Chapter 6 ( Instant Girlfriend )

297 24 5
                                    

Chapter Six

*Aldrin's POV*

Lipad, lipad, lipad ang ibong maganda..

Walang kasing saya ang maging maya..

May limang maya nakadapo sa sanga..


Anak ng pitumpo't pitong  tupa----!!  Imassacre ko kaya ang ungas na to?

"ROY!!!" sigaw ko. Kaaga-aga ay nagno noise barrage na naman kasi ang bestfriend kong siraulo.

Lumipad ang isa, apat ang natira..

Lipad, lipad,lipad ang ibong maganda..

Walang kasing saya ang maging maya..


"ROY!!! SHUT UP!!!!" 

Wahh..malapit na akong pumatay ng taong maluwag ang turnilyo. Itinakip ko sa magkabilang tenga ko ang puti kong unan at isiniksik ang sarili ko sa headboard ng kama.

May apat na maya nakadapo sa sanga..

Lumipad ang isa---------

"ROY!! GUSTO MONG PALIPARIN KITA HA????!!!"  hindi na ako nakatiis pa. Sumigaw na ako ng malakas. Pasintabi sa mga tulog pa.

Kahit kasi anong gawin kong daitdit ng unan sa tenga ko ay nanunuot pa rin ang mala- binabaeng palakang boses ni Roy.

Tumahimik naman siya. Hayyy...thanks!! 

Makakatulog n asana ako nang bigla na naman siyng magsimulang mag concert.

Bungkaylang achidi bungkaylang

Abuchikek kek -kek -kek

Buboychichang achidi bungtomang

Abuchikek kek -kek -kek

"WAHHHHHHHHHH!! ROY!! PAPATAYIN KITA!!" 

My Enemy/BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon