Delialah's POV:
Nagising ako sa sikat ng araw at nagulat ako nang sina Hadley, Sarah at Adalyn ay nakatingin sa akin na nagdahilang magulat ako."Bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan?"
"Okay ka lang ba?" - Sarah
"Sigurado akong may hangover ka. Anong gusto mo?" - Adalyn
"Dahan dahan ka naman sa pagtayo" - Hadley
Ang weird nila at nakakairita sa feeling. Sobrang tanda ko na ba para gantuhin nila ako ng sobra? Whoo!
"Guys! Okay na ako!" sigaw ko sabay tayo para maipakita kong kaya ko, kaso...natumba ako.
"Wow! Okay na pala, ha? tsk tsk" pangiinis sa akin ni Adalyn.
Psh! Bakit ba kasi natumba ako? Medyo nahilo kasi ako ng bigla, hays!
"Oo na, oo na! Medyo nahihilo pa ako" pagamin ko.
Nakita ko na may dalang sinigang si Hadley.
"Kainin mo na lang tong niluto ni Sarah na sinigang na bangus, para mawala na yang hangover mo"
Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat ako kay Sarah sa niluto nya sa akin. Pagkatapos nun ay naligo na ako at nagayos na ng sarili. Nagulat ako ng hilahin ako ng mga yun at umupo sa may living room.
"Ok...dahil tapos na ang mga dapat nating gawin, why don't we play a game?" aya ni Adalyn
"Uuwi na ako. Iuuwi ko na muna si Jack" excuse ni Hadley.
"Hep hep hep! Anong iuuwi mo sya? Iuuwi mo sya, eh...tulog pa nga eh!!!" pambabarang pabalik ni Adalyn.
Alam kasi ni Hadley kung anong binabalak nitong si Adalyn.
"All should join and minsan na nga lang natin gawin toh"
Walang nagawa si Hadley kundi bumalik ng ayos ng pagupo. Habang tumingin sya sa akin na para bang tinatanong sa akin kung papayag ba sya o hindi sa pamamagitan ng pagtingin sa mata.
"Hadley, minsan lang toh. Pumayag ka na." sabi ko.
Ilang segundong katahimikan nang magsalita si Adalyn.
"And let the game begin."
Adalyn's POV:
Wahh! Excited na ako sa laro na toh. 2 years na kasi naming hindi nalalaro toh...ngayon na lang ulit. This game is called..."The Girl Talk"Para syang spin the bottle. Kung kanino matatapat yung ulo ng bote or the head of the bottle, sya yung machachallenge or marereal talk. Habang kung kanino naman matatapat yung bottom part ng bote ay sya naman yung magtatanong sa challenger. Kapag hindi satisfied yung questioner sa sagot ng challenger ay may incredible flick sa noo ang matatanggap ng challenger mula sa questioner, hanggang sa masatisfied sa sagot ni challenger ang questioner saka lang ito titigil. And the cycle repeats.
"So sinong maspispin?"
"Ako na lang!" prisinta ni Sarah
Pagkaspin ay tumigil na ang pagikot ng bola at nagulat talaga ako ng tumapat sa akin yung ulo ng bote. What the...
"Ako talaga yung nauna? Madaya yang bote nyo!"
"Wala wala! Bakit, may nakita ka bang may ginawa kaming kababalaghan dyan sa bite na yan?" - Sarah
"Psh! Fine! Kung minamalas naman talaga....kay Sarah pa ako natapat!"
"Stop with the nonsense! Hahaha!" pambubwisit sa akin ni Sarah.
BINABASA MO ANG
Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018
Teen FictionWelcome to Unique Academy! Dito lahat maguumpisa ang lahat lahat. Friendship, Relationships, Enemies, Rebels and so much more. Kaya nga sya tinawag na "Unique Academy" right? Kasi...Unique ang mga happenings dito. They learn how to be themselves and...