Chapter 18.1: Realization

40 31 0
                                    

Jam's POV:
Nandito ako ngayon kasama sila Delialah at Adalyn sa labas ng Arcade. Hinihintay namin sina Hadley at Sarah, hindi rin nila alam na kasama ako ng dalawang babae na 'to. Sinabi ko kasi sa kanila na balak kong supresahin si Hadley. Nagtaka lang talaga ako kanina dahil wala si Wyatt sa bahay nung oras o panahon na papaalis ako ng bahay. "Saan na naman kaya yun nagpunta?"

Sa di kalayuan ay nakita ko sina Sarah at Hadley, tsaka...si Wyatt?? Wait, si Wyatt ba talaga yung nakikita ko? Nang papalapit na sila ay si Wyatt nga. "Ano na naman kaya ang ginagawa nito dito?"

"Oh, Jam! Nandito ka rin pala!" bati sa akin ni Wyatt.

"Susupresahin ko sana yung iba eh. Kaso parang ako pa yung nasupresa" sarkastiko kong sabi.

"Anong ginagawa mo dito sa mall, Jam?"

"Nagiikot ikot lang. Ikaw?"

"Same lang din. Nagkasalubong lang kami ni Hadley sa bookstore, kaya sumabay na rin ako sa paggagala nila ni Sarah. Tsaka...ako rin nagsuggest na mag-arcade tayo" paliwanag ni Wyatt. Psh! Kailangan pa bang ipagmalaki sa mismong mukha ko? Sinuggest ko rin naman yan kina Delialah at Adalyn eh, tas sumangayon din sila. Kung tutuusin...sabay at parehas lang kami

Walang umimik saming dalawa ni Hadley. Siguro nasa isip nya kung coincidence lang ba talaga o sinundan ko si Wyatt. So maspapaniwalaan nya pa yun, kesa sa akin? Tsk tsk! As of now nasa loob na kami ng arcade na nagdecide ang girls na panoorin muna kaming maglaro ni Wyatt ng basketball. In other words...we compete. Ewan ko ba at parang desidido akong manalo at ang prize na nasa isip ko ay ang paghanga ni Hadley. "Ano ka ba mind!"

"Ano namang prize kung sino manalo?" tanong ni Wyatt.

"Oo nga! Baka pinapagod nyo lang kami. Dapat may premyo 'to 'noh!"

"Wag kayong magalala, ililibre kayo ni Delialah sa pinakamasarap at pinakamagandang resto. Okay na ba yun?" paliwanag ni Adalyn.

"So, kung sino man manalo...ililibre sya ni Delialah ng pagkain at kahit ano pa ang orderin ng mananalo 'a!"

"Oo na! Resto naman namin yun" sabat ni Delialah.

"Naks! Wyatt, anak pala 'to ng may ari ng isa sa pinakamasarap na kainan 'e. Wag kang papatalo sakin ah!"

"Game on!"

Habang kaming dalawa ay todo effort sa paglalaro ay natapos na rin maya maya. Hindi ko nga namamalayan ang bilis ng takbo ng oras, dahil na rin siguro nagenjoy ako. Nanalo si Wyatt, lamang sya ng 3 points sa score ko. Pero sabi naman ni Delialah ay parehas na lang daw nya kaming ililibre, itext na rin daw namin yung dalawang tamad maglakad lakad.

Nandito na kami sa resto at buti na lang talaga at nakahanap na kami ng magandang spot at kasya kaming lahat. Kaming anim palang dito at hinahintay namin sila Oliver at Jasper.

"Bro, nasaan na ba kayo? Gutom na ako!" panimulang tawag sa telepono ni Wyatt.

"Oo nga!" sabay sabay naming sabi sa telepono na medyo malakas. Nakatingin na nga samin ang mga taong kumakain dun, pero walang effect at diretso lang kami sa kakaingay. "Kulit 'diba?"

"Uhm...Hadley?"

"Yes?"

"Pwede bang...tabi na lang tayo?"

"Ahh...sge. Okay lang naman sa akin" sagot nya sa akin na may kaunying ngiti. Nakakatunaw naman yung ngiting yun.

"Ay ay ay! Dumadamoves!" asar ni Adalyn samin na nagsanhi ng pagkagulat naming lahat.

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon