Chapter 1 We're BEST friends.

7 0 0
                                    

Mag bestfriends. ✔️

Magkapitbahay. ✔️

Parehas ng bag. ✔️

Mag bestfriends ang parents, relatives. ✔️

Parehas may kotse. ✔️

Pero meron silang isa hindi magkaparehas...... Alamin at basahin.....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~~~~~~~~~~~~~~|~~~~|

Parehas sila ng gamit at kung ano-ano. Lagi silang nag pipicnic sa kanilang paboritong lugar. Lagi rin silang nag-uusap dahil magkapitbahay lang naman sila ngunit minsan hindi sila magkasundo sa kani-kanilang desisyon.

Nelia: Carla!! Tara dito at maglalaro tayo sa may tabing bukid!

Gusto ko maglaro kami ni carla dito sa tabing bukid upang maglibang sa aming sarili at maganda pa ang simoy dito ng hangin.

Carla: Ayoko sa tabing bukid halika at dito tayo sa may hardin namin!!

Ito naman si nelia may topak kita mong makulim-lim sa may tabing bukid alam kong gusto lang niya ng magandang simoy ng hangin dahil ilan beses na niya sinabi saakin niyan na maganda daw ang simoy ng hangin kaya daw niya ako laging niya-ya diyan.

Sheila (nanay ni nelia) : Oy! anak ang ingay nyo kita mong natutulog ang tatay mo pag nagisingin yan

aba wala na ko diyan baka ma-suntok ka niyan!!

Nako nelia!! Ang kulet niyang bata yan sinabihan siya ng tatay niya dati dahil nagsigawan sila ni carla eh pare-pareho namang may mga cellphone at may telepono naman jan ayaw gamitin at nung pinagalitan siya ako pa sinisi sabi hindi ko daw sinabi sa kanya na natututlog ang tatay niya.

Nelia: O sige na!! Pupunta na ko dyan sa bahay ni carla!!!

Carla: yey!!!!

Hay nako! Lagi na lang si carla ang kanyang binoboto kapag may desisyon ako. Parang mas anak pa niya si carla kesa sakin pero alam kong anak ako ng nanay ko. Nandito na ko kay carla at pupunta na sa kanilang hardin. Medyo malaki ang bahay ni carla kesa sakin pero mas masaya ang aming pamilya dahil ang kanyang mga magulang kalimitan na nag-aaway at kapag nag-aaway siya kinakausap niya si mama.

*knock* *knock*

Carla: pasok!

Nelia: O carla nandito na ako dinala ko ang iba kong mga laruan.

Eto kasi yan mas marami ang laruan ni carla kesa sakin kaya nga minsan hinihingi ko pinapayagan naman ako ni ate Darla (nanay ni carla) ewan ko ba kung bakit ganon minsan kasi ina-aaway ako ni carla kasi nga maganda yung laruan na gusto ko pero pag narinig kami ni ate Darla eh ako agad ang binoboto kaya gusto ko dito pumunta kay ate Darla pero gusto ko pa rin doon sa tabing bukid.

Carla: Nelia, may ibibgay ako sayo.

Nelia: ano yun?

Carla: eto oh bike simbolo nito ang ating friendship.. Wag mo to itatapon ah

Nelia: maraming salamat....!!!!!

( naglaro na kami ni carla)

Gabi na at matutulog na kami ng biglang tumawag si carla sa cellphone ko at first time yan haha!!

(Uy bukas magpipicnic tayo sabi ni mama sa bundok daw malapit sa barangay bulungan)

Huh? Eh tulog na si mama at papa eh gigisingin ko baka masampal pa ako. Bukas mo na lang sabihin eh gabi na maybukas pa naman kailan ba?

(Eh sa tuesday sabi eh)

Sa tuesday pa pala eh eh bakit ka ba tumawag para doon na nagising tuloy ako anong oras na oh!! 12:23 ang tindi mo !

(Eh kasi ang daming kong load na binigay sakin ni papa eh sobra-sobra daw)

Ano ka ba edi iponin mo yung load para sa mga emergency sa tuesday o kaya pag gumala tayo.

(O siya-siya sige na matulog ka na bye)

Bye!

Nako tong si Carla na naman may sira eh grabe 12 na tumawag pa. Kaya naman ako natulog ng 12 kasi nanood ako ng PBB haha kainis ang ganda kasi kakilig pero minsan kainis haha!

Best friend's bikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon