 4
maya-maya biglang nakasalubong ko yung retukada gurls tss.
"Hoy Bago ka lang ba dito!"sabi sakin ni Retukada ang pisnge.
hindi ko sila pinansin at tumuloy-tuloy lng ako sa paglalakad
"Huy bastos ka kinakausap ka namin!"sabi nung retukada ang lips
"Kala mo ang ganda mo huh!"tas hinila yung buhok ko ng retukada ang lips.
kainis namumuro na sila
"Ako si Riyelle!" tas sinuntok ko sila kainis eh. Nagulat sila at nag-smirk lang ako.
"Nagulat ba kayo na mas maganda ako sa inyo kaya lang naman kayo maganda dahil mga retukada kayo ay correction HINDI PALA KAYO MAGANDA MGA RETUKADA!"sabi ko sa kanila sabay alis may sinabi sila pero hindi ko narinig. At wala na kong pake.
malapit na ako sa Room ng nakasalubong ko si Mokong kasama si John tas isa pang lalaki.
"Hello Ano pangalan mo!"sabay halik sakin sa kamay nitong si John babaero talaga. Bagay talaga sila ni Liz haha, tinanggal ko naman yung kamay ko na dapat hahalikan nya.
"Ang ganda mo bago ka dito?"tanong naman sakin nung isa. Word of the day ba ang pag sabi ng ang ganda mo hahaha. Umalis na ako hindi ko sila pinansin ng biglang nagsalita si Mokong.
"Si lesbi yan"sabi niya, pasira naman tong mokong na to.
"Si Riyelle yan!"gulat na sabi ni john.
"Yung Tomboy dati, sya yan?"tanong nung isa.
Hindi nagsalita si Mokong sa mga tanong nila.
"Riyelle!"sigaw sakin ni john
umistop ako tas lumapit sila sakin
"Ikaw na ba talaga yan? wow ang ganda mo na!"sabi sakin ni john. feeling close tong si John.
"Hello Riyelle Im Drew!"sabay shake hands sakin. Ngumiti lang ako hanggang sa napadpad yung tingin ko kay Mokong na Super Cold.
"Ano dyan na lang ba kayo may practice pa tayo!"sabi ni Mokong sabay alis tss.
"Wait lang! "sabi nila John and Drew
so Drew pala ang name nun, pumunta na lang ako ng room. Pagkapasok ko
"Amh hello ate Ang ganda nyo sino po kayo?"sabi sakin nitong si Marc.
"Transferre po ba kayo?"tanung ni Rachel
"Kamag-anak nyo po ba si Riyelle?"sabi ni Quennie, ngumiti lang ako sa kanila. Natatawa ako sa reaction nila haha.
"Ano ba kayo ako si Riyelle!"sabi ko sa kanila sabay ngiti tas sila nagulat at lumaki yung mata.
"Ikaw yan Kaye ang ganda mo!"sabi ni Quennie
tumango lang ako at ngumiti tas pumunta na ako sa upuan ko.
"Amh at--"Liz
"Riyelle!!"sabay nilang sabi. Nagsparks din yung mga mata nila. Namiss ko sila sobra.
"Ikaw ba yan ang ganda mo na!"sabi ni Liz
"Sis kinabog mo kami today!"sabi ni Ania, natawa naman ako sa inasta nila.
"We miss you sis!"nasabi nila Ania, how sweet. Tas nagyakapan kami kasi super duper miss ko na ang mga baliw kong bestfriend.
____________
End of Chapter 17