GOODBYE

6 1 0
                                    

First of all, I want to dedicate this to my friend: Baby A. Alam mong ikaw na 'yun haha.

Goodbye (Goodbye Aly, Goodbye Blue)

His Point of View

"Aly, pwede bang," napalunok ako sa kaba bago ko ipagpatuloy ang tanong ko. "Pwede bang manligaw uli?" Hindi parin ako makahinga ng maluwag kahit pa naibato ko na ang tanong na kanina pa bumabara sa aking lalamunan. Natatakot ako sa isasagot niya.

Inobserbahan ko siya. Nanlaki ang mata niya tanda na nagulat siya sa tanong ko. Napansin ko rin ang pamumula ng kanyang pisngi. Iniwas niya ang tingin niya sakin kaya naman napausad ako para magtama ang paningin naming ngunit tumingin ulit siya sa iba..

"Aly," pagtawag ko sa kanya. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Kunwari ay naiinip ako sa sagot niya kahit ang totoo ay parang gusto ko nang mabingi. Dahil alam kong ang isasagot niya ay hindi.

"H-Hindi ka ba marunong magsawa? Ha?" Tanong niya sakin. Tinaasan niya ang boses niya pero alam kong hindi siya galit. Alam kong kinakabahan siya. Kilalang-kilala ko siya.

"Yun nga ang nakakainis eh. Hindi ko magawang magsawa sayo. Inis na sabi ko. Sa pagkakataong ito, totoo na ang inis ko. Pero hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang tanga-tanga ko. Sobra.

Blue naman! Diba sabi ko hindi kita mahal? So stop hoping! Move on! Galit na sabi niya sabay talikod sa akin. Gusto ko sana siyang hawakan sa braso at pigilan pero para naestatwa lang ako. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang lumakad papalayo sa akin habang unti-unting tumutusok sa puso ko ang mga sinabi niya. Alam ko kasing hindi naman iyon totoo. Nararamdaman ko naman na may nararamdaman din siya para sakin. Pero bakit umiiwas siya?

***

What happened before

Nakuha na ni Aly ang atensyon ko noon pa man. Simula nang una ko siyang makita nang minsang pinabili ako ng patis ng nanay ko. Nakita ko siyang umiinom ng soft drinks sa may tindahan ni aleng Choleng habang nagse-cellphone. Noon palang nagandahan na ako sa kanya.

P-Pagbilan ho! Halos mautal kong sigaw. Wala kasing tao sa may tindahan ni Aling Choleng. Baka nasa loob ng bahay si Aling Choleng. Habang hinihintay ko ang tindera ay nakatingin lang ako sa kanya. Maya-maya ay tumayo siya at may nginitian. Tumingin din ako kung san siya nakatingin. May dumating palang isang babae na bago lang din sa aking paningin.

Ang tagal mo naman. Kanina pa ako dito, sabi niya sa babaeng dumating. Siguro ay kaibigan niya.

Sorry naman! Sabi ng babae. Akmang aalis na sila nang hitakin siyang muli nito. Oy, wait lang bibili lang ako ng soft drink. Medyo malayo pa kamo dito sa inyo diba?

Ibig sabihin ay taga dito rin siya? Tanong ko sa isip ko.

Sakto naman ay dumating na si Aling Choleng.

Ano yon? Tanong ni Aling Choleng.

Piattos---Di na natapos ng babae ang sasabihin niya nang pangunahan siya nung babaeng nadatnan ko kanina dito.

May bumibili pa oh, tukoy niya sakin.

Ay sorry. Nadinig kong tugon ng kaibigan niya. Marahil ay nahiya sa akin.

Sige kayo na ang mauna, sabi ko sabay ngiti.

Salamat kuya! Sabi ng kaibigan niya samantalang siya naman ay bahagya lang na napangiti sa akin. Piattos po. Yung blue.

Ilan? Tanong ni Aling Choleng.

Uhano po, bumaling ang kaibigan niya sa kanya upang alukin siya. Gusto mo ba? Umiling lang siya kaya naman isa lang ang binili ng kaibigan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Goodbye (Goodbye Aly, Goodbye Blue) ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon