Riddle's POV
Nakita ko ang Shadow Arrow ang dahilan ng pagkakabagsak ni Mind. Tinanaw ko ang direksyon kung saan nanggaling ang Shadow Arrow at nakita ko rin naman si Shadow na sa may estatwa at nakasandal.
Shadow! Paano mo kami nasundan dito?! Tanong ko sa kanya. Tumawa lamang ito tapos humarap ito sa akin habang nakatitig ang mga lilang nangingitim nitong mga mata.
Simple lang naman Riddle, akala nyo ba kayo lang ang may kakayahan na matukoy ang enerhiya ang isang nilalang? Kaya ko rin yun noh kaya ko nga kayo natunton eh. Sabi nito sa akin na may tinging pagmamayabang.
Ano ba ang kailangan mo Shadow?! Nakuha mo na ang essence na mga mortal ano pa ba?! Tanong ko sa kanya na galit na galit ang aking pakiramdam.
Riddle wag ka nang magmaang maangan kung ano pa ang kailangan ko! Alam mong kailangan ko ang libro mo para mabuksan ang Riddle World kaya ibigay mo na ito sa akin! Paangil nitong sabi. Alam ko naman talaga na kailangan nya yung libro ko. Sadyang yun na lang ang nasabi ko dahil nakuha nya na ang essence ng mga mortal, nanloko at gumamit pa sya ng mortal para makakuha ng essence ng tao tapos nagawa pa nyang patamaan si Mind ng Shadow Arrow.
Hinding hindi ko ibibigay ang libro Shadow. Hindi ko hahayaan na makuha mo ang mga codex at mabuksan mo ang gate of Oblivion at gawin ang balak mo! Buong lakas kong sabi sa kanya. Kailangan kong maging matatag ngayon dahil nakasalalay dito ng kaligtasan ng mga mundo.
Kung gayon ay humanda ka makukuha ko rin sa iyo iyan! Awakensus!
Tinamaan nya ng enerhiya ang lahat ng mga estatwa sa Luneta Park at isa isa silang nagkaroon ng nanlilisik na lilang nangingitim na mata at kulay biyuleta ang katawan nila. Umalis ang mga estatwa sa kanilang lugar at nabuhay na parang tao habang iwinawasiwas ang kanilang armas.
Mga Estatwa! Palibutan ninyo si Riddle at labanan nyo yan hanggang sa manghina at ibigay ang libro ng Bugtong Bugtong!
Agad namang sumunod ang mga estatwa habang si Mind ay hindi pa rin nabangon. Eto yata ang epekto ng Shadow Arrow kaya hindi ito nagising. Sandali lang ito Mind, pagkatapos nito ay tatakas tayo at dadalhin kita sa ligtas na lugar
Kung iyan ang gusto ninyo, pagbibigyan ko kayo! Light Sword!
Itinaas ko ang aking kamay at lumitaw naman ang aking espada na gawa sa liwanag at naghanda na akong lumaban sa kanila.
Sumugod ang isang estatwa at ipinulos ang kanyang sibat ngunit nakailag agad ako. Hinampas ko sya ng aking espada at agad naman syang nahati. One down and Fourteen more to go.
Sumugod pa ang dalawa sa kanila at nakailag din ako sa kanilang dalawa. Hinampas ako ng isa ng espada at sinangga ko sya gamit din ang aking espada. Tapos ay sinipa ko sya at hinarap ang isa at tinusok ko sya sa bandang tyan at ang isa naman kanina ay tinusok ko din habang sya ay nakahiga sa lupa.
Patuloy lang ako sa pagtusok at pag ilag sa mga estatwa hanggang sa naubos na silang lahat. Ang kanilang katawan ay warak warak at nakawala na sa salamangka ni Shadow. Kita ko sa kanya ang galit ng mukha niya dahil nabigo ang mga awakened statues.
Paano ba yan Shadow mukhang ubos na ang alagad mo. Asar ko sa kanya na mas lalo nyang kinagigil.
Arghhh! Hypno Wave! Naglabas sya ng hypnotic waves mula sa palad nya upang patamaan ako. Iwinasiwas ko ang aking espada at pinaikot ikot ito ng mabilis at nang tumama na ang hypno waves ay tumalbog lang ito pabalik sa kanya at..
Ahhhhh! Tumalsik sya at dumausdos sya sa sementadong sahig. Huh! Dapat lang sayo yan Witch!
Sinamantala ko naman ang pagkakataon na iyon upang hawakan patayo si Mind at gamitin ang paglalaho.
Lumitaw kami sa isang tapat ng malaking pulang building pero hindi ko alam kung ano. Pero ang mahalaga ay nakalayo na kami kay Shadow. Tinanggal ko naman ang Shadow Arrow at dinisperse ko ito gamit ang light magic ko. Mabuti nalang at sa sulok kami lumitaw kaya walang nakakita ng aming pagkalitaw.
Mind! Mind! Ayos ka lang ba? Tanong ko sa kanya nang unti unti lumitaw ang kanyang mata.
Nasaan tayo? Anong nangyari Riddle?! Tanong nito sa akin ng malakas habang nakahawak sa braso ko.
Inatake ka ni Shadow gamit ang Shadow Arrow kaya ka nahimatay. Inatake tayo ni Shadow at natunton nya kung nasaan tayo. Pagbalita ko na ikinalaki ng mata niya.
Nasundan tayo ni Shadow! Panigurado na hindi yun susuko na kunin ang libro. Kailangan hindi na muling magkrus ang landas natin sa kanya. Nag aalalang sabi nya sa akin.
Huwag kang mag alala, hindi ko hahayaan na makuha niya ang libro pati na ang mga codex. Sa ngayon ay humanap na tayo ng mapapahingahan dahil malalim na ang gabi. Suhestiyon ko dahil pagod na rin si Mind at kailangan namin ng pahinga pareho.
Ngunit Riddle, saan tayo magpapahinga? Wala naman tayong sariling tirahan rito at wala rin tayong kakilala dito. Sabi nya. Alam ko na syempre ang sagot dyan, e di mag hotel tayo Mind! Sagana naman ang mga hotel dito pero ni minsan ay hindi pa ako nakakapasok ni isa sa mga ito.
Hotel Riddle? Ano yung Hotel?! Heto na naman sya sa mind reading ability nya. Ang bilis bilis talaga nito magbasa ng isip. Well kaya nga Mind ang pangalan nya.
Ang hotel ay isang lugar na kung saan pwede kang pumasok kapag gusto mong magpahinga. Maraming kuwarto dito at magaganda ang serbisyo rito. Magbabayad ka lang ng tamang halaga depende kung gaano ka katagal maglagi roon. Paliwanag kay inosenteng Mind.
E di ba may bahay at tirahan naman ang mga tao eh bakit pa nila kailangang manatili roon?! Tanong ulit ni Mind. Ano ba yan inaantok na ako Mind eh! Pero sige na nga.
Dahil kadalasan ang mga tao ma pumupunta rito ay galing sa malalayong probinsya o siyudad. Namamasyal ang mga tao rito at nagtatagal ng ilang araw kaya imbes na bumalik sa kanilang bahay at mag pabalik balik ay dito sila pumapasok at namamahinga. Lalo na kapag wala silang tirahan dito. Paliwanag ko. Ngayon ay nabasa ko sa isip nya na naliwanagan na sya. Hayy salamat naman.
Ngunit may alam ka bang hotel rito Riddle? Tanong nya.
Tingnan natin ang malaking pulang gusali na ito baka ito ay isang hotel.
Lumabas na kami sa may sulok tapos may mga ilang tao na biglang dumaan. May ilan na tila nagtataka na nanggaling kami sa sulok. Hindi na ako nag abala na basahin ang utak nila dahil sa pagnanais na malaman kung ito ay hotel.
Pumunta kami sa harapan nito at tinignan ko ang taas kung ano ang nakasulat. Nung nakita kong hotel ito ay agad na kaming pumasok at lumapit na kami sa kahera na nakapulang uniform din at binati kami sa pangalan ng kanilang hotel.
Welcome To Sogo Hotel! How may i Help you?

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...