•|•TWENTY NINE•|•

37 0 0
                                    


March Sanchez

"Ano? D.I.D?", Ani Anderson

"Diba sabi ko mamaya ko na i eexplain lahat ng to? Unahin muna natin ang paghahanap kay Acel- este Justin",

Kasalukuyan kaming nasa labas ngayon, basang- basa sa ulan- de joke- sa pawis. Umatake nanaman kasi ang sakit ni Acel, At ang lumitaw si Justin, Ayun tumakbo, Delikado na okay lang sana kung si Zayn, Atlis un mantatarantado lang ng mood, Pero si Justin? UBOD NG KULIT, na pag nagpacute.. Di mo naman matitiis, O diba complicated

"Mace ikaw sa kaliwa, Andy dumiretso ka, Ako sa kanan, Tawagan nalang tayo pag nakita niyo na si Acel- Justin, Ah basta!", Tumakbo ako sa kanang bahagi

"Justin???", Tawag ko, Dahil maliit na alleyway ang nadaanan ko

"Baby?.. San ka na?", O diba nanay am peg

"Eme eme Enebe! Asan ka na?", I whined

"Justin Asta!", Sigaw ko nang makita ko siya na nagtatago sa may sulok, Nanlaki ang mga mata niya bago ito tumakbo

"Hoy!!! Sandali lang!!", tumakbo ako ng mabilis para makahabol ako sa bilis niya

"Hay! Ang bilis niya!", Ilang minuto na kaming naghahabulan at di ko pa din siya nahuhuli, Malapit nakong malagutan ng hininga. Pagod na pagod na din ako pero hindi ako pwedeng tumigil.

Nang madulas si Justin sa sahig nadapa ito kaya't napatigil ito at umiyak habang hinahawakan ang kamay niya, Tumakbo naman ako papunta sa kanya

"Justin!", Lumuhod ako sa tabi niya saka kinuha ang kamay at ipinatong sa hita ko.

"Ang sakit", Ngiwi nito

"Bakit ka ba kasi tumakbo", tanong ko, Bakas ng sermon maliwanag sa boses ko

"Akala ko kasi hindi mo ako kailangan kasi naandun mga kaibigan mo, Sanay naman na ako na maiwan mag-isa eh", Ngumiti ito habang umiiyak

Justin is Acel's whole childhood  

"Si Cent lang yung nandyan para sakin, Pero dahil nawala yung kaibigan naming babae, Naghiwalay nadin kami ni Cent", Nag-indian sit ako sa sahig saka kinuha ng panyo ko at pinunasan ang kamay niya na dumudugo

"Sino ba si Cent?", Tanong ko sa kanya

"Kuya ko.. Sana lang may kaibigan siya ngayon at hindi siya natulad sa'kin na mag-isa"

"wag ka nang malungkot.. Hindi ka nag-iisa, Nandito naman ako eh", Hinaplos ko ang mga pisngi niya, Tumingin naman ito sakin mata niya malaki at gulat na gulat, dahilan para magtaka ako

"Bakit? Anong nangyari? May masakit ba?", panimula ko

"Hindi, Yung sinabi mo kasi yung sinabi din sakin nung babae naming kaibigan dati",-Justin

"Ah talaga ba?", Tumawa ako ng kaonti

"Para kang reinration niya",-Justin

"Reincarnation ba kamo?", asar ko, Nag-pout naman ito

"Sandali nga lang, Ano ba ang pangalan niya?", Tumingin ako sa kanya

"Ahhm.. Ano.. Uh.. C-", Natigilan siya nang biglang mawalan ito ng malay.

Acel's back

"Agh..", Sabi niya habang iniikot ikot ang ulo niya saka siya napatingin sakin

"Sino?",-Acel

"Si Justin", he sighed in relief, Pansin ko na ayaw niyang si Jade, O si Zayn ang lumitaw

•|•Four Shades♦Jungkook ff•|•⚠TAGALOG⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon